---
WALA sa sariling lumabas si Yesha sa k'warto at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Alas syete na ng gabi nang magising siya. Wala sa k'warto si Kate kaya alam niyang umuwi na ito. Bagaman mahimbing ang kaniyang pagtulog ay labis na panghihina pa rin ang kaniyang nararamdaman. Hindi naman kasi pahinga ng katawan ang kailangan niya, kundi pahinga sa kaniyang puso na unti-unti nang nagsasawa sa pa-ulit-ulit niyang pag-iyak.
"So you're here now." Walang emosyon bungad sa kaniya ng ina, naka-tayo ito sa tabi ng dinning table, tinutulongan si Nana Sally sa paghahanda ng haponan.
Nakangiti at masigla naman itong sumagot. "Good evening, mmy, Nana." Pa-unang pagbati niya. "Kanina lang po ako naka-uwi, Mmy, hinatid po ako ni Kate."
Pinagpatuloy niya ang pagtungo sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. Pagkatapos uminom ay amka na siyang lalabas sa dinning area at bumalik sa k'warto. Sa paglipas ng mga taon ay na sanay na siyang hindi kasama sa pagkain ang mga magulang at kapatid. Madalas ay huli siyang kumain o 'di kaya'y sumasabay siya sa mga katulong. Ayaw naman kasi nilang makasama si Yesha kahit sa pagkain man lang.
"Where are you going? You can join us." Hindi inaasahan ni Yesha ang sinabi ng ina.
Napalingon siya rito ng may gulat sa mukha. "Talaga, mmy? Sasabay ako sa inyo?"
"Hmm," tanging sagot ng ina.
Napalundag naman siya sa galak, ang ngiti ay halos umabot sa kaniyang tenga. "Thank you po, Mmy."
"Mmy, kakain na po ba? Nagugutom na ako," ani ni Seah na kakapasok lang sa dinning area, kasunod nito ang ama.
"Yes, umupo na kayo. Yesha, take your seat."
Napalingon naman si Seah sa kaniya, habang ang ama ay walang reaksyon at pinagpatuloy ang pag-upo. Akala niya ay aalaskahin siya ng kapatid pero hindi iyon nangyari, bagay na kaniyang ipinagtaka. Mukha itong matamlay, gano'n paman ay labis ang kaniyang pagpapasalamat at saya dahil muli niyang naranasang makasabay ang pamilya sa pagkain.
"How are you, Yesha?" tanong ng ama sa kalagitnaan ng kanilang pagkain.
"Okay naman po ako, dad. Salamat," nakangiti niyang ani.
"Did you... remember something... in the past?" kyuryusong tanong nito na nakatitig sa kaniya, tila ba may gustong alamin sa kaniya.
"Po? Tungkol saan po?" nagtatakang aniya.
"Nevermind." Ipinagpatuloy ng ama ang pagkain kaya gano'n na rin ang kaniyang ginawa.
Nakapagtatakang labis ang katahimikan sa lamesang iyon, nakakapanibago. Madalas ay masayang magku-kuwentuhan ang pamilya tuwing kakain, pero hindi sa oras na iyon. Dahil ba naroon siya?
Sa buong oras ng pagkain ay ilang beses niyang naramadaman ang titig ng kaniyang mga magulang. Kapwa may emosyong sa mga mukha na hindi niya mapangalanan. Gano'n paman ay binale-wala niya iyon. Habang si Seah naman ay mababakas ang tamlay sa kaniyang mga kilos, parang walang-ganang kumain.
"Ate Seah? Okay ka lang ba?" aniya na may halong pag-alala sa boses, napatingin naman ang lahat kay Seah.
"Anything wrong, Seah? Kanina ka pa pag-uwi ko ah?" ani ng ama.
"I'm fine, dad," walang-buhay niyang sagot.
"Namamaga ang mga mata mo, anak. Umiiyak ka?" sabat ng ina.
Seah smiled but they know it was fake. "I'm really fine. I'm just tired." aniya. "I'm done. Ma-una na po ako sa inyo." dagdag pa niya bago tumayo at tumalikod na papalabas ng dinning.
BINABASA MO ANG
When She Closed Her Eyes (On-going)
Teen FictionYessa Camille Andrada was once considered as the luckiest girl in town, she was a shy and silent type but she never lack with attention. Though she lack with warm embrace from her family, it does not bother her at all, because of her brother. Her br...