CHAPTER 27

549 53 3
                                    

...at kung may katotohanan nga ang isa man don,ititigil ko na ang nararamdaman ko para kay Esme...

Matagal silang napatahimik ng dalaga pagkatapos nyang magsalita.Naramdaman nya nalang itong lumapit sa kanya upang itanday ang ulo sa kanyang kanang dibdib.
Habang ang isa nyang kamay ay nakaikot sa balikat nito.
Matiwasay lang nilang pinagmasdan ang madilim na gabi at ang payapang katahimikan nito.Dinadama ang lamig ng simoy ng hangin kahit punong puno ng problema ang kanikanilang mga puso.

"I miss mom..." Saad ng dalaga na nagpabasag sa kanilang katahimikan "Im miss her so much"

Hindi sya sumagot at inantay lang ang kapatid sa iba pa nitong sasabihin.

"Do you think?" Tanong nito "Hindi tayo magiging ganto kung buhay pa sya?"

Napaisip sya bago magsalita.

"Hindi ko alam Kyst" sagot nya "Pero sana hindi nalang sya nawala"

"Bakit ba tayo umabot sa ganto?" Tanong ng dalaga "Dahil sa pagkawala ni mommy,nauuhaw tayo sa impormasyon ng babaeng yun"

"Si Maria Esther" anang ani nya,naalala ang dahilan ng problema nila ngayon.

"Malaki ang epekto ng babaeng yun sa buhay ni daddy" saad ng dalaga "At si Esme,mula ng makita sya ni dad.Bumalik nanaman ang dating ugali nya.He cant move on from the past,
iniiyakan nya padin yung babaeng yun.At dahil yun sa pagpapakita ni Esme sa kanya.Ano ba kasing meron sa faggot nayun at malaki ang epekto nya satin"

"Siguro sumobra lang tayo" ani nya.

Napa ayos muli ng tayo ang dalaga dahil sa sinabi nya kapagkuwan ay tinuonan sya nito "Sumobra saan kye?" Tanong nito.

Napatingin sya sa malayo bago ito sagutin "Sumobra sa paghahanap ng katotohanan kay Maria Esther" sagot nya "Nauhaw tayo sa dahilan na baka malaman natin kung sino sya.Na baka makatulong tayo kung ano nga ba ang pinagdadaanan ni Daddy.
Pero hindi natin naisip na aabot tayo sa ganto"

"Hindi ko pinagsisihan kung ano man ang nangyari kay Esme ngayon" matapang na saad ng dalaga "Sa palagay ko,malaki ang kauganayan ni Maria Esther sa Esme nayan.At hangga't nakikita ko si Daddy na miserable dahil sa kanilang dalawa,maghahanap ako ng katotohanan.Sisiguraduhin kong malalaman ko ang totoong pagkatao ng faggot nayun.Sapat na ang paghihirap ni Dad kay Maria Esther.Ako ang tatapos sa lahat ng sinimulan nilang dalawa sa daddy ko"

Hindi na nakasagot pa si Kye sa tinuran ni Kyst.Kapwa kasi sila natigilan ng mapansin ang isa sa mga guard nila na binubuksan ang gate,kitang kita nila ito mula sa taas ng balkonahe.
Kapag kuwan ay napansin nila ang isang itim na kotse na papalabas mula rito.Saglit silang nagkatinginan ng kakambal dahil sa pagtataka.

Naisip kung sino nga ba ang laman ng kotse nayun na lumabas sa gantong hating gabi.

"Si Daddy" sambit nya.

"E san naman sya pupunta sa gantong oras?" Tanong ng dalaga.

Hindi nya na ito sinagot pa,kapagkuwan ay mabilis na lumabas sa balkunahe kasunod ang dalaga.Nais nilang malaman ang pupuntahan ng ama kung kaya't tatanongin nila ang guard.Nagbabasakaling may masasabi itong sagot.

Ba-baba na sana sila sa hagdanan nang bahagyang matigilan sa paglalakad ng mapansin ang isang pinto.Medyo nakaawang ang bukas nito kaya lumalabas doon ang maliit na liwanag mula sa silid.Kapwa sila napukaw ng pansin nito at nagsimulang magtaka.Never in theire life,simula ng mamatay ang kanilang ina ay hindi na sila nakakapasok pa sa silid ng kanilang ama.Kaya malaki ang kaisipan kung bakit sa pagkakataong ito ay naiwan nitong hindi naka lock ang pinto at bahagyang nakabukas pa.

Im not Maria Esther (BXB Mystery)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon