Chapter 3

23 5 0
                                    

Sam's POV

Pagkarating na pagkarating ko sa garden ay naupo na agad ako sa ilalim ng puno at ipinikit ang mata para sana makapag isip-isip ng mga bagay-bagay.

Nalunod na ako sa pag-iisip nang bigla naman akong nakaramdam ng mga yapak papunta sa may pwesto ko. Pasimple kong kinuha ang maliit na dagger na nasa loob ng bulsa ko at hinintay siyang makalapit.

Nung nasa harap ko na siya ay tinutok ko ito sa leeg niya at dumilat.

"Relax, ako lang 'to Sam... Wag kang ganyan" sabi ni Calix na mukhang kabado kaya tinago ko na ulit ang dagger na hawak ko

"Bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko

"May itatanong lang sana..." sabi niya "pero mukha atang wala ka sa mood, kaya 'wag na lang muna" dagdag niya at tatalikod na sana

"No, no... ok lang" sabi ko "Upo ka muna" dagdag ko at tinapik tapik pa ang tabi ko senyales na umupo siya

Pagkaupo niya ay nagtanong na agad siya sakin

Mukhang may sense naman ang sasabihin niya.

"Ok so... Bakit kayo dikit ng dikit samin? I mean hindi naman kayo yung tipong didikit sa taong gusto niyo" sabi niya kaya natawa ako. Ano daw? Sinong may gusto?

"Kapal mo ah" di ko napigilang sabihin

"Hindi naman, sakto lang" sabi niya tapos ngumiti at tumingin sa langit habang nagkakamot ng batok niya, mukhang napahiya sa sinabi

"Gusto mo talagang malaman?" tanong ko at tinanaw rin ang langit kahit wala namang bago roon.

"Oo naman!" malakas niyang sigaw, ngumiti ako at sumandal sa katawan ng puno, nagulat pa ata siya sa pagtaas ng boses niya kaya tumikhim siya at ibinalik ang tingin sa langit

"That's because kailangan namin, it's our duty to protect you and your gang from the mafia that wants to kill you" sabi ko kaya napatingin siya sa gawi ko, naintriga sa mga sinabi "Hindi ko alam kung bakit gusto kayong patayin ng grupong iyon, ang alam ko lang ay may atraso kayo sakanya... hindi naman talaga namin gustong bumalik dito kaso... nevermind"

"Tapusin mo naman ang sentence mo" giit niya

"Wag na, 'di naman yun importante" sabi ko

"ok" maikli niyang sagot. Madali naman palang kausap.

"Ako naman magtatanong... Ano atraso niyo ki Mateo at bakot gustong-gusto kayong patayin? Hindi niyo naman sila masasapawan in terms of skills eh, no offense but your group is literally below the level to waste time on" ngumiwi siya sa sinabi bago magkibit balikat

"Natalo ko kasi siya nung naglaban kami, mahina naman talaga siya eh, naging mafia lang siya dahil sa mga connections niya, kaya yun nagalit gusto maghiganti" sagot niya kaya natigilan ako. Sus, natalo niya daw??? Si Mateo? Natalo? Not shocking, that guys is a dumbass.

"Ang babaw naman ng rason niya" sabi ko at saka tumayo na "Nasira mo ata ego niya"

"Saan ka pupunta?" tanong niya

"Aakyat lang sa puno, masama ba?" sabi ko at saka tumalon at umupo sa sanga

"Babae ka ba talaga?" nagtataka niyang tanong. Wow, what is this mindset. Umakyat lang ng puno hindi na babae? Ngumisi ako sa tanong niya bago makaisip ng nakakakilabot na sagot doon

"Kailangan ko pa bang mag-hubad malaman mo lang ang sagot diyan?" sarkastiko kong tanong pabalik na hindi niya inasahan dahil sa pamimilog ng mga mata niya

"Ano bang klaseng tanong yan!" sigaw niya

"May mali ba sa tanong ko?" sabi ko with nagtatakang boses "Porket ba babae bawal na umakyat sa mga puno?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Duty to ProtectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon