"Magluluto muna ako. Buksan mo nalang yung TV para hindi ka mainip. Saglit lang."
Hindi na ako nakasagot kay Daniel dahil pumasok na agad siya sa Kusina at iniwan kami ni Danny sa Living area. Naka-panjamas pa rin ako kaya laking pasasalamat ko na dito kami dumiretsyo sa Condo Unit niya. Buti nga pwede magpasok ng Pets sa Building nila kaya naipasok namin si Danny.
"Danny! Come here." tawag ko.
Agad naman itong lumapit sa akin at tumabi sa kinauupuan ko. Tahimik lang si Danny at mukhang naninibago sa lugar. Ganoon pa rin ang itsura ng Unit ni Daniel. Malinis pa rin at walang pinag-bago, tulad pa rin 'to nung huling punta ako rito.
"Dito nakatira ang Daddy mo." I talked to the dog.
Natawa pa ako dahil tumahol ito na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ko.
"He's your dad. Do you remember him?" bulong ko while patting his head.
Sinasadya kong mahina lang magsalita dahil ayaw kong marinig ni Daniel ang sinasabi ko.
"Danny! Here's your food."
Medyo nagulat pa ako nang biglang magsalita si Daniel mula sa likod namin. Dali daling bumaba si Danny mula sa Sofa nang marinig niya ang boses ni Daniel. Nang lumingon ako sa kanila ay kumakain na si Danny mula sa isang bowl ng dog food.
"Bakit may Dog food ka dito?" hindi ko maiwasang itanong.
"I'm planning to adopt a dog." sagot niya agad habang nakatingin pa rin kay Danny na kasalukuyang kumakain. "Ang bilis niya lumaki."
Hindi na ako nagsalita at tumango nalang ako kahit nakatalikod siya sa akin at hindi ako nakikita. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad na pabalik sa Kusina. Sumunod naman ako sa kanya dahil wala akong balak tumambay sa Sala ng walang kausap.
"Can I help?" tanong ko.
Nung una ay nagaalinlangan pa siya kung papayag pero mukhang nabasa niya ang nasa isip kong wala akong balak umalis sa harap niya kaya naman pinagstay niya na lang ako sa kusina pero siya lang ang nagaasikaso habang pinapanood ko lang siya.
"How are you?" pagbabasag ko sa katahimikan.
Mukhang wala kasi siyang balak maunang magsalita kaya inunahan ko na siya.
"I'm great. Really, I'm fine." sagot niya agad.
Nakatalikod siya sa akin habang nagluluto at nakaupo naman ako sa harap ng lamesa. Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya.
"Sana all." mahinang sabi ko sapat na para marinig niya.
Napansin kong medyo natigilan siya pero agad ding nakabawi. Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa matapos siyang magluto at agad na naghain sa harap ko.
Bigla akong nakaramdam ng gutom kahit kumain ako kanina kasabay si Ryker. Hindi ko naubos yung pagkain na bigay niya. Nasa bahay pa kaya siya? I feel sorry for him, sana hindi siya magalit sa akin. Ayaw pa naman niyang hindi inuubos ang pagkain na bigay niya.
Magpapaliwanag nalang ako sa kaniya mamaya.
Simpleng itlog, Tocino, Hotdogs at fried rice lang ang inihain ni Daniel sa harap ko pero takam na takam na pa rin ako.
"Anong course mo?" this time, siya ang unang nagsalita sa pagitan naming dalawa na ikinatuwa ko.
"Mass Communication." sagot ko agad.
Pasimpleng napangiti pa ako nang siya mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko bago siya umupo sa harapan ko saka siya naman ang nagsandok para sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
The President's Tint (UNEDITED)
Teen FictionMickalla Perez, the Student President in their Class. He is Daniel Gilles, their fresh graduate; class adviser who's always asking what shade of tint she's wearing everytime he sees her. He's so weird, is he gay? (Former title: Miss President, I l...