Kiss me, Engineer
Prologue
“Hoy Unique! pakibilisan mo naman magbihis jan malalate na tayo!” sigaw ni Madeline sa baba.Ako na lang kase hinihintay at kasama niya doon si Peach. Pupunta kami ngayon sa bar dahil nakapasa kaming tatlo sa board exams since wala naman ang mga parents naming ngayon kami-kami muna. Sa weekend na lang kami magcecelebrate nila mommy at daddy dahil yung lang ang kanilang available time.
“W-wait! Bababa na ako”buong lakas kong sigaw at nagmamadali kong sinuot ang hoodie ko na medyo light pink at nagleggings ako ng black.
Naglagay na lang ako ng kunting pulbos at liptint saka ko sinuot ang eyeglasses ko.
“Ang tagal mo naman! Kanina pa kami naghihintay dito sa baba” sigaw niya pagkababa ko sa bahay.
“Oh ano yang suot mo? magjojogging ka ghorl?Hahaha” baling sa akin ni Peach. Napasimangot na lang ako dahil hindi naman ako komportable magsuot ng mga dress.
“Alam mo namang di ako nagsusuot ng mga ganyan tas ang ikli pa ng suot niyo”
“Bar kase tayo pupunta ngayon ghorl tas naghoodie ka? Kung di naman hoodie suot mo loose shirts naman. I just don’t get it may pera ka namang pambili. Para saan pa at nagtratrabaho yung mommy at daddy mo?”tanong sa’kin ni Peach.
“Pabayaan mo na lang yang si Unique malaki na yan Peach! Come on let’s go!” yaya na ni Madeline.
Nagroll eyes lang sakin si Peach at pumasok na siya sa loob ng sasakyan.
Gamit namin ngayon ang car ni Madeline since siya lang ang may license saming tatlo. Pagkapasok namin sa bar medyo madilim siya, napatakip na lang ako ng ilong ko dahil sa usok ng sigarilyo.
Actually, hindi ako pumupunta sa mga ganitong lugar dahil di ko naman trip. Sadyang pinayagan ko lang yung dalawa sa suggest nilang isama ako dito.
Alam kong pinagtitinginan na ako ngayon dahil sa suot ko. Pero wala akong pakialam eh sa dito ako komportable. I can wear whatever I want.
“Peach order ka na ng drinks natin! Ikaw Unique anong gusto mo?” tanong sakin ni Mad. Umiling na lang ako dahil wala naman akong alam sa mga drinks.
“It’s up to you na lang ikaw na lang pumili ng para sa akin.” she just nodded and smirked at me
“Okay” saad niya bago ako umupo sa table namin.
Medyo kinabahan ako sa inasta niya pero may tiwala naman ako sa kanya. Pagbalik ni Peach sa table ay nilapag na niya ang inumin naming tatlo.“Unique this is for you ghorl” at binigay niya sakin ang medyo light blue na drinks.
Ewan ko kung ano tawag dun basta ininom ko na lang ng deretsahan.
Ramdam ko ang init na dumaloy sa lalamunan ko. Shit di pa naman ako sanay uminom ng ganito at mababa lang ang alcohol tolerance ko pero pinabayaan ko na lang . Hayaan ko muna ang sarili kong mag-enjoy ngayon.“Hoy Madeline! Anong pinainom mo sa kanya?! Bat ganyan itsura niyan?” rinig kong sabi niya pero medyo umiikot na yung paningin ko.
“Okay lang ako Mad..Hahaha” medyo lutang kong tugon sa kanya.
“Hoy babae! sigurado ka ba diyan? Baka mamaya niyan matumba ka hah. Naku sinasabi ko sayo!” sabi sa akin ni Peach.
YOU ARE READING
Kiss me, Engineer (Zalestra Series #1)
RomanceUnique Shein Forbes, a 23 years old shy type woman. A woman who loves wearing hoodies and eyeglasses. Naniniwala siya na walang seryosong lalaki sa mundo na lahat sila ay manloloko like her father who left them when she was young for his mistress. F...