Chapter 12

37 1 0
                                    

Zarina POV

Pagkatapos ng laro ay kaagad akong lumabas ng gym.Nabobored na ako sa loob kahit sobrang nagbubunyi ang mga tao.Ako lang yata ang hindi masaya dun.

'Pano ba namn kasi wala ang mundo ko.'Huh?Ano daw?
Wala sa sariling naglalakad ako.Iniwan ko sa loob sina Kevin.Napabuntong-hininga ako.Gusto ko ulit siyang makita.

Palingon-lingon ako baka sakaling makita ko si Acer.At voila!

May kausap lang namn siyang maganda.Mukhang masaya silang nag-uusap dahil nakikita ko sa mukha nila at naririnig ko din ang malakas na halakhak ng babae.

'Bakit parang nakakaramdam ako ng kirot.Diretsahan nga, nagseselos ba ako?'

Mukhang nag-eenjoy sila at dahil makapal ang mukha ko ngayon ay papalapit ako sa banda nila.

Napansin ako ni Acer pero binaliwala niya lang ang paglapit ko at patuloy pa rin silang nagtawanan kaya namn nainis ako.

"Hi Acer!"bati ko ng makalapit na sa kanila.Napalingon ang babae at nakataas ang kabilang kilay nitong tinitigan ako.Nadagdagan yata ang inis ko.

"Who are you?"anang babae.Maganda sya.Maputi.Seksi.Yun lang. Hahaha!

Napatawa ako sa isip.Ito ba mga tipo nya?Mapuputi?Kailangan ko na bang magpa bleach ng balat?O uminom ng gluta?

"I'm Zarina Alarcon--"

"Oh wait!You're that famous badminton player Zarina Alarcon?"Anang babae at halata sa mukha ang galak.

'Whew!That's unexpected.Sikat pala ako.'
Napangiwi ako ng bigla itong lumapit sa akin at nagpapicture kasama ako.Inutusan pa nito si Acer na gawin iyon.

'This brat.Makautos kay Acer akala mo utusan.Kung di nya lang ako idol baka natarayan ko na.Halata sa mukha nya na humahanga sya sa akin.Tsk!'

"Oh my geh!Napakaswerte ko naman.Two famous players ang nameet ko ngayong araw.Thank for the pic miss Zarina and also..."Bumaling ito kay Acer at niyakap ito bigla.Nagulat ako sa ginawa nito.

"Thank you so much!Hindi nasayang ang pagpunta ko dito."

"Your welcome."tipid na tugon ni Acer.

'What?Kaano-ano ba ito ni Acer?Girlfriend?'

"Anyway, I'll go ahead.Glad to meet the two of you.Bye Zarina and Acer,"paalam nito at naglakad na palayo na bakas sa mukha ang kasiyahan. Binalingan naman ako ni Acer ng tingin.Alangan akong napangiti.

"So why are you here?"Seryosong tanong nito habang nakahalukipkip.So hot namn tingnan.

"Uhmm..sorry if I disturb you.Napadaan lang ako."Sinsero kong sabi sa kanya na nakayuko.

"Really?"sarkastikong tanong nito.

"O-oo.Totoo."Tugon ko at iniangat ang paningin dito.

"Girlfriend mo?"Kapagkuway tanong ko.

"Hindi."mabilis na sagot niya at tinalikuran ako para umalis. Hindi ako makapaniwala sa narinig.Masaya ako sa nalamang wala siyang relasyon sa babae.Sumunod ako sa kanya.

"May girlfriend ka na ba?"Deym!Natanong ko talaga yun?Hindi ako makapaniwala sa sarili.Masyado akong aggressive ngayon.
Huminto siya at hinarap ako.Napahinto na rin ako.

"Kapag ba sinagot ko ang tanong mo, hindi mo na ako guguluhin?"mataman niya akong tinitigan.

"Hindi naman kita ginigulo ah."mahina kong sabi.Pero tumango pa rin ako sa sinabi niya.

"Ano?"Tanong nito.
"I don't have a girlfriend.And I don't plan to have one,"anito saka ako iniwan na natigilan.

'Wala syang girlfriend.Pero ayaw niyang magkaroon ng isa.Dalawa ba gusto nya?'
Naguguluhan ako at napamulagat sa isang konklusyon.

'He's a gay?No way!'Natutop ako ng bibig.

~~~~

AUTHOR'S POV

Isang linggo makalipas ang intramurals ay hindi nga nagparamdam si Zarina kay Acer. Pero nitong huli ay napapansin niyang nakatitig sa kanya si Acer kapag nakikita niya sa paligid.

How she missed him!Kaya naman nagdesisyon siyang makipaglapit ulit dito.Pero hindi sa paraang halata na gusto nya ito.

"Hey Zarina!Mukhang napagod ka na sa paghahabol sa crush mo ah,"tukso ni Bryan na kaibigan ni Acer nang magkita sila sa canteen.Medyo namula siya sa tinuran nito.

"Bryan, hindi ako ang tipo ng naghahabol.Do I look like a loser to you?"May inis sa tono niya.Napatawa namn ito.

"Woah!Hey easy.I didn't say that.But, you look like a tigress right now."Anito at nagtawanan ang mga ito kasama si Henry at Paolo. Naupo na siya sa katabi ng mga ito.Maya-maya dumating si Acer.Kinabahan siya ng bahagya.

"Hey Ace!Nandito si Zarina."Sigaw ni Henry.Naupo ito sa tabi ni Henry malayo sa kanya.Sinulyapan lang siya nito at tahimik ng kumain.

"Errr..May nangyari ba at ang akward nyong dalawa?"Ani Paolo kaya hinila nito ang dalawa pa at iniwan silang dalawa ni Acer.Naguguluhang sinundan niya ng tingin ang tatlong palayo. Bahagya pa siyang nagulat nang maupo sa harapan nya si Acer.

'Anong ginagawa nya?'
Nakatitig na ito sa kanya kaya napatigil siya sa pagsubo ng pagkain.Naiilang tuloy sya.

"What?Huwag mo naman akong titigan.Naiilang ako."sabi nya dito.

"Naiilang ka na ngayon?"anito at seryoso pa rin siyang tinitigan.

"Of course.Isang linggo tayong hindi nag-uusap."Aniya at muling sumubo ng pagkain.Trying to ignore his enticing gaze.Acer namn eh..

"Tinotoo mo nga na hindi ako abalahin".Sabi nito at nagsimula na ring kumain.

"I'm just admiring you from afar.And I'm not stalking you.So how could you say that I am disturbing your existence?"Nakatingin na siya dito.Uminom naman ito ng tubig at sinalubong ang mga tingin nya.

"Is that so?Then stop calling me that.. mister angry bird.I have a name."anito sa tonong may halong inis.

"Okay!Kasi namn namumula ka kapag naiinis or nagagalit.Kaya natutuwa akong tuksuhin ka.Kasi naman sinusungitan mo ako."Nakanguso niyang turan dito.

"Stop doing that."

"What ?"

"Stop that...look of yours." Naguguluhang tiningnan niya ito.

"Why?"inosenteng tanong niya naman

"You look...cute."anito sa mahinang boses na dinig niya namn.

'Huh?cute daw ako?'

"Cute a-ako?"pag ulit niya dito.Tumayo naman ito na nakangiti na ngayon.Biglang bumalik ang nararamdamn nya dito.Mas matindi pa ngayon.

"Oo.Mukha kang cute na pato."

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now