Chapter 2

3.6K 160 1
                                    


Gun's POV

Ilang araw  na ang nakalipas simula noong makatanggap ako sa message mula kay Cade at hanggang nagyon ay iniisip ko pa rin 'yon. Cade was a serious man, kapag sinabi nito ay talagang gagawin niya. Kilala ko siya kaya naman grabe na din ako mag-overthink ng mga bagay-bagay. He's been like that since the first time we met. 

Is he that serious about me? Then, why did he hide me back then? 

Umiling na lang ako, ayoko ng mag-isip ng kung anu-ano pa. Baka mamaya ay niloloko niya lang ako at gamitin pa niya ako. Ayoko na, it's enough. 

"Are you okay Gun? You look pale." nag-aalalang tanong sa akin ni Dawin. Tinanguan ko lang siya bilang sagot. Dumating dito si Dawin kahapon at sasamahan na lang daw niya ako since pumayag naman ang family niya sabi niya. 

Umakyat ako para pumunta sa third floor. Pumasok ako sa library at kumuha ng libro at komportableng naupo sa isa sa mga single sofa doon. Tahimik ang paligid kaya naman payapa akong nakapagbasa at hindi ko na namalayan ang oras at nakatulog na pala ako. 

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may kung anong humahalik sa leeg ko. Naramdaman ko na may kamay ng humahawak sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Napaliyad ako ng pisilin nito ang bewang ko. 

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nilingon ang lalaking casual na nakapaibabaw sa akin at nilalantakan ako ng halik.

"Cade?!" gulat kong sigaw dito.

He smirked as he smashed his lips to mine. Hindi agad ako nakapalag dahil sa lalim ng halik na ginagawa niya. Ng humiwalay siya sa akin ay agad na napalitan ng kakaibang expression ang mukha niya na ikinatakot ko. 

"Miss me baby?" malumanay niyang bulong sa akin pero ramdam kong may kakaiba sa tono niya. 

Bakit? Bakit ganun pa din ng tibok ng puso? Bakit parang walang pinagbago? Mahal ko pa rin ba siya? Huli na ng maramdaman ko at tuluyan ng lumabas ang mga luha ko. Sunod-sunod ang naging pag-agos nito at parang walang katapusan.

"W-Why?" naiiyak kong tanong sa kanya. 

Napatigil ako sa pagsasalita ng may inilabas itong baril at itinutok sa akin. Napapikit ako at tahimik na umiyak.

"Gun! Gun! Gunter!!?"

Agad akong napamulat habang habol ko ang sariling hininga. Mabilis ang naging pagtibok ng puso ko. 

A-Anong nangyari? Nilingon ko si Dawin na may nag-aalalang expression. 

"Gunter? Ayos ka lang ba? Binangungot ka. You keep saying 'Why?' and 'Save me'." Naitikom ko ang bibig ko.

Panaginip lang lahat. Napabuntong-hininga ako. Mabuti naman.

"Hey! Your phone is beeping."

Agad kong kinuha iyon at tiningnan kung sino ang nag-text.

[ How it feels to be with that guy? ]

Napatigil ako.

[ Tell that goddamn guy to get out now. I'm serious Gun, I can kill that boy. ]

Is he watching me from somewhere? Hinarap ko si Dawin na may pag-aalala pa ring nakatingin sa akin. I smiled at him. 

"Are you okay?" he worriedly asked. Tumango lang ako bilang sagot.

"Im going to get you some water." akmang tatalikod na ito ng pigilan ko siya.

"Its okay. Gusto ko na sanang magpahinga Dawin. I'll go to my room, I can just call manang if need ko ng something." ngumiti ako dito.

"Are you sure?" may bahid ng pag-aalala sa mukha nito.

Tahimik akong tumango. Bumuntong-hininga ito bago siya lumabas. Maya-maya pa ay nagpunta na ako sa kwarto para doon na magpahinga. Ipinikit ko ang mga mata ko at nasa kalagitnaan na ng katahimikan ang isip  ko ng makarinig ako ng kaluskos sa labas ng veranda ng room ko. Napabangon ako  dahil kinabahan ako. 

Kinuha ko ang phone ko at nakita ko ang text ni Cade sa akin. 

[Open the sliding door baby, now.]

Is he serious right now? Bubuksan ko ba? 

Dahan-dahan akong lumapit sa veranda at binuksan ko ang pinto pero wala naman akong naaninag na tao doon kaya nakahinga ako ng maluwag. Akmang isasara ko na ulit 'yon ng makaramdam ako ng mga brasong yumakap sa akin mula sa likod. 

"Miss me baby?" 

His Secret Lover (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon