Chapter 3

3.2K 155 0
                                    

Gun's POV

"Miss me baby?"

Napapikit ako bago siya pilit na itulak palayo sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

I looked at him straight pero wala pang isang minuto ay napaiwas din ako agad.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya habang naglalakad papuntang kama at doon naupo dahil ramdam ko na ano mang oras ay bigla na lang akong mabubuwal.

Nakita kong tinanggal niya ang suot niyang mask at cap. Lumapit ito sa akin at naupo sa tabi ko. Napapikit ako ng maamoy ko ang pamilyar niyang pabango. How I missed that smell of him. Its been so long yet----

"I'm here because you are here." pabulong niyang sabi sa akin habang matiim ako nitong tinititigan.

Pagak akong natawa. Really?

Lakas loob ko siyang hinarap at tinitigan. "Really? Iyan ba talaga ang rason mo? Oh nandito ka kasi gusto mo lang akong singilin sa mga utang ng daddy ko sayo?"

Nakita kong natigilan ito. Natawa ako.
"So am I right? Hindi pa ba sapat yung apat na taong itinago mo ako noon? We've been together for four years and all pero ano? You hide like I am not visible to anyone. Hindi pa ba tapos yung mga pagkakautang ng daddy ko sayo?"

Naiinis na pinunasan ko ang mga luha ko. Shit this tears. Bakit ngayon ka pa lumabas?

Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin hanggang sa siya na ang bumasag nito.

"Saan mo nalaman ang mga 'yan?" may bahid ng pagka-ma-awtoridad ang boses niya at nahihimigan ko rin ang galit niya.

"Hindi na yun ang mahalaga rito, tell me Cade?" humarap ako sa kanya at ganun din siya sa akin.

"Did you kill my father?"

_____________________

Its been a week since that night. Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpapakita sa akin na ipinagpasalamat ko. I need more time to erase him in my system. After that night, doon ko lang napagtantong may nararamdaman pa din ako sa kanya. Kung hindi lang ako galit ay malamang na agad akong babalik sa kanya na parang walang nangyari. Ang rupok di ba?

Napabuntong-hininga ako. "Kumusta naman kayo dyan ma?"

[ Ayos lang anak inaalagaan ako dito ng mga kuya mo. Nasaan nga pala ang bestfriend mong si Dawin? ]

Tumingin ako sa paligid atsaka sinagot si mama. "Umo-order ng pagkain namin ma. Kayo? Kumain na ba kayo? Past 2 na dyan ah?"

Narinig kong tumawa si mama. [ Opo. Tapos na po kaming kumain anak. ]

Nagkwentuhan pa kami ni mama, ng makapagpaalam na ako ay siyang dating naman ni Dawin dala ang mga in-order niya.

"Ang dami naman niyan. Patatabain mo ako?" Natatawang ani ko sa kanya.

"Pwede ba?" Nakangiti nitong sagot.

Napailing na lang ako. Nasa aktong aabutin ko na ang tray na dala niya ng bigla akong nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.

His Secret Lover (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon