Chapter 13

41 2 0
                                    

  Dumaan ang mga araw at tila napapalapit na sa isa't isa sina Acer at Zarina.Hindi niya na rin ito inaasar.Masaya na siyang nakakasama na nila ito.  

"Napapansin kong masayahin ka.And very carefree."Basag ni Acer sa katahimikan.Silang dalawa lang ngayon at nasa library sila.Privacy.

  "Syempre.Hindi ako nagpapadala sa mga suliranin.I learned that from a friend.Hanga ako sa kanya.Despite sa mga napagdaanan , bumangon siya.With the faith in God nalampasan niya.And she stands for her desisyon.Napaka-independent nya."Napangiti sya sa naalala.Wherever she is now, blessed be her.

   "That's good for you.You learned from the mistakes of others."

   "Not totaly.I also learned from my mistakes.Kaya lahat ng bagay nakikita ko bilang positibo." 

  "You're different.Bihira lang ang isang tao na makaka-appreciate sa halaga ng buhay.And you, live it to the fullest."Napapahangang wika nito.

   "Dapat lang 'diba?Life is short.And time is gold.And just go with the flow."aniya.Napatawa namn ito.

   "Ang sarap mong kasama."

Napatigil siya sa pagtawa.Nilingon niya ito.Napasinghap siya ng malamang nakatitig ito sa kanya.Nahihiyaat naiilang siya sa sinabi nito.

    "You're worth to be taken care of."seryosong turan nito kaya bigla namang kumabog ang dibdib nya.

   'Anong ibig niyang sabihin?'palagay niya namumula ang mukha niya.Do they have mutual feelings?

Sabay silang lumabas.Napapansin niyang napakabait at gentleman nito.

'Ang sarap niya sigurong maging boyfriend.'

  ~~~~

  Zarina POV

   Nasa tambayan kami ngayon ng kaibigan ko at kaibigan ni Acer.Wala pa ito at susunod na daw ito.

  Nasa cafeteria kami sa campus at hinihintay na lang si Acer.Naka-order na kami.

Maya-maya pa ay dumating na si Acer at hindi ito nag-iisa. Bigla akong nakaramdam ng tamlay.Kasama niya si Shaina.

  "Sorry guys I'm late."hinging-paumanhin nito .

  "Hi!Kumusta kayo?"si Shaina.

Nakipagbatian din ang mga kaibaigan niya.Tipid na ngiti lang ang iginawad ko dito.Tumabi sa akin sa upuan si Acer at inilapit ang bibig sa tainga ko.

   "Sorry natagalan ako.Nainip ka ba?"Natigilan ako sa ginawa niya.Binalingan ko siya ng tingin at pilit ang ngiti na tinugon siya. 

  "Hindi naman.Ano Ang gusto mong drinks?"sa halip ay tanong ko. 

  "Ako na ang o-order para sayo Ace.Frappucino right?"singit ni Shaina.Tumango si Acer. 

'Buti pa si Shaina alam ang gusto niya.'Naiinis na wika ko sa isip.Ba't ba kasama nito si Shaina?

    "Hey, ba't ang tahimik mo ngayon?May problema ba?"Pansin sa akin ni Acer.  

"Tinatanong pa ba 'yan?Obvious na nagseselos siya kay Shaina no."Singit ni Genesis.Nagtawanan ang lahat kaya sinamaan ko siya ng tingin.Nasa counter si Shaina kaya hindi nito narinig.

   "No need to be jelous.She's just a friend," muli ay bulong nito sa tenga ko.Nakikiliti ako sa ginawa niya. 

  'Yeah she's just a friend.So do I.Parehas lang kaming friend mo.'reklamo ko sa isip.

Pagkabalik ni Shaina sa table namin ay kaagad siyang kumapit kay Acer.Napasimangot ako sa nakikita.  

"Ehem...by the way Shaina, no offense meant, bakit ka napasama kay Acer?Where are your minions?I mean friends?"si Genesis. 

  Napabitaw si Shaina kay Acer at parang nagpasaklolong tumingin dito. 

  "Nag-iisa si Shaina nang magkasalubong kami kaya sumama siya sa akin.Okay lang naman diba?"Sagot ni Acer at binalingan ako ng tingin.Hinawakan nito ang kamay ko at marahang pinisil. 

  'Para namn tayong may relasyon sa ginagawa mo.'ani ko sa isip pero hinayaan ko na lang siya.It feels good anyway.

   "Yup!Okay lang namn."Sabi ni Paolo na sinang-ayunan ng lahat.

    "Thank you everyone sa pagtanggap sa akin sa grupo nyo."Madramang turan nito.

'Tss.Arte namn.'Parang gusto ko siyang irapan sa inis. 

  Acer POV

    Napangiti ako ng maalala ang nangyayari.Magkalapit na kami ni Zarina at alam kung gusto niya din ako.Matagal na.Kaya namn lalo akong lumalapit sa kanya para makita siya lagi at makasama.We have mutual feelings pero hindi pa ako umaamin sa kanya.Nahihiya ako at hindi ko alam kung paano gagawin.Saan magsisimula?Sapat na sa akin na nasa tabi ko lang siya at ako ang gusto niya. 

  Tulad ngayon, magkasama na naman kaming dalawa ni Zarina sa isang café sa labas para sa isang study.Para na rin siyang date pero magre-review lang kami.Nagpapaturo siya sa Accounting niya.Nahihirapan daw siya.Of course pagkakataon ko na namang makasama siya so kami lang dalawa ang lumabas.

  Abala siya sa pagsusulat matapos ko siyang bigyan ng problem solving kaya medyo naiinis ako sa ginagawa niya.Though mas priority niya ang studies na iyon dahil iyon naman ang sadya namin dito.Kaya naman dahan-dahan akong tumabi sa kanya at inilagay ang kanang braso sa itaas ng sandalan ng inuupuan niya.

  "How was it?"tanong ko dito habang nakatutok sa seryoso nitong mukha.She looks cute.Sarap halikan.

   "Uhm..medyo mahirap. Can I have a break?"tanong nito at tumango ako. Isinandal niya ang likod sa upuan at pumikit.

   Pero hindi ko pa rin tinatanggal ang braso ko sa pagkakapatong doon. Tinitigan ko ang maamo at maganda niyang mukha.Ang sarap niya talagang titigan at halikan.Deym!

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now