P S Y C H O | 7 |

10 3 19
                                    

THIRD PERSON'S POV

Hindi pa rin mawala sa isipan ng buong estudyante ang kanilang nakita kanina, cancelled ang quiz bee na sana'y idadaos kanina ngunit lahat ng tao sa paaralan ay wala sa kanilang mga ulirat kaya minabuti na lamang na pauwiin sila ng maaga upang makapagpahinga. Sa kabilang banda, galit pa rin ang binata sa kan'yang nasaksihan kanina nagka piste-piste na ang buhay ng taong mahal niya dahil sa hayop na Jailo na 'yon.

Habang sinusundan ang dalawang malanding hayop na nabubuhay sa mundo ay hindi niya maiwasang mapamura. Nakita niya kung paano sinampal, nginud-ngod at isinalampak sa faucet si Sandra kanina hindi niya ito magawang lapitan, hanggang sa malayuan lamang talaga ang magagawa niya.

"Babe, paano mo sasabihin kay Krisy? Patuloy na lang ba tayong magtatago?" Mahinahong tanong ni Raymond kay Kendra na siyang nagdala sa pagkalungkot ng dalaga.

"Gustuhin ko mang sabihin sa kanya babe pero ayoko natatakot ako, natatakot ako na baka kamuhian ako ng kaibigan ko" umiiyak na tugon ni Kendra kay Raymond, agad namang niyakap ni Raymond si Kendra sabay hagod nito sa kan'yang likuran, hindi nila alintana na may nagmamasid pala sa kanila na siyang ikinagana ng malikut nitong utak.

"Its okay babe pero hanggang saan ko kakayaning magpanggap? Alam ko naman na nagseselos ka sa tuwing magkalapit kami, kung kaibigan ka niyang talaga ay mauunawaan ka niya" pagbibigay payo ni Raymond sa kanyang kasintahan. Sa kabilang banda naman, nais ng matawa ng binata sa kaniyang mga narinig hindi niya lubos maisip na may gan'tong ugali pala si Raymond ngunit kahit ano pang sweet talks ni Raymond ay hindi nito mapapawalang bisa ang galit ma nararamdaman ng binata.

SOMEONE'S POV

'Your sweet and loving boyfriend wants you to meet you at Saura Motel, be there at exactly 8:00 Pm, a grand surprise is waiting.'

Tapos ko ng ihanda ang aking isang panauhin, ang dalawa na lamang ito ang kulang. Habang nagyayakapan sila ay bigla namang tumunog ang cellphone ni Raymond at parang may binabasa ito, agad naman siyang kumawala sa yakap kay Kendra.

"Babe, nag text sa akin si Krisy" malinaw ko pa ring nririnig ang kanilang usapan, habang tanaw sa malayo ay nakita ko naman ang kalungkutan sa mukha ni Kendra, kawawang dalaga.

"Puntahan mo muna si Krisy babe uuwi na lang muna ako. E text mo na lang ako, ha" matamlay na turan nito sa kanyang kasintahan, agad namang tumango si Raymond at mabilis na nagpaalam.

Agad ko namang sinundan ang paruruonan ni Raymond dahil paniguradong uuwi si Kendra sa bahay niya ay madali ko lamang siyang mahahanap mamaya kaya mas itinuon ko ang aking pansin sa pagsunod kay Raymond.

Pagpasok niya sa Saura Motel ay bumungad kaagad sa kanya ang naka ngiting si Krisy sabay halik nito sa kanyang labi.

"Bakit mo 'ko pinapunta rito baby?" Tanong ni Raymond kay Krisy, natawa naman ang dalaga sa naging tanong nito sa kanya.

"Ikaw talaga baby nag mamaang-maangan ka pa, halika na pasok na tayo sa loob" tuluyan ng pinapasok ni Krisy si Raymond sa isa sa mga silid. Naiwan naman ako rito sa labas kaya naisipan kung maghanap ng paraan upang malaman ko kung ano na ang puwede kung gawing hakbang.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakuha ko na ang susi sa tinutuluyan nilang silid. Magkayap sila habang nakahiga sa kama, magandang palabas ang mangyayari mamaya.

THIRD PERSON'S POV

Lakad-takbo ang ginagawa ng dalaga parang may hinahabol ito o kung ano. Mabilis nitong tinahak ang daan papuntang Saura Motel hindi man lang alintana ang kanyang kasuotan. Pagkabukas niya ng pinto sa isang silid bumungad kaagad sa kanya ang isang babaeng galit na galit, hindi maipinta ang mukha at naluluha itong tumingin sa kan'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Psycho's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon