PROLOGO

9 3 3
                                    


Simula...

         NAGISING ako sa isang lugar na hinde pamilyar sa akin, mukhang ngayon ko lang itong nakita sa sa labing anim na taon ko sa mundo. Napakaganda ang hardin na ito. Madaming bulaklak ang nagkakalat gayon din ang mga paru-paro na lumilipad.

Nagulat ako at napakusot ng aking mata ng may biglang may bahay na lumitaw sa harapan ko. Ang bahay sa kanan ay kulay asul, at sa kanan naman ay kulay pula. Ang tindi ng kulay pula. Ano kaya itong nangyayari sa akin?

Agad akong kinabahan ng sumagi sa isip ko na tulog pala ako at nanaginip, napatingin ako sa dalawang bahay at napaisip na baka dapat kong pumasok sa tamang bahay para magising ako.

          "Hinde ko pa gustong mamatay!" Sigaw ko.

Mas nagulat ako ng biglang may lumitaw sa akin na napakagandang babae, wow. Mukhang nawala ng biglaan ang takot ko ng makita ang kagandahan niya. Hinde ako tomboy o ano pero nakakaakit ang kanyang ganda.

Tumawa ito ng bahagya pati ang tawa niya ang ganda, napakaperpekto dagdagan mo pa ang likuran niya na may maraming bulaklak at mga paru-paro na lumilipat, mas nadagdagan ang kagandahan niya.

Pero, panaginip ba ito?

"Tama nga ang iniisip mo, ija." Napakurap ako ng ilang beses ng marinig ang boses niyang pang matanda.

Mas napakurap-kurap ako ng bigla siyang nagbago ng anyo, at ang pagiging magandang dalagang babae ay nagpalit sa isang matandang babae.

Ano ba ito!? Anong nangyayari sa akin!? Ilang beses kong sinubukas lumayo at tumakbo sa kanya pero nanatili ako sa isang posisyon, bakit hinde pa rin ako nagigising?

"You are dreaming but you can comeback," Tumaas ang balahibo ko dun.

Hm? Tinignan ko siya ng maigi at sinubukan siyang kausapin sa pamamagitan ng aking mga mata at isip.

'Nababasa mo ba ako?'

Tumango ka agad ang matanda. Namangha ako nang una at napapalakpak pa pero nang sumagi na naman sa isipan ko na nanaginip pala ako at dapat ko ng magising ay bigla akong napanicked ulit. Jusko po!

"Hinde ako katulad ng iniisip mo. Hinde kita papatayin o ano ba," Napataas ako ng kilay pati ba naman rito, "Ako ang mala-genie ng panaginip niyo mga swerteng dalaga."

Ibig ba nun sabihin na tutuparin niya lahat ng ihihiling ko? Kung oo, ayos yoooon!

"Alam kong ikaw 'yung tipo na babae na walang oras sa pag-ibig, but I will grant your imagination." Imagination!? Meaning ba nun-- OMGG! "Ang mga crush mo."

"Wala na akong crush." Bigla kong tugon sa kanya.

"Lahat ng mga tao na naging kabaliwan mo ay nasa loob ng mga bahay na ito," Sabi niya sabay turo sa dalawang bahay, "Ang mga kulay rin ng mga bahay ang nagsisimbolo ng kanilang mga kaugalian."

Ewan ko kung ano ba ang dapat maging ang reaksyon ko pero parang gusto kong matawa. Joke ba ito? Agad niya akong sinamaan ng tingin kaya naging seryoso ako ulit.

"Gusto ko na pong magising," Nagsalita na ako bago niya pa ituloy ang sasabihin niya, "Wala po akong ganang maglaro ngayon."

Wala siyang sagot at tanging sama lang ng tingin ang nakuha ko sa kanya.

"Bago ka magsalita sana pinapayagan mo muna ako magpaliwanag, swerte to ija. At sinasayang mo lang ang oras mo," Nag-rolled eyes nalang ako at napatango ng pilit, "Makinig ka sa akin," Utos niya, napatango nalang ako ulit. "Kailangan mong pumili sa isa sa mga ginoo na naririto sa loob ng dalawang bahay."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Dream (On-Going) Where stories live. Discover now