PRESENT TIME
It was already 12:45 in the afternoon when I decided to go back at the C.E.O's office.. Hinawakan kona ang stainless holder ng glass door at nagpakawala muna ng isang malalim na paghinga bago tuluyang binuksan ang pinto.
Nangalingasaw sa pang-amoy ko ang scent na gamit niya, pero nang ilibot ko ang paningin ko ay wala ang taong inaasahan kong nakaupo sa sarili niyang trono't nakangising nakatingin sa'kin.. Tinungo ko ang bawat sulok ng opisina ngunit wala talaga siya.
Pero naaamoy ko ang pabango niya?
Naiwan siguro ang amoy niya dito. Kaya't napagpasiyahan kong umupo at muling inilibot ang paningin sa buong opisina.
Hindi ko talagang maiwasang mamangha sa taglay nitong laki at ganda.. Tatlong magkakaibang kulay ng asul ang pinagdikit-dikit upang lalong magmukhang malinis ang pader. At ang chandelier na nasa ceiling sa mismong tapat ng upuan ng anak ng Chairman ay sisilawin ka sa taglay na ganda... Ramdam kodin ang malakas na aircon sa office na ito kumpara sa ibang opisinang napasukan ko kanina..
Tumingin akong muli sa relo ko at pasado ala-una na, ngunit wala pa siya.. Agad akong tumayo't tinungo ang two-layers bookshelf na balak kong tignan kanina matapos kong iabot sa kanya ang kape niya.. Pinagmasdan ko ang mga title ng mga aklat at puro patungkol lang sa trabaho, PERO nang ibinaba ko ang tingin sa ibabang corner ay ganon nalang ang pamimilog ng mga mata ko matapos makita ang salitang Sex Books sa gilid ng isang aklat..
"Nagbabasa siya ng ganito?!"
Nagtatakha kong dinampot iyon at nang buksan ay bumungad agad sa mga mata ko ang hubad na larawan ng isang babae.. Agad ko iyong nabitawan at naiwang tulala..
Fuck!
Dali-dali ko iyong dinampot muli at ibinalik sa pagkakaayos nito.. Wala sa sarili kong tinungong muli ang upuang nasa harapan ng table niya..
"May sarili kang office, hindi moba napansin?" tinig mula sa likuran ko, nanggaling iyon sa glass door kaya't agad akong tumayo, yumuko sa kanya, at muling nag-angat ng ulo.. "You are the secretary of the top ranking in the executive officers." dagdag pa nito at itinuro ang masikip na hallway patungo sa 'diko napansin kanina.. "Iyon ang opisina mo as my secretary." nakangiti nitong saad at napatingin naman ako ng diretso sa magandang mga mata niya..
"Hindi ko ho napansin." ani ko habang nananatiling nakatunghay sa mga mata niya.
"Paano mong mapapansin, e nakatutok kalang sa'kin.." seryoso nitong tugon kaya't bigla kong nag-iwas ng paningin, at biglang naglakad patungo sa gilid niya.. Pinagmasdan ko iyong maigsing hallway at bumuntong hininga. "Mas pasan-pasan mo yata ang mundo kesa sa'kin." anito na nagpakunot sa noo ko.. "Tignan mona ang opisina mo. At may gagawin akong importanteng bagay.." dagdag niya kaya't bumaling agad ako sa kanya.
"Do you need my help, Sir?"
"No.. Tatawagan nalang kita kapag kailangan ko ng tulong mo.. May meeting ang lahat ng board members together with the executive officers.. At higit na kailangan ako doon." diretso nitong paliwanag, tinungo ang sariling mesa, at inayos ang sariling gamit. "Paki-dala itong mga 'to sa office mo. Paki-aral para sa'kin, at pagbalik ko ay dapat naka-summarize na ang tatlong pages na ito."
"Noted, Sir."
"Good." anito habang nakangiti kaya't nahawa nalang ako sa matamis na bagay na iyon..
Naglakad siya pabalik sa gawi ko at nilampasan ako.
"Ito nga pala ang calling card ko, Sir." suhestiyon ko para matawagan niya'ko kung sakaling kailangan niya ng assistant.
BINABASA MO ANG
Love after Death
RomanceMaaari nga bang magdulot ng panibagong trahedya ang bagay na itinuring nang bilang isang trahedya noon? Love after Death literally means the love of a woman after her death. What will happen if she has been transmigrated into a man's body? Would it...