If your not the one
-----------
Kung pagkakaroon ka ng pagkakataong makasama sya sa cruise saan mo sya dadalahin at anong sasabihin mo?
------------
Wendyl's PoV
Matapos naming umakyat sa stage pinapunta kami sa mga room namin doon sa pinanggalingan ko kanina noong hinikit na lang ako ng biglaan ni Karen. Pinagpalit nya ako ng damit this time masasapok ko talaga ang gaga. Pagsuotin ba naman ako ng miniskirt tapos wala pang cycling shorts sa ibaba. Nakakabwisit pa dahil sa halip na brief ang suot ko ay panty dahil sa pagpapanggap na ito at nakakabobo lang kasi nga konting pagkakamali lang sa galaw ko makikitaan na ako at malalaman nilang lalaki ako. Pero infairness, presko 'tong suotin.
Hindi ko napigilan ang mamula ng husto sa suot ko pero sinikap kong hindi iyon makita ni Karen dahil malalaman nya ang lahat. Buset sarap pumatay konting erection lang malalaman na nila mabuti na lang talaga at magaling ako.
*Whhooossss*
Hanggang sa room humahangin ng malakas???!! YUNG TOTOO!! -_____-
"Ano ba bilisan mo ngang magbihis ang bagal-bagal mo kalalaki mong tao ganyan ka!" napatingin ako kay Karen ng sinabi niya iyon. May bahid ng gulat at takot ang mukha ko pero nakangiti lang sya habang nakapamewang. "Anong tingin mo sa akin bobo? Noong umpisa pa lang alam kong ikaw yan. Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" umiling ako. "Tres." Lalong nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"Ikaw ang isa sa mga guardian ni Tres?" tumawa sya dahil tama ako.
"Hahaha. Makakalimutin ka nga. Huwag kasing puro si Sinko ang isipin mo. Hahaha. Si J-Reigh din ang nagkumpirma sa akin na si Al nga si Sinko at huwag ka kilala ko na rin ngayon si Sais. At tingin ko nakita mo na rin sya." Inisip kong mabuti ang lahat hanggang sa tumama nanaman ako dahil tumawa sya.
"Si Yuki? Imposible! Ang alam ko normal lang sya at gusto nyang maging parte ng pamilya ni Tres dahil sa isang babae!" nagsusuot na ako ng pang itaas ko ng itanong ko iyon.
Ang pinag-uusapan namin ay linya ng mga Mafia boss at isa nga doon si Al na pang lima sa hanay ng Veco at si Yuki na kakilala namin ni Reigh ay pang Anim sa Varua. At kahit ang Tres na kung saan guardian ang rango ni Karen ay isa ring Boss sa pamilya ng Veco.
Masalimuot ang mafiang kinabibilangan namin pero kumpara sa ibang mafia sa buong mundo ang Veco na Branch lamang ng Vonggola ay may tatlong branch na din; ang Vandallas, Varua at Verde.
Gayon pa man, wala pa rin kaming masyadong napapatunayan. Baguhan pa lang kami sa ganitong larangan at sa tingin ko sa kalaunan ay kikilalanin din ang pangalan ni Al bilang pang Limang boss ng Veco.
"Si Hime Alianna Locsin. Ang assasin. Oo nga't gusto nya na doon mapunta pero kilala mo naman si Tandang Tres controlling much kaya ayun kahit si Uno walang nagawa. Ay nga pala, pakisabi na lang kay Al na may meeting ang Veco isang bwan mula ngayon."
"Anak ng Tokwa't baboy na may bangs." Napahilamos ang kamay ko sa aking mukha. Problema na nga dito problema pa sa Great Meetings na yan. Uso pa ba ang buhay?
"Bilisan mo na nga." Saway nya dahil nakatulala lang ako.
"Bakit ba kasi ganito ang pinapasuot mo sa akin Karen?" Kunot-noo kong sinabi.
"Basta mananalo ka dahil may kapangyarihan yang suot mo! At kapag buhatan na ng barbel magpahuli ka para makita mo ang kakayanan nila." Nagbigay sya ng nakakalokong ngiti. Bruha talaga.
"Oo na buset."
---------
Nasa harapan na kami ng field ngayon at as usual nakapanlalaki silang kasuotan samantalang ako may robe pang nalalaman. Kung hindi lang malakas si Karen nabugbug ko na yun. Wala e, si Tres ang boss nya at ibig sabihin lang noon mas marami syang experience kaysa sa amin dahil bago pa lang kami sa ganito.
BINABASA MO ANG
Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)
Подростковая литератураSi Wendyl isang lalaki na gagawing ang lahat makita lang muling tumakbo ang babaeng sobra nyang minamahal. Ika nga mga sinaunang mangingibig. "Gagawin ko ang lahat masunod ka lamang." Kaya naman sumunod nga si Wendyl. Sa pambabae nga lang na Eskwela...