Chapter 29

6.6K 320 64
                                    

Medyo mahaba po ang chapter na ito pero huwag po sana kayong ma-bored at hindi ipagpatuloy ang pagbabasa... baka po kasi malito kayo sa susunod na chapter. That's it and enjoy!

——————————————————

"LANE! WAKE UP!"

Dahil sa tinig na iyon, nagising si Shanelle. Inaantok niyang iminulat ang mga mata at mukha kaagad ni Elvin ang kaniyang nakita dahilan para mapaatras siya.

"B-bakit?" nagtataka niyang tanong dito habang kinukusot ang mga inaantok pang mga mata.

Mahinang tumawa ang binata. "The breakfast is ready. I cooked you a breakfast," nangigiting anito saka dumukwang sa kaniya, hinalikan nito ang noo niya. "I'll leave you, follow me in the kitchen, okay?" dagdag pa nito.

Napatango na lang siya kaya tuluyan nang umalis ang binata sa loob ng kuwarto. Malalim siyang napabuntong-hininga dahil doon. Nangingiti na lang niyang inalis ang kumot na nakataklob sa kaniya para makapunta na sa banyo pero ganoon na lang ang gulat niya sa kaniyang nakita. Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata na ni isa'y wala siyang suot.

Naguguluhan siya. Bakit siya nakahubad? Hanggang sa rumihistro ang mga nangyari kagabi sa utak niya. Ang malalim nilang paghahalikan ay nauwi sa mainit na pagtatalik. Napag-alaman din niya na nagpapanggap lang na lasing ang hinayupak. At nang dahil doon, hiyang-hiya siya at hindi niya alam kung may mukha siyang ihaharap dito. Nasabi na niyang mahal niya ito at totoo iyon. Nakaramdam na siya ng pagmamahal mula sa binata dahil nandiyan ito kapag nangangailangan siya.

Sunod-sunod na lamang siyang huminga saka nagpatiuna na patungo sa banyo. Hubo't hubad siyang naglakad papasok at nang makarating, kaagad siyang pumailalim sa shower at pinihit niya iyon sa malamig. Init na init siya kaya gusto niyang maligo ng malamig na malamig. Nang matapos maglinis ng sarili, nakatapis lang siya ng tuwalya na lumabas ng banyo para magbihis na.

Hindi niya alam ang susuutin niya dahil halos mga pang-alis na ang lahat ng nasa kabinet. Nagkalkal pa siya hanggang sa may nakita siyang isang puting t-shirt. Panglalaki iyon pero hindi na alintana sa kaniya dahil dito lang naman siya mananatili ng araw na iyon. Nang maisuot, halos hanggang tuhod niya ang haba ng t-shirt, marahil ay kay Elvin ito.

Nang makuntento na, tahimik siyang lumabas ng kaniyang kuwarto at nagtungo sa kusina. Nakaramdam na kasi siya ng gutom dahil hindi siya nagtanghalian at naggabihan kaya nang maamoy niya ang kakaibang aroma sa kusina, halos tinakbo na niya ang daan patungo sa kusina.

"Ang bango," halos maglaway niyang sabi.

Pumasok na siya sa kusina at mula roon, tahimik si Elvin na naghahain. Kahit na nahihiya, lumapit pa rin siya patungo rito. Kaagad nitong naramdaman ang presensya niya kaya umikot ito saka pinaghila siya ng upuan. Napaka-gentleman naman pala ng hinayupak.

"Sit, Lane," nakangiting ani Elvin habang nakatingin sa kaniya.

Pabalik siyang ngumiti rito saka umupo sa upuang hinila nito. Kaagad na nangunot ang noo niya dahil halos mapuno ng pagkain ang lamesa. Ang daming iba't-ibang putaheng ulam ang nasa harapan niya. May anuhan ba? May okasyon niya. Dahil sa kuryosidad, hindi niya mapigilang ibuka ang bibig para magtanong dito.

"Bakit naman parang ang dami ng pagkain? May okasyon ba? Birthday mo ba?" naguguluhan at nagtataka niyang tanong dito.

Ngumisi si Elvin saka umupo sa harap niya. "Walang okasyon ngayon. Marami lang pagkain dahil may bisitang darating," anito saka sinundan ng ngiti. "You can eat, Lane," dagdag pa nito.

Sino kayang bisita ang tinutukoy nito? Gusto niya pang magtanong dahil sa kuryosidad sa utak niya. Pero kumalam na ang tiyan niya kaya nagsimula na siyang kumain. Kain lang siya nang kain. Sarap na sarap siya dahil isa sa mga putaheng nandoon ay paborito niya... ang chicken curry na matagal na rin niyang hindi natitikman. Ang huli niya yatang kain noon ay iyong nasa isla siya ni Elvin.

Sold Her Virginity (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon