Habang Buhay sa Ilang Minuto

14 0 0
                                    

Mabilis na tinahak ni Catalina ang daan papunta sa lupain ng mga rosas. Magtatakip-silim na at kailangan na nilang magkita ni Milandro. Mabilis siyang umiwas sa mga guardia civil na rumuronda.

Nang makarating siya sa kaniyang destinasyon, agad niyang nakita si Milandro na hindi na rin mapakali sa pangambang mahuli ng mga guardia civil. Nagtama ang kanilang mga mata at agad silang tumakbo papunta sa isa't isa. Nagyakapan sila na isang napaka-laking kapangahasan ngunit wala na silang pakialam.

"Paano ka nakatakas mula sa puder ng iyong ama?" Senyas ni Milandro sa babaeng pipe kaniyang sinisinta.

"Tinulungan ako ng aming taga-pagsilbi na si Mariana upang makatakas" senyas naman pabalik ni Catalina sa ginoong dapat niyang pakakasalan. Kung hindi lamang naghirap ang pamilya ni Milandro, payapa na sana silang naghahanda sa napagkasunduang kasal ng kanilang mga magulang.

"Kailangan na natin humayo, sinta. Sumama ka na sa akin at tayo'y magtanan na. Iaalis kita sa magulong buhay ng lalawigang ito at tayo'y mamumuhay ng payapa" senyas ni Milandro.

Tumango si Catalina bilang tugon at tiningnan nila ang mata ng isa't isa bago tuluyang tumakbo papalayo, magkahawak kamay.

Dinala muna ni Milandro si Catalina sa kanilang mumunting dampa kung saan naninirahan ang pamilya niya. Nalungkot si Catalina nang makita ang naging tirahan ng pamilya ng kaniyang irog. Ang dating pinaka-makapangyarihan, mayaman, at kagalang-galang na pamilya Buenaventura ay ngayo'y pinagmamalupitan at pinahihirapan na. Magmula noong nahatulan ng kamatayan si Don Chavez dahil nasangkot siya sa rebelde, naghirap na ang pamilya nila Milandro. Handang talikuran ni Catalina ang marangya niyang buhay para kay Milandro ngunit hindi mawala sa kaniyang isip ang kanila sanang magiging buhay kung hindi lamang natalo sa kaso ang pamilya Buenaventura.

"Paumanhin sapagkat ito lang ang aking maipagkakaloob sa iyong pagtutuluyan ngayong gabi, ngunit wag ka mag-alala at bukas na bukas bago magbukang-liwayway ay aalis na rin tayo rito" senyas ni Milandro

Nabalik sa realidad ang isip ni Catalina at nginitian nalang si Milandro bilang tugon.

"Mabuti nalang ay nagawa ko pang makapag-aral ng pagsenyas bago mawala ang mga pribilehiyo ko" saad ni Milandro, sabay ngiti kay Catalina na tinugunan niya rin ng ngiti. Nakakarinig naman si Catalina, ngunit hindi siya nakakapag-salita. Sa pagkaka-alam niya ay simula pagkabata, hindi na siya nakakapag-salita. Dahil dito, mas pinipili pa rin ni Milandro na kausapin siya gamit ang pagsenyas.

Hindi pa tumitilaok ang mga manok ay gising na ang mga natitirang miyembro ng pamilya Buenaventura. Bukod sa kanilang haligi ng tahanan ay kinuhaan na rin ng buhay ang pinaka-matanda nilang kapatid na si Kuya Agustin kasabay ng kanilang ama. Makalipas naman ang ilang linggo ay binawian na rin ng buhay ang ina ni Milandro dahil sa matinding pagkalumbay. Tanging si Milandro at ang mga kapatid niya na si Natalia at Giancarlos na lamang ang natitira sa kanilang angkan. Nariyan din ang asawa ni Natalia na si Fidelio.

Nang makarating sila sa daungan ng barko ay biglang nakaramdam ng pananakit sa ulo si Milandro kung kaya't bigla siyang nahimatay. Nagulat ang lahat ng tao na nasa daungan. Humingi ng tulong sila Catalina, Fidelio, Natalia at Giancarlos, ngunit dahil hindi nga nakakapag-salita, iniwasan lang at itinaboy ng mga tao si Catalina. Nanggaling man sa sikat, mayaman, at makapangyarihan na pamilya, hindi lubos na kilala ng taong-bayan si Catalina sapagkat itinago ng pamilya Montego ang pagkatao ni Catalina.

Mabuti nalang at may naka-usap na ginoo si Giancarlos na nagmabuting loob at ipinasakay si Milandro sa kalabaw na nagdala sa kaniya sa ospital.

Nang makarating sa ospital ay agad na tiningnan ng mga doktor kung ano ang nangyari kay Milandro. Gulong gulo si Catalina sa mga nangyayari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now