CHAPTER 26

9 3 0
                                    

I went home after that. I feel so tired and exhausted. Parang naubos yung enerhiya ko sa nangyari kanina, dumiretso ako sa kusina para kumuha ng baso ng tubig. Alam kong nasaktan si Jameson sa mga sinabi ko kanina, nanghingi nalang ako basta ng 'space' pero pinaliwanag ko naman ng malinaw yung dahilan ko kung bakit.

Sobrang puno yung utak ko kakaisip sa kung anu-anong bagay, natatakot ako na baka wala na akong balikan kay Jameson, pero sana naman maintindihan niya na ito muna ang kailangan ko sa ngayon. Alam kong nag-effort siya ng sobra kanina para sa 23rd monthsary namin na nawala na din sa isip ko, tapos gano'n lang yung napala niya sa'kin. Aabot pa kaya kami ng 2nd anniversary ?

Ipinagpatuloy ko ang mga ginagawa ko kinabukasan, para reviews nalang ang gagawin ko para bukas, after school. Kahit sobrang dami na ng iniisip ko, pinilit ko paring gawin yung computations na kailangan ko nang ipasa bukas. Malapit na akong matapos, buti talaga binigyan pa nila ako ng pagkakataon para mabawi yung mga bagsak ko.

Lunes ngayon, walang Jameson na sumundo o sumalubong sa'kin, hindi gan'to yung inexpect ko na mangyayari, akala ko mangungulit parin siya na magkaayos kami, pero wala. Hindi ako naiinis sakan'ya, okay ? Tama nga yung gan'to eh, ito yung gusto ko diba ? Space. Ito na yun, binigay niya na sa'kin yung gusto ko, yung kailangan namin.

Dumiretso ako ng locker room para kuhanin yung mga libro na hindi ko nauwi nung friday na kakailanganin namin ngayon. Ipinatong ko muna sa taas ng mga locker yung posters at slogans ko na nasa illustration board. "may away kayo ni Jameson ?" biglang sumulpot si Szen sa tabi ko. "I asked for space." I answered shortly. "bakit ?" tanong niyang muli.

Kinuha ko yung libro ko saka ko yun nilagay sa bag ko. Nilock ko muna yung locker bago ko sinabayan si Szen sa paglalakad. "nahuli ko sila Jameson." "sinong sila ?" "Xyra. Pumunta ako ng canteen no'n, then nakita ko kung paano hinalikan ni Xyra si Jameson," "oh ? Si Xyra naman pala yung humalik e, bakit ka galit kay Jameson ? Ano bang ginawa ?" tiningnan ko siya saglit bago ako sumagot.

"wala siyang ginawa." I answered, then I sighed heavily, "wala naman palang gin-" "literal na walang ginawa, hindi manlang siya kumibo nung hinalikan siya ni Xyra" I shrugged. "ano naman ?" napahinto ako sa paglalakad, saka ko siya hinarap.

"ako yung girlfriend niya, hindi sapilitan yung halik na 'yon, sana manlang umiwas siya diba ?" "that was just a kiss." "eh kung halikan ko si Brace ?" pambabara ko sakan'ya.

"at bakit mo naman ako hahalikan ? Kadiri ka naman" -Brace, "pa'no ka nakasulpot dito ?" "naglakad" simpleng sagot niya, inakbayan niya si Szen saka sila naunang pumasok sa classroom.

Habang wala pa yung next subject teacher namin, pumasok yung teacher namin na isa din sa mga nagbigay ng special project sa'kin. She smiled at me, ngayon yung ipinangako kong araw na ipapasa ko yung project na 'yon, kasabay na yung iba pang poster na ginawa ko. Wala sa ilalim ng upuan ko yung mga illustration board ko.

Nagpaalam ako saglit na pupunta muna ng locker, at doon ko naalala na iniwan ko yun sa taas ng mga lockers, kinapa-kapa ko yun sa taas pero wala, sinilip ko din yung ila-ilalim ng mga locker, nagba-baka sakaling nahulog lang 'yon, pero wala talaga !!!

"dalian n'yo baka may makakita sa'tin dito" dinig kong bulong ng isang pamilyar na boses, tila ba may ibang kinakausap. Dumiretso ako ng lakad sa hall way, saka ako lumiko sa kanan ko, doon ko nakita sina Xyra na hawak yung posters ko na sira-sira na.

Napatitig nalang ako sa pinaghirapan at pinagpuyatan kong project na walang-awang sinabutahe lang ng iba. "oh... Hi !" Xyra walked towards me, damang-dama niya pa na sobrang makapangyarihan niya sa ginagawa niya yan. Unti-unti kong inilipat sakan'ya ang tingin ko. "did you like it ?" pinangkunutan ko siya ng noo. "mukha bang magugustuhan ko 'yan ? Ano bang atraso ko sa'yo at bakit ako nalang lagi ang pinagkakaisahan ninyo ?" kalmado kong tanong.

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon