NATAPOS nila ang research na tulong sila sa paggawa.. Tuwing hapon ay nasa bahay nila ito at nakasanayan na niya ang presence ito..
Nakapagpasa sila at nag defense pa..
Lumipas ang mga araw na balik na uli sila sa dati.. Namimiss niya ito kahit araw-araw naman niyang nakikita.. Hindi na uli siya nito nilalapitan at kinakausap.. Hanggang tingin nalang uli siya dito..
"Bes, sabi ni sir Balbastro exempted daw kayo ni Cedric sa Final Exam.. Highest kayo sa research at ang galing niyo sa defense.." tuwang tuwang sabi ni Marianne sa kanya habang naglalakad lakad sila sa Village ng mga ito..
Pero hindi niya magawang magsaya..
"Bes,.. ok ka lang..?" Untag nito sa kanya at napahinto din sa paglalakad ng huminto siya..
Tiningnan nito ang tinitingnan niya..
"Oh..!" Sambit nito..
Si Cedric kasama ang 3rd year highschool na si Cooleen.. Naghaharutan ang mga ito sa labas ng bahay ng babae.. Hinalikan pa nito ito at inalalayang sumakay ng motor..
Napatingin ito sa gawi nila at walang expression ang mukha na pinaandar nito ang motor at pinatakbo..
Tila siya maiiyak sa sakit..
"Yaan mo na siya bes.. hindi siya bagay sayo.. hindi yun marunong makontente sa isang babae.." pang aalo nito sakanya..
"Ewan ko ba.. siya kasi ang gusto nito.." tinuro pa niya ang puso niya at inaya na itong maglakad..
"BES, SAMA ka samin.." sabay piring nito sa mata niya at inakay siya..
" Nako Lexie.. wag niyo na ako isali sa ganito.." pero nagpapatianod nalang na nasabi niya..
"Saglit lang ito..Mag enjoy ka nalang.." sabi pa nito habang inaalalayan siya..
FOUNDATION Day ng school nila at may mga palaro..
Pagdating sa marriage booth, inalis nito ang piring niya. Nasa tabi niya si Blake na ngingiti ngiti.. Natawa siya..
"Ok.." nasabi nalang niya habang tumatawa..
Inabot nito sakanya ang flowers at nilagyan din siya ng belo ni Chloe at Iveanne.. Bumungisngis pa ang mga ito sa kalokohan..
Nagpatianod nalang siya..Nahagip ng tingin niya si Cedric sa may bench nakaharap sa likod ng marriage booth.. Nakatingin sa kanya at hindi maipinta ang mukha...
Maya-maya ay padaskol itong tumayo at sinipa pa ang damo na nadaanan nito..
'problema nun..?' kunot noo niyang sabi sa sarili..
"By the power vested in me, I now pronounce you man and wife...you may now kiss the bride.." ngingiti ngiting sabi ni Emman na siyang kunwaring pari sa marriage booth..
Pinaharap siya ni Blake at itinaas ang belo niya.. akmang hahalikan siya nito ng inginudngod niya sa nguso nito ang hawak niyang bulaklak..
Nagtawanan ang mga kaibigan nila at nagkantyawan..
Ngingiti ngiti naman si Blake at kakamot kamot sa ulo..
"Akala ko totoo na..." Biro pa nito..
Inirapan niya lng ito..
Natapos na ang kunwaring ceremony nila..
Marami na din ang pumalit..
Nakita niya si Cedric na matamang nakatingin sa kanya.. Nasa tapat na ito ng building ng room nila habang nakapamulsa..
BINABASA MO ANG
Longing for your Love (Completed)
RomanceAlyssa Cabrera, a smart and beautiful young girl who just fell in love.. to Cedric Castillo who happens to be the campus heartrob.. playboy, naughty at kung magpalit ng girlfriend ay parang nagpapalit lang ng damit.. Cedric, her first love.. who sh...