KABANATA 5

96 18 31
                                    

Poster

"Hoy! Ano ayos ka lang ba?" Pangangamusta ni Charles.

Tumingin ako sa kanya at pinilit na ngumiti.

"Hmm. Ayos lang medyo may problema lang."

San ako hahanap ng pera naide-deposit sa account ni Mama? Hindi sapat ang kinikita ko rito sa shop. Kailangan kong makahanap ng ibang mapagkakakitaan bukod dito.

"Bakit sino ba ‘yong tumawag?"

Sasabihin ko ba sa kanya? He'll know how fucked up my life is then. Besides Charles is the only one who I can say na mapagkakatiwalaan ko dito sa lugar na ‘to. Maybe it won't hurt if I ask for some help right? But I don't really want to be a burden to anyone. And kaya ko pa naman so nevermind.

Bumuntong hininga ako.

"Yung Mama ko nasa Masbate and... She's having her medication there." Nahihiya kong paliwanag dito.

"Oh? I’m sorry. Kailangan mo ng pera?" Tanong nito.

"No. Hindi naman sa gano’n." Anong hindi sa gano’n Moone?! Tsk tsk.

“Ano bang sakit n’ya?”

Tumikhim ako. “Well, she’s not in herself. S-She’s m-mentally c-challenge right n-now.” Hirap na paliwanag ko rito.

Hindi nakapagsalita si Charles mukhang hindi ata inaasahan ang narinig.

"And tumawag ‘yong taga Hospital. They're asking for another deposit para sa gamot n’ya. And mahal ‘yon. Ngayon kailangan kong kumita ng doble. Sa loob ng isang linggo dapat maihulog ko na ‘yon kung hindi baka ihinto ‘yong medication n’ya."

"I-I'm sorry Moone. Sige pwede naman kitang pautangin para d’yan ‘no." Pang-aalok nito.

That's sounds so tempting but no. Siguro mag aadvance na lang ako? Oo ‘yon na lang pero kulang pa rin.

"N-No. Ano ka ba Charles, mag-aadvance na lang siguro ako. Hindi ako mangungutang no. I have enough debt at ayoko nang dagdagan pa. Maghahanap na lang ako ng pwedeng trabaho sa gabi? May alam ka ba?"

"Pwede naman kasi kitang pautangin ba’t ba pahihirapan mo pa ang sarili mo? Babayaran mo rin naman ‘yon, hindi ko naman ‘yon ibibigay ng libre Moone." Medyo naiiritang ani nito.

Ayoko talagang tanggapin ang alok n’yang ‘yon. And this is not pride. Ang dami n’ya nang naitulong sa akin at hindi ko na kayang masikmura ang isa pang tulong galing sa kanya. I feel like sobra na. Besides kaya ko pa namang pagtrabahuan ‘to. Kaya maghihirap ako para rito.

"No Charles baka mabaon na ako sa utang wala ng matira para sa ‘kin dito? Hindi naman pwedeng puro na lang---"

Embracing Flaws (On-Going)Where stories live. Discover now