"Ayesha,tignan mo yun oh"napatingin ako sa tinuturo ni Jeric,nakita ko kaaga sila Sean kasama ang teamate nyang naglalakad papuntang canteen.
Maaga kaming nagising kaninang magkakapatid dahil wala naman si Mama para lutuan kami ng umagahan kaya si Kuya Narcus ang nagluto.May practice sila ng basketball ngayon kaya maaga kaming nagising.Hindi ko parin makakalimutan ang pinag-uspan namin kagabi.
"Ayesha,tutulo na laway mo"natatawang sabi ni Jeric sakin.Hinampas ko kaagad sya ng libro ng hawak ko.
"Ayieeee,Ayesha!nakita monanaman si Sean"kantyaw ni Jeric habang pinaghahampas ko sya ng libro.Wala si Kenneth dahil pumunta sya sa canteen samantalang kami andito sa GYM dahil manonood kami ng practice nila mamaya.
"Shhhh.Huwag ka ngang maingay dyan,baka may makarinig sayo"bulong na sabi ko kay Jeric.Tumawa lang ito at umiling iling,Grr.Sarap talang ilublub sa kanal tong taong ito.
Si Sean Manalo,sya ang matagal ko ng gusto/crush.Since Grade 10 may gusto na ako sakanya,isa din syang heartrob dito sa school namin, basketball player din sya kagaya nila kuya pero magkalaban sila.Kung sinong mananalo sakanila sya ang ilalaban sa ibang school.
Si Jeric lang ang nakaka alam na may gusto ako kay Sean.Maski mga kapatid ko hindi nila alam,hindi sa ayaw nilang may magustuhan ako,kaso sa kalaban pa nila.Kaya naman nalaman ni Jeric,dahil nakita nya sa likod ng notebook ko.Mahilig kasi akong magsulat ng mga pangalan ng mga crush ko sa likod ng notebook 'dati'.
"Kailan kaba aamin na may crush ka sakanya, malay mo ma-crushback ka nyan!"natatawang sabi sakin ni Jeric.Iniripan ko lang sya at umupo sa tabi ng bag ko.
"Alam mo Jeric, manahimik ka nga!baka may makarinig sayo"gigil na sabi ko rito.Sigurado akong may makakarinig samin dahil sa dami ng taong dumadaan.
Si Sean at Katelyn ay magpinsan sila.Hindi alam ni Katelyn na may gusto ako kay Sean, siguradong sasabihin nya kay Sean agad.Ayaw kong mapahiya,tapos baka malaman pa ng mga kapatid ko.
"Okay HAHAHA,pero bakit ayaw mong umamin?Tsaka bakit ako lang ang nakaka alam na may gusto ka sakanya? Sabihin mo kaya sa mga kapatid mo Ayesha!"sabi nito sakin.Sana pala ang kinuha ni Jeric na kurso ay reporter,ang galing mag interview!
"Alam mo,napaka daldal mo!Tsaka ikaw lang ang nakaka alam dahil pinaki eleman mo ang notebook ko noon!"inis na sabi ko dito.
"Kahit na Ayesha,hindi naman masamang umamin diba!"nakataas kilay nitong tanong.3 years ko na syang gusto,pero kahit isang lapit ko pa sakanya hindi ko pa nagawa kahit umamin hindi ko nga kaya.Imagine parang ako yung lalaki,tapos sya yung babae.
"Ang dami mong alam Jeric,sasabihin ko sakanila sa 18th birthday ko,Okay!huwag kang magmadali,dahil hindi naman ikaw yung magsasabi"mataray na sabi ko sakanya.
"Ano palang ngayon Ayesha, September paalang ngayon,sa October ka aamin?"minsan talaga iisipin kong babae si Jeric,mas madaldal pa sya sa babae.
"Malamang Jeric,October 5 ang birthday ko"sabi ko sabay irap dito.Ang gulo talagang kausap to.
"What's up!"napabaling ang tingin namin ni Jeric ng may magsalita sa gilid namin.Nakita kaagad namin ang tatlo kong kuya kasama si Kenneth,akala ko ba pumunta sa canteen to?
"Seryoso ata ng pinag-uusapan nyo?"natatawang tanong ni Kuya Allen.Si Kuya Allen lang ang nagagawang tumawa kahit seryoso na ang usapan.
"HAHAHA,hindi seryoso ang pinag-uusapan namin,hindi din importante!kasi—"tinakpan ko kaaagad ang bunganga ni Jeric dahil baka madula nanaman tong lalaking to,naku!naku!naku!
"Tsk.Pinag-uusapan lang namin kung paano nya liligawan si Mara"nanlaki ang mata ni Jeric dahil sa sinabi ko,maski ang mga kapatid ko except kay Kuya Marcus.
"A-ako?liligawan si Mara?Yuck!Ayesha umayos ka nga!"sabi nito sakin sabay hampas ng balikat ko.Aray ah!masakit!
"Umamin kana kasi Jeric,nahihiya kapa eh!"nilakihan ko ang mata ko habang nakatingin sakanya.
"Baka ikaw ang may dapat ami—ah oo liligawan ko sya"nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nya.
"Ang choosy mo,kay Mara din naman pala ang bagsak mo"tumatawag sabi ni Kenneth.
"Ikaw nga kay Ashley parin ang bagsak mo!"natatawang sumbat naman ni Jeric.Napatigil sa pagtawa si Kenneth at inirapan nalang si Jeric.
"We will start after 2 minutes!"sigaw ng coach nila.
Umalis ma silang lima at pumunta sa coach nila.Dumadami narin ang mga taong nanonood dito,dumating narin ang team nila Sean.Hindi ko alam kung sinong i chi-cheer ko sakanila.Pwede naman sigurong dalawa diba?
Napatingin naman ako kay Sean at saktong nakatingin ito sakin—wait sakin ba talaga? Napatingin ako sa likod ko pero wala namang naka upo!Ay weee,sakin talaga?
Yumuko nalang ako dahil pakiramdam ko sobrang pula ng ng pisngi ko dahil sa kilig ba o hiya.Argh.Napataas nalang ang ulo ko ng may makita akong dalawang pares ng sapatos sa harap ko.
"You need to cheer me,Baby"
(Please Vote guys! thanks for reading)