23: D-1

4 0 0
                                    


A Race To Your Heart | Phoenix University #2

****

"Are you with me?" tanong ni Elena kay Raegan at hindi malaman ni Raegan kung ano ang dapat niyang isagot sa sopistikadang babae na kausap niya.

"Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko." ani Raegan at agad na umiling si Elena.

"Nano's motto is to be the best. You should not stay in what you can, it should be what's the best in you." paalala ni Elena.

Sumunod agad si Addison nang maglakad palabas sa opisina si Elena kasama si Raegan. Sumakay sila sa elevator at bumabasa 18th floor kung saan dito bumaba kanina si Jackson.

Tiningnan ni Raegan ang isang information board bago pumasok sa mismong pinto ng 18th floor at may nakalagay dito na pangalan ng department.

Couture Department

Recording Studio A

Recording Studio B

Trainee Room 1801

Trainee Room 1802

Trainee Room 1803

Rookie Room A

Rookie Room B

"I will show you your training room together with other trainees. Don't worry Raegan, hindi lang ikaw ang inaasahan ko na maging artista ko in the future." ani Elena.

Sumunod si Raegan kay Elena at Addison na naglalakad. Tumigil ang dalawa sa isang pulang pinto. Pinagbuksan ni Addison ng pinto si Elena at si Raegan kaya't napatigil naman sa kaniya-kaniyang ginagawa ang mga taong nasa loob ng training room.

Natigilan si Wendy at si Jilliane nang makita nila si Raegan na kasama ni Elena. Napailing si Raegan sabay ngiti sa dalawa kaya't niyakap siya ng mga kaibigan sabay gulo sa buhok nito.

"Finally! Nagkita din tayo dito!" nakangiting sabi ni Wendy at kahit na nagtataka si Raegan ay ngumiti siya sa kaibigan.

Wala siyang ideya na trainee pala ng Nano Entertainment ang mga kaibigan niya. Kaya nakakagulat para sa kaniya na makita ang mga ito ng personal sa loob ng Nano.

"Good morning." panimulang bati ni Elena at agad naman na bumati ang iba pang trainee na nasa loob ng silid.

Naupo silang lahat sa sahig samantalang si Elena ay nanatiling nakatayo sa unahan habang nakahawak ang kanang kamay niya sa beywang at may hawak na tubig sa kaliwang kamay. Pinagmasdan nito ang mahigit 15 trainee na nasa loob. Ang iba ay malapit na mag-debut, ang iba naman ay kakasimula pa lamang, at ang natitira ay nasa kalagitnaan palang ng tatlong taon.

"I want you to meet Raegan Miranda, she will be joining you starting today." anunsyo ni Elena at agad naman na tumayo si Raegan at naglakad papalapit kay Elena.

Itinaas ni Raegan ang kamay niya na hanggang balikat at saka ngumiti. "Hello, ako po si Raegan bago akong trainee ng Nano." aniya.

"Welcome to Nano, Raegan!" masiglang bati ng mga trainee.

"Raegan will skip her training for today, there are other things I should settle with her first. Enjoy practicing!" paalam ni Elena at mabilis na lumabas ng training room.

Winagayway ni Raegan ang kamay niya bago siya lumabas ng training room dahil maiiwanan siya nina Elena na mabilis naglalakad. Alam niya na mayroon pa siyang pupuntahan kaya kailangan niya sumunod kina Elena na nago-orient sa kaniya ng mabilis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon