Chapter Two

15 1 0
                                    

Gusto niyo bang malaman ano'ng nangyari kagabi? Wag na, makinig na lang tayo kay Sir Chua! Wag kayong mag-alala, may nai-pass naman akong assignment. Slow man ako sa Math, matiyaga naman po! Pero, hindi talaga ako makapag-focus ngayon. Lalo na't nasa board si Airen ngayon, nagsosolve ng problem. Hindi ko mapigilang hindi maalala yung kagabi. Wala naman nangyari eh. Hinatid niya lang yung libro tapos umalis na. Nothing important. Walang significant event. Pero...

*Flashback*

+63917*******

Lim? Papunta na ako sa inyo.

Hindi pwede. It's already 9:34 pm. Not safe para lumabas pa siya. At mas lalong not safe para lumabas ako! Lagot ako kay Papa. Lock na yung mga pinto ng bahay pati yung gate. Pag binuksan ko, siguradong maririnig nina Papa, pati ang tunog ng kahit anong sasakyan sa labas ng bahay. Hindi pwede. Pero, wala akong load pang-reply. Airen, wag ka nang tumuloy please. Paano naman yung assignment ko? Aaaah!!! Kainis. Bakit ko pa kasi sinabit yung bag ko dun, sana binitbit ko na lang din. Hello?? Siya kaya nag-offer isabit yun dun! Tsk. Tiningnan ko ulit yung oras. 9:37 pm.  Tiningnan ko ulit yung nauna niyang text, 7:34 pa pala yun. Bakit ngayon lang siya pupunta? Aba, demanding pa ako. San ba yun nakatira? Kailangan di siya sa tapat ng bahay tumigil. Lalabas ako.

Pagbaba ko, nakita ko si Papa sa sala nakaharap sa laptop niya. Bad timing.

"Gising ka pa." ewan ko kung tanong ba yun o ano. Pero, mas lalo akong kinabahan, baka anytime may humintong motor sa labas.

"Ah.. iinom lang po. Iinom ng tubig, nauuhaw po kasi ako." binagalan ko ang bawat galaw ko.

"Sige, i-off mo na lang yung ilaw dyan pagkatapos mo."

"Opo." dahan-dahan lang ako uminom ng tubig habang tinitingnan si Papa.

Haaay! Salamat, umakyat na si Papa at pumasok na sa kwarto nila. Buti wala pa si Airen! 9:42 na. Naghintay muna ako ng 3 minutes. Lumapit ako sa front door at dahan-dahang binuksan ito. Paglabas ko, kinabahan ako. First time kong gawin to. Sinara ko yung pinto. Lumabas ako ng gate, doble pa ang kaba na naramdaman ko. Shems! Naiwan ko yung cellphone ko, baka may text si Airen. Mahirap nang pumasok ulit noh tapos lalabas na naman. Pinagtatampal ko yung noo ko sa sobrang inis.

"Uggh! Kaninis talaga." pabulong kong sabi.

"Pst."

Natigilan ako.

"Pst!"

Shet. Ano to? May manyak ba dito sa labas? Dahan dahan akong tumingin sa paligid, wala namang tao. Nakapantulog lang pa talaga ako. Baka siraulo to. Di ako makapagsalita sa sobrang takot. Takot kay Papa at takot sa masasamang tao.

"Pst!" Shet. Ano ba yan! Wala namang tao eh. Baka multo?

"Audrey." Napasinghap ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Iba talaga pag siya yung nagsabi nito. Alam kong siya yon. Pero... baka maligno to na nagpapanggap? Bakit kasi di ko siya makita? Tsaka walang motor! Hah, hindi si Airen to. Kala niya maiisahan niya ako!

"Ms. Audrey Lim!"

Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Sir?!" si Sir Chua lang ang tumatawag sakin ng Ms. Audrey Lim sa ganyang tono, yung parang military. Anong ginagawa ni Sir dito?

"Hahahahaha!!!" nakita ko ang anino ng isang lalaki sa may poste sa tapat ng bahay namin. Unti-unti siyang nagpakita.

"Airen?!" Eh, loko pala to. Pinag-tripan pa ako.

"Hanep, Lim! Hahahah! Grabe yung itsura mo!" sabi niya habang palapit sa akin. Hindi ako tumawa, dahil hindi ako natuwa sa ginawa niya.

"Pwede wag kang maingay?" seryoso kong sabi, baka kasi marinig kami ni Papa.

I Almost Had YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon