TIME is one of the most precious things that we couldn't afford to take it for granted. Bakit? Kase hindi natin kayang patigilin o pabilisin ang oras. UNLESS makahiram ka nang time machine ni Doraemon AND as if he really does exist. Hindi rin natin ito kayang i prolong at lalong lalo nang hindi natin kayang ibalik ang oras. Sabi rin nila, we don't really know the true value of the people in our lives unless they're gone. Sabi ko naman, we always know their worth. Hindi lang natin alam na darating ang oras na mawawala sila. Pero bakit nga ba?
Kung ako ang tatanungin mo, ang sagot ko ay: Wala akong alam at wala rin akong pakialam! Duh. Anong malay ko sa mga bagay na yan? Love? Hindi ko trip yang mga ganyan! Sa mga kaibigan ko palang, para ko na rin naranasan kung ano ang nararanasan nang mga taong nagmamahal. Magmamahal tapos bukas masasaktan, iiyak, and worst magpapakamatay. Bakit kaya may mga taong ganyan? Nakakamatay ba kapag walang lovelife? Hay nako, kaya sabi ko..
Mas mabuti nang ako lang mag isa. Wala pa akong iisiping iba.
Ako nalang mag isa. Di ko pa mararanasan ang masaktan.
Kaya ko namang mabuhay nang ako lang. Masaya naman ako, napapasaya ko naman ang sarili ko.
At yan ang akala ko..
