Loko pa more

8 1 0
                                    

"O my God! If boredom could kill, I am probably dead by now." Sabi ko at humilata sa sofa.

Dalawang oras na akong walang ginagawa rito. And I'm so fucking bored. Shit!

Ako lang ang naiwan mag isa rito sa bahay dahil quarantine at hindi pwede lumabas ang may edad 20 pababa.

Si papa nasa trabaho pati si kuya, si mama naman namalengke.

While me? Ito at mamamatay na dahil sa boredom.

Ipinikit ko ang mata ko at nag isip ng gagawin.

Napamulat naman ako agad ng tumunog ang CP ko na nakapatong sa center table.

Excited ko itong tiningnan nagbabakasakali na si Jaden ang nag text.

Kaibigan/Crush ko si Jaden kaya may number siya sa'kin pero hindi niya alam na crush ko siya.

Mabilis akong nag pipindot at binuksan ang message, naka ngiti pa ako na labas lahat ng ngipin at gilagid. Hehe

Biglang naman akong nanlumo ng mabasa ang text.

From:****

Ayesha Dy your friend posted an update..... Blah blah

Wala na, morgue na talaga patutunguhan ko. Huhu

Tumunog uli ang CP ko this time si mama ang tumatawag.

Napangisi ako ng may maisip na kalokohan.

Sinagot ko ang tawag at biglang umiyak na walang luha. Haha

"Uwaahh, mama tulong ang bahay nasusunog. Hindi po ako makalabas huhuhu."

Hindi ko siya narinig na sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagdadrama.

"Mama! please help me. Kung may mangyari mang masama sa'kin, pake sabi kay Papa at kuya na mahal ko sila."

Hindi pa rin siya sumasagot. Nagkukumahog na siguro 'yon pauwi. Haha, my Bad. Nakahiga lang ako sa sofa at nagpipigil ng tawa. Haha

"Mama, sumagot ka naman. Mahal na mahal po kita. Huhuhu, paalam po."

"PAALAM TALAGA DAHIL SIMULA NGAYON DOON KA SA DOG HOUSE 🏠 MATUTULOG, AKO PA ANG LULUKUHIN MO?"

"M-ma"

Sheezzzz, bumangon ako at nakita si mama na nakatayo sa pintuan at nanlilisik ang matang nakatingin sa'kin nakaturo pa ang kamay niya na may hawak na CP 'iyong de keypad.

I'm dead! Really DEAD!

"ANO? LABAS NA. BWESIT KA."

Napatayo ako ng tuwid dahil sa sigaw niya at tumakbo na palabas.

PUTO! JOKE LANG PO IYON Ma! . huhuhu

#WagGayahin

Compilation Of One Sh*ts StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon