BBQ
"Bitawan mo nga ako!" Gulat kong sabi. Siya na naman?! Pag minamalas ka nga naman.
"Oh kalma, ibabalik ko lang to" inabot niya sa'kin yong phone ko. "Naiwan mo"
"Luke, who is she?" Naagaw ng babaeng kasama niya ang atensiyon ko. Nakita ko yong nakapulupot niyang mga kamay sa braso nitong lalaking 'to na 'Luke' pala ang pangalan. Eto ba? Ito ba yong sinasabi nilang mapapangasawa ko? Eh may pusit ngang nakalambitin sa kaniya Eh!
"Nothing.....Just a friend babe, Tara na gutom na ako" nakangiting sabi ng gago at umalis na. Pinanood ko silang pumasok sa kainan at unti unti ko siyang pinapatay sa isip ko, really? A friend? He kiss me yesterday and said that he would be my husband and now? May kasama siyang ibang babae?!
Natigil lang yong iniisip ko ng yugyugin ako ni keyla.
"Girllll sino yon?! Di mo naman sinabi sa'kin na may gwapo ka palang kaibigan dito!" Potek na babae 'to!
"Wag ka nga! Tumigil ka! Hindi ko kaibigan yon! At never kaming magiging friends!" Inis kong sabi sa kaniya at sumakay na.
"Oh bat ka nagagalit? Nagtatanong lang eh" nakasimangot niyang sabi.
Hayssst pag alam mo lang kung ano ang ginawa sa'kin ng bwesit na yon!
"Hindi ako galit, masama lang talaga ang loob ko sa taong yon"
"Bakit? May atraso ba sayo 'yon?" Habang nasa daan kami ay ikinuwento ko sa kaniya yong ginawa ni Luke at ang pagpunta ng tatay niya sa mansion. Ilang oras din at nakarating na kami.
"Ano ba yan Hazel, napaka bastos naman pala. Sayang support na sana ako para sainyo kasi bagay kayo, di ka naman pangit... pero hindi ka naman maganda" nangingiti niyang sabi. "Tapos siya gwapo, mukang lugi pa nga siya sayo Eh.... charrr. Okay na sana eh, pero mukang babaero"
Nasa sasakyan parin kami at hindi pa bumababa, nakita ko si Manong na nilabas yong maleta ni Keyla at nilagay sa may pinto.
"Bastos nga! Napaka feeling. Akala mo naman kung sino tsk!" Bumabalik na naman yong inis ko sa lalaking yon. "Tara na nga, baka kanina pa ako hinahanap ni lola" nakalimutan ko rin kasing mag paalam kanina.
"Ay wow! Ang bongga pala ng mansion niyo dito? Teka, nagkikita pa ba yong mga tao dito? Ang laki eh" sabi niya nong nasa doorway na kami.Pinakuha ko yong luggage niya sa isa sa mga kasambahay namin. Hindi ko pa kasi sila kilala isa isa kaya hindi ko pa alam yong mga name nila.
"Pasok tayo" sabi ko sa kaniya at dumiretso na kami sa may dining area dahil alam kong nandon sila, tsaka para mabigay ko din yong tinake out ko.
Tama nga ako, nakita ko sila lola at Hanz na kumakain. Nong makita ako ni Hanz ay agad niya itong sinabi kay lola at napansin ka agad niya yong kasama ko. Take note Michaella is Hanz longest crush kaya laking gulat ko nong malaman ko na may gusto siya ka agad kay Mezia. Hindi kasi yan agad nagkakagusto kaya si Keyla lang ang alam kong naging crush niya ket na mas matanda yong bestfriend ko, okay lang naman sa'kin as his ate, crush lang naman eh.
"Hazel saan ka galing?" Si Lola "Kanina pa kita pinapahanap sabi ng mga tao dito sa bahay nagmamadali ka daw na umalis" sabi niya at ngayon ay kay Keyla na nakatingin.
"La. Sorry po. Sinundo ko lang si Keyla, kaibigan ko po galing Davao, dito po muna siya lola" sabi ko sa kaniya "Keyla... siya pala yong lola namin" pakilala ko sa kaniya.
"Hi po lola!! Magandang tanghali po hehe" kunwari nahihiya niyang sabi. Tsk kilala ko 'to, bukas makalawa magfe feeling close na haha. "Pasensya na po sa biglaang pagbisita ko, si Hazel po kasi biglaan din po niya akong ininvited dito sa mansion niyo hihi" Aba potek! Napaka sinungaling talaga neto!
YOU ARE READING
My Sweetest Mistake (SKSU SERIES 1)
Roman pour AdolescentsRich Hazel Cañaveral grew up in a wealthy family. A 19 y/old girl with a pretty face. In her last year in college, their parents decided to transfer her with her brother to the school name "Sultan Kudarat State University" A prestigious school in Su...