Chapter Seven

101 6 0
                                    

Baby


"Alam mo, feeling ko may gusto sayo si Daryl......" nasa bahay na kami at kasalukuyang nakahiga.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kaniya.

Nag open ako ng facebook sa laptop ko at pinost ang pagtitinda 'kuno' ni keyla at syempre tag ko din siya. Marami ka agad ang nagreact kabilang ang mga kaklase namin. May mga nagtatanong kung nasaan daw kami at may nagsa sanaol sa ginagawa ni Keyla. Kahit na gusto kong replyan yong mga kaibigan namin at sabihin kung asan kami ay diko ginawa, baka malaman pa ni John. Marami nga rin siyang chat sa'kin pero diko nirereplyan. Tsaka na kami mag usap pagbalik ko.

"Halata naman kung paano kaniya tingnan eh..."sagot ni Keyla.

"Heh, tumigil ka nga.Baka nag a assume ka lang" sabi ko sa kaniya "at Keyla. Wag mong sabihin kila Fey kung nasaan tayo ha, baka magtanong sa kanila si John"

"Oh ano naman kung magtanong? Pupunta ba siya?" Pilosopo talaga to.

"Oo, nag chat siya sa'kin. Sabihin ko daw kung nasaan ako at pupunta siya para maka pag usap kami"

"Luh.... grabe naman...... Bakit hindi mo nalang papuntahin dito? Para magkausap kayo?"

"Wag na, uuwi rin naman tayo ka agad eh, tatanungin ko lang si mommy bukas kung kumusta yong punta nila sa America, para makauwi na tayo. Marami pa tayong requirements na kailangan asikasuhin for enrolment diba?"

"Sabagay..... tsaka Zel.... narinig ko na dito daw mag aaral si Hanz?" Oh bakit?....Concern?

"Huy wag kang child abuse sa kapatid ko ha!" Bato ko sa kaniya ng unan.

"Bano! Gaga ka, nagtatanong lang ako! " at hinampas niya pa balik sa'kin yong unan.

"Okay, buti naman." Sabi ko  "At Ewan ko diyan sa kapatid ko, gusto daw dito mag aral" umayos na ako ng higa ko, nakakapagod dumapa.

"Maganda naman yong school, nakita mo ba? Yong kahapon?" Ah yes. Nadaanan kasi namin yong SKSU na sinasabi nilang school dito, sabagay. Maganda yong labas at mukhang malaki yong school. Tsaka nasa City na 'yon.

"Oo. Maganda naman, pero magpapaalam pa siya kila mommy, sila naman yong mag dedesisyon"
Bahala na sila.

Kinatulugan ko na ang pag oonline kagabi. Saktong alas 10 ng umaga , magtatanghali na nga pala. Bumaba kami ni Keyla para kumain. Kagigising lang namin.

Nakita ko si Hanz na may ka video call sa phone. Nong lumapit na kami ay nalaman kong si mommy pala yon. Bago maupo para kumain ay binati ko muna siya ng goodmorning, saka umupo at kumain kasama ni keyla na nagtitimpla na ng kape, Friendship goal.

"Hanz iabot mo nga yong phone sa ate  mo" rinig kong sabi ni mommy, agad namang binigay ni Hanz ang phone.

"Yes mommy?" Sabi ko at sumubo ng hotdog.

"Anak, nakausap ko na ang lola niyo tungkol sa paglipat ni Hanz diyan, and pumayag naman yong daddy niyo" sabi ni mommy.

"Ganon po ba?" Patuloy ko sa pagkain, I expect it already, so... nothing's surprising.

"Pero naisipan namin ng Daddy mo na diyan kana rin mag aaral"

"WHA--T?!...mommy?!" Ano daw? Di pwede!

"Zel. As you already knew, we have a big big problem. We need to fix it as soon as possible kung hindi ikaw din  ang..........nevermind. Basta, inaasikaso pa namin yong kontrata at kinakausap pa namin yong may mga shares sa company. Hindi madaling pakawalan yong company lalo na at matagal na sa atin yon. So probably, matatagalan talaga kami dito, so... diyan muna kayo ni Hanz kay mama." Sa dami ng sinabi ni mommy walang pumasok sa utak ko, NO!

My Sweetest Mistake (SKSU SERIES 1)Where stories live. Discover now