CHAPTER TWELVE

98 41 6
                                    

SAMANTHA'S POV

Kasalukuyan akong nagkukuskos ng loob ng c.r ng muli kong maalala ang kalokohan ni Lucas. Ramdam ko ang pag-iinit muli ng pisngi ko dahil sa nangyari maaga akong tumayo at sinimulan ang paglilinis ng bahay. Napakawalangya talaga ng multong yon! at biglang nagflash sa utak ko ang nangyari kanina.

FLASHBACK

Dahan-dahang lumapit sa akin si Lucas. Halos mapasandal na ako sa headboard ng kama upang makaiwas dito. Halos maduling na ako sa sobrang lapit nito. 

"A-anong ginagawa mo?" tanong ko dito. Napangisi lamang ito at pinagpatuloy ang paglapit sa akin. Tumama ang mga mata nito sa mga labi ko. 

Agad kong tinakpan gamit ang kamay ko ang sariling labi. Hindi ko gusto ang iniisip ng lalaking to. Rinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko sa ginagawa ni Lucas. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. 

"H-hoy Lucas! M-mag hunos-dili ka!" nauutal na sambit ko dito ngunit hindi man lang ito natinag at mas lalo pa nitong inilapit ang mukha sakin. Mariin kong naipikit ang dalawang mata at naibaba ang kamay na humaharang sa mga labi ko. 

Mahigpit akong napahawak sa magkabilang gilid ko at hinintay ang paglapat ng mga labi ni Lucas sa akin ngunit ilang segundo na ang nakakalipas walang labi ang lumapat sa akin. Isang impit ng tawa ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. 

Agad akong nagmulat at ganun na lang ang inis kong makita si Lucas na nakatayo malapit sa pintuan. 

"You look funny, Samantha!" natatawang sambit nito at napapahawak pa sa tyan nya. Tinitigan ko ito ng masama ngunit tila walang epekto. "Masyado ka naman FUNNYwalain!" asar pa nito sa akin. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Dinampot ko ang unan na nasa gilid ko at ibinato dito. No effect dahil hindi siya tinablan. Inilabas pa nito ang dila at tila batang nag-make face pa.

"Napaka-hayupp mo talagang multo ka!!!!" galit na sigaw ko dito. Nagpupuyos ang damdamin ko sa galit dahil sa ginawa ni Lucas. Pakiramdam ko umakyat ang mga dugo ko sa ulo at gusto ko siyang i-double dead! Muli itong humagalpak ng tawa at napaturo pa sa akin. Tinitigan ko pa ito ng masama."Kung nakakamatay lang ang titig baka napatay na kita!"

"Umasa kaba?" nang-aasar na tanong nito." We can continue that if you want." akmang itong lalapit ngunit agad din natigilan ng dinuro ko ito. 

"Subukan mong lumapit, Lucas! May kalalagyan ka talaga!" gigil kong sigaw dito. Natatawa itong napa-atras at napataas pa ang dalawang kamay sa ere.

"You're so cute when you're mad." nakangisi nitong sambit. Napalunok ako ng marahas sa sinabi nito.

"Shut up! Lubayan mo ako Lucas! Hindi na ako natutuwa! Ido-double dead talaga kita." inis na sagot ko dito.

"Fine. fine. I'll stop. I will leave you na." sambit nito. Kinagat pa nito ang sariling labi. Akma na itong aalis nang bigla itong humarap sa akin. "But on the another hand, pwede natin pag-usapan kapag nakabalik na ako sa katawan ko. At least ramdam mo talaga ang lambot ng labi ko." pahabol na sambit nito. Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nito.

"LUCAS!!" gigil na gigil na sigaw ko at bigla itong naglahong parang bula.

END OF FLASHBACK

"Nakakainis!" malakas na sigaw ko. Gigil kong brinush ang gilid ng bathtub halos tumalamsik na sakin ang tubig. "Jusko ka, Lucas! Mamumuti ang ano ko sayo!" asar ko pang sigaw. Halos magtatanghalian na nang matapos ako sa paglilinis ng buong bahay. Pasado ala-una na pala. Doon lamang ako nakaramdam ng gutom. 

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon