Kumusta na kaya ang iyong kaluluwa?

86 0 0
                                    

Kumusta na kaya ang iyong kaluluwa?                       

Ang mga katagang tumino saking isipin.Isang katanungan napaisip ako ng lubusan. Natatandaan ko pa noonng Agosto dose taong kasalukuyan takdang araw ng libing ng aking pinakamatalik na kaibigan. Isang sermon noon ang aking napakinggan, sa bagong paring Fr. Michael daw ang pangalan.Bagamat ako noo’y wala sa wisyo’t tulala lamang. Pilit kinukubli ang mga gustong tumulong luha. Ngunit ng sya’y magsimulang magsalita.Ewan ko ba, ako’y naalerto ata.

Sa kanyang tinuran lahat daw tayo’y may kaluluwa

Isang patoto lamang na tayo’y mabubuhay at yaon di’y mamamatay.Ang ating kaluluwa sa katawan natin ay mawawalay. At kung may pagkain man ang ating katawang pisikal gayun din ang ating mga kaluluwa. Napapakain mo ba ng maayos ang iyong kaluluwa? Kung ikaw ay kumakain ng tatlong beses sa isang araw at kung minsa’y lima pa, subalit ang iyong kaluluwa ilang beses kaya?Ang ating kaluluwa ay nangangailangan ng dasal, mananampalataya at pagsunod sa naaayon sa tama. Pero kung iisipin mo ang sitwasyon sa mundo, tumingin ka at obserbahan mo. Hindi ba’t nabibilang nalang ang nagsisimba tuwing linggo? Subalit sa parlor at gimikan tiyak marami laging tao.

Pangatlo sa sampung sakramento “mangilin ka tuwing linggo at pyestang pangilin”. Pero anoh? Nasan ka kaya tuwing linggo? Siguro nasa computer shop ka’t nagglalaro ng paborito mong “DOTA” , o kaya naman nasa parlor at nagpapa beauty para makipagdate sa taong bago mo palang nakilala at kung minsan ay di mo pa talaga kilala, siguro nasa sugalan ka’t kasama ang iyong mga kaamiga, o di kaya nag-iinum, naninigarilyo o nagdrudrugs kasama ang iyong mga katropa. Nagpapakasasa sa dugo’t pawis ng inyong mga magulang, waldas ng waldas ng salapi shop[ping dyan –shooping doon. Yung mga iba masyado naring lunod sa kanikanilang mga trabaho yung tipong ginagawa naring araw ang bawat gabi.Oh hah! Ang dami mong pedeng pinakakaabalahan hindi bah? Marami pa yan kung iisipin mo, pero sana kasama din sa oras mo ang mga gawaing makapagpabusog sa nauuhaw mong kaluluwa.Masyado na nga  sigurong busy ang mga tao sa mundo. Na tipong kahit isang oras sa isang linggo di nila mabigyan ng oras ang panginoon.

Yung iba satin grabeh maging concern sa mga pisikal na itsura nila yung tipong gumagastos ng pagkalake lake para lang mapanatili ang kanilang kabataan at ganda. Kagandahan na malalaos din at masisira, kutis na kukulubot din at tatanda. Mga pisikal na kagandahan na sa pag lipas ng panahon ito rin mawawala. Bakit hindi mo isipin magkano na kaya? Magkano na kaya ang nagugugol mo sa iyong ganda? Salapi na kung tutuusin pedeng makatulong sa iba.

Laganap nadin ang mga bisyo sating lipunan; nadyan ang pagsusugal, paninigarilyo, pag-iinom, at kung minsa’y pag-dru drugs pa. Mga bisyong kinahuhumalingan ng marami satin at syang nagiging dahilan ng maraming krimen at matinding kahirapan. Minsan subukan mong magbasa ng dyaryo at pansinin mo ang mga nakalathala ditto puro; krimen, patayan, kahirapan at ang walang kamatayang korupsyon. Ganyan ang lagi mong mababasa. Maririnig o mapapanuod man sa radyo, pahayagan at telebisyon. Madalas mababago lang ang lugar, tao at oras pero ang tema ganun at ganun lang. marami sa atin gobyerno ang sinisisi keso corrupt daw, walang ginagawa or what we always say “TUNGA-NGA” ganyan kasakit manghusga ang mga tao na di malayong dahilan kung bakit ka’y gulo ng mundo. Wag tayong umasta na tila ba perpekto dapat di ka ganun! Dapat di tayo ganun!

Hindi ko alam kung bakit sinusulat ko to’, nakita ko lang kasi ang panulat at papel ko at sa di ko malamang dahilan nasulat ko ang mga ito. Siguro ngayon natatamaan na kayo pero ayus lang yan pagkat kahit akong sumusulat nito ay natatamaan din kahit papaano.

Wag nating tingnan ang kahinaan at kamalian ng iba, bagkus isipin natin kung ano ang ating magagawa. Lahat ng tao hindi perpekto, lahat ng tao maaaring magkamali at mula sa pagkakamali lahat yun pedeng itama. Wag nating isisi ang lahat sa iisa nilikha tayo ng diyos na kawangis nya na magkakapatid sa mga mata nya di naglalamangan, di nag aaway bagkus laging nagmamahalan ganyan dapat ang maging sistema ng mundo. Pero kung titingnan parang imposible di ba? Pero sa mata ng diyos lahat posible! Lahat pedeng mangyari!         

Simula ng napakinggan ko ang sermon na ito patungkol sa “kumusta na kaya ang iyong kaluluwa” dito nagsimulang lumawak ang kaisipan ko at syang naging inspirasyon kung bakit ko ngayon nasulat ito. Naging isang malaking aspeto ito ng pagbabago sa pananaw ng pananapalataya ko. Kaya sana sa inyo din na nagbabasa nito. Nawa’y naging tulay ang munting sulatin kong ito upang kahit papano malinis ang kaluluwa nyo. Sana pagkatapos nito may konting mabago, isang bagay na kalulugdan ko. Inaamin ko noon ako’y di palasimba na tao. Pagkat ang paniniwala ko, ang diyos nasa paligid lan yan kahit saan kahit kailan pede ko syang pasalamatan at tawagan. Pero nagkamali ako sapagkat kagaya ng pag-aaral, hindi bat kahit sa tahanan tayo’y pedeng turuan pero tanging sa paaralan lang natin makukuha ng kompletong karunungan. Gayon din pag tayo’y may karamdaman hindi ba’t maaari din tayong gamutin sating mga tahanan? Pero tanging sa hospital parin natin matatamo ang lubos na kagalingan. Kagaya ng ating pagdarasal, oo nga’t maaari din tayong magdasal sating mga tahanan pero tanging sa tahanan parin ng diyos ang syang mainam na lugar na kung saan prisensya ng diyos ay lubos nating mararamdaman.

Sana lubos nating maunawaan na hindi lang sa pag-aaral,  trabaho, kaibigan, kakilala at pamilya nakalaan ang oras natin dito sa mundo. Bagkus oras din sa panginoon at mga gawaing makakapagpalusog ng ating mga kaluluwa.

Wag tayong mag-impok ng kayamanan dito sa lupa sapagkat lahat ng yon ay hindi natin madadala sa pagtanda maging sa pagsapit man ng ating kamatayan at pag-akyat sa kalangitan. Bagkus gumawa tayo ng kabutihan sa kapwa na kahit sa kabilang buhay ito’y ating magsisilbing yaman.

Nakakalungkot isipin sa panahon ngayon, animo’y “PERA” ang sinasamba ng mga tao. Adyan yung magagalit si anak kapag walang baon na bigay si nanay. Magagalit naman si nanay kapag walang intrega si tatay. At madalas pera pa ang ugat ng mga makamundong kasalanan. Ganyan tayo kasaklap pinapaikot ng pera naanimo’y sya ang naghahari sa bawat buhay natin, na kung tutuusin dapat ang diyos ang maging sandigan natin na syang tumubos ng bawat kasalan natin. Wala na nga atang takot sa diyos ang mga tao, na konting hirap lang ay kagad sumusuko. Pero IKAW! Bilang mananampalatayang kristiyano, hahayaan mo bang lamunin nito ang buo mong pagkatao? Kung ang kamatayan ay katulad ng isang magnanakaw , na kahit saan, kahit kailan ay maaaring mangyari’t maganap. Ano na kaya ang magiging itsura ng kaluluwa mo? Kung panay pera, galit, at hinanakit ang nananahan sayong puso’t kaluluwa.

Ngayon sa mga katagang nakasulat dito

Isipin mo at namnamin mo

Sabay simulan mong suriin ang sarili mo

Sa bawat ginagawa mo maghapon,

Sa bawat binibigkas ng mga labi mo,

at

Sa bawat pinagtutuunan mo ng panahon

Napapalusog kaya nito ang iyong kaluluwa?

At sa mga oras na ito,

Bakit di mo simulang tanungin ang sarili mo!

“KUMUSTA NA KAYA ANG KALULUWA KO?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kumusta na kaya ang iyong kaluluwa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon