Prologue

13 4 7
                                    


Disclaimer: This is work of fiction. names, characters, places, events and incidents are products of author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead is purely coincidents.

•••

Nagdaan man ang ilang taon pero ito pa rin ako. Isa pa rin na dukha. Isang dukha na nangangarap na ibigin ng isang mayaman na lalaki.

Nakatitig lamang ako sa repleksiyon ko sa salamin. Nag-aayos ako dahil malapit na ang oras ng paglabas namin. Sa Royale Kingdom ako nagtatrabaho. Isang amusement park. Isa ako sa mga nagmimistulang prinsesa na cosplayer.

"May mga estudyante ngayon ah." Saad ni Shane, pareho kami ng trabaho.

"Puro college students nga eh. Ang daming pogi." Kinikilig na saad ni Jane. Ang photographer namin.

"Magtrabaho muna tayo. Trabaho bago landi." Seryoso kong saad.

"Yziel, maganda ka naman, matalino, mabait, parang ang lahat ay nasa iyon na. Pero bakit wala ka pa rin na jowa?" Tanong ni Blake. Kung kami ay prinsesa ang ginagaya, siya naman ay prinsipe.

"Pasmado ba iyang bibig mo? May mas importante pa para sakin kesa sa jowa-jowa na yan." Saad ko.

Aanhin ko yung mga poging college students na yun, kung hindi pa ko nakaka-move-on sa dati kong nakarelasyon.

Naalala ko nanaman siya. Ilang taon na ang lumipas pero bakit siya pa rin ang mahal ko? Bakit siya pa rin ang isinisigaw ng aking puso? Bakit hindi ko madiktahan ang puso ko?

Nilibang ko na ang sarili ko para makalimutan ko siya. Paano ko siya makakalimutan kung may isang tao na nagpapaalala sa akin na parte siya ng buhay ko?

"Yziel tulala ka nanaman!" Sigaw ni Shane sakin.

"Ha? B-Bakit?" Tanong ko.

"Kanina ka pa namin inaaya na lumabas na. Lagot tayo kapag hindi tayo nakalabas agad." Iritadong saad ni Shane.

"Sorry, may naalala lang ako. Tara na." Paghingi ko ng paumanhin.

Lumabas na nga kami sa dressing room namin. Paglabas pa lang namin pinagtitinginan na kami ng mga taong nasa amusement park.

Sanay na ako sa ganoong atensiyon. Ilang taon na akong nagtatrabaho rito kaya sanay na ako.

"Pwede po ba magpapicture?" Tanong ng isang lalaki. Ngumiti naman sila Shane at tumango.

"Say cheese!" Anas ni Jane sabay click ng camera.

"Pwede po bang magpapicture ng solo sayo?" Tanong sa akin nung lalaki, tumango naman ako.

Pinulupot niya ang kanyang braso sa aking baywang. Kahit medyo naiilang ako sa pwesto namin ngumiti pa rin ako. Kahit mukha akong constipated sa litrato na yon.

Tapos na ang pagkuha ng litrato pero di pa rin tinatanggal nung lalaki yung kamay niya sa baywang ko. Pinipilit kong tanggalin pero mas humigpit.

Napansin iyon ni Blake. Kaya naman tinitigan niya ko na parang pinaparating na kailangan ko ba ng tulong niya. Tumango naman ako. Kaya naman hinila niya ako palayo sa lalaki.

Hiding My Own FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon