Ala una na ng madaling araw pero gising na gising pa den ako. Kung sino man si T.A ay marami siyang nalalaman tungkol dito.
Walang laman ang isip ko kundi ang bagay na yun. Kung may traydor nga sa loob ng Goa, malamang ay alam na nito ang lahat ng plano namin? Malamang den ay pinagpaplanuhan na den nila ang pagpatay saken.
Damn it.
Kinuha kong muli ang 3DMG ko at muling nagtungo sa Gray Walls. At tulad ng inaasahan ay walang titans na makikita sa buong Terminal.
Iginala ko ang paningin ko sa pagbabakasakaling makakuha muli ng panibagong impormasyon ngunit walang kahina hinala akong nakita sa labas ng Weatheria, masyadong madilim na din sa lugar at tanging liwanag ng buwan nalang ang nag sisilbing ilaw ko.
Mag aalas dos na ng maisipan kong bumalik sa palasyo. Hindi na rin ako tinanong ng mga opisyal na nakakita saken.
Gamit ang bintanang nakasanayan ko ng gamitin, ay bumalik ako ng kwarto. At sa pagbalik ay hindi ko inaasahan ang makikita ko, nandun ang prinsipe ng mga sungit, nakasansal sa pinto ko. Hindi ko pinansin ang presensya niya kahit na alam kong papalapit siya sa kinaroroonan ko.
Nakatalikod ako sa kanya habang tinatanggal sa katawan ko ang Gear ko, patuloy kong pinakikiramdaman si Hiro hanggang sa unti unti kong maramdaman ang pagkakayakap niya saken mula sa likod.
"W-what are you doing, jerk?" Atungal ko habang pilit na inaalis ang pagkakayakap niya saken.
"Don't move please. Just for awhile, Rin. Just for awhile. I just need someone right now."
Amoy alak siya pero hindi matapang ang amoy nito.
"Lasing ka ba?" stating the obvious and trying not to sound awkward.
Hindi siya sumagot sa tanong ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap at ibinaon ang muka sa kanang balikat ko.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko din na parang may kung anong naglalaro sa tiyan ko at higit sa lahat, ANG INIT! SOBRANG INIT. Ramdam ko sa muka ko ang init.
Habang tumatagal ay nararamdaman ko ngayon ang mabait na Hiro, yung tipong Hiro na hindi mo usual makikita sa kanya.
"O-okay ka lang ba?" Muling tanong ko sa kanya.
"Sorry"
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman ko ang baba niya sa balikat ko, isang maling galaw ay posibleng mahalikan niya ang pisngi ko.
"P-p-para saan?"
"About last time and about the pen."
Ibig niya bang sabihin ay nung nag away kami sa kotse nung pumunta kami sa kinaroroonan ng mga taga Terminal?
"I -- I didn't mean to call you that word, I just can't forgive myself for being weak. I can't do anything to help you. Sunod lang ng sunod sayo sa lahat ng lakad mo."
Unti unti ay tinanggal na niya ang pagkakayakap saken. I'm relieved but there's a little bit disappoinment.
Wait! What did I just say?!
Hindi ko siya hinarap pero ramdam ko pa den ang tingin niya saken, unti kong naramdaman ang kamay niya sa balikat ko at unti unting iniharap ako sa kanya.
Ngayon ay kitang kita ko na ang lungkot sa mata niya, halatang kulang sa tulog at namumula pa ang tenga marahil dahil sa kalasingan.
Come to think of it. Hiro is the most handsome guy I ever seen. Gwapo den naman si Hikaru pero iba tong si Hiro, pero bat ko ba sinasabi to?
YOU ARE READING
The Secret of Weatheria
FanfictionThis story is inspired by the anime series 'Attack on Titans' by Hajime Isayama. If you already watched the series, you may encounter some parts that are similar to the anime. Please support me and my story by leaving some comments and suggestions o...