Lindsey's POV.
Mabilis kong ininom ang iced coffee na dala ko from Starbucks. Sunod-sunod ko itong nilagok. "Hayst.. Kailan kaya matatapos ang kalbaryo kong 'to?" Nasabi ko nalang pag tapos kong uminom.
Isa akong psychologist sa isang pribado at di kilalang establishment ng government. Madalas ang mga nakakasalamuha ko araw-araw ay mga kapwa ko doctors, patients slush criminals at militar.
Bakit militar?
Dito kasi inililipat ang mga kriminal na may mga problema sa pag-iisip, o 'yung naabswelto sa kaso dahil nga may psychological illnesses. Pati yung mga most wanted.
Balita ko nga, andito yung notorious na criminal. Anti-social daw ang sakit neto o mas kilala sa tawag na "psychopath". Madami na rin daw itong napatay at ang gobyerno mismo ang nag pakulong sa kaniya. Kaso na-diagnosed siyang may mental illness.
Bumuntong hininga naman ako. " Damn, Linds. You look stressed!" Agad akong lumingon sa nagsalita at nakita ko si Eva, ang aking best friend slush doctor din dito sa mental hospital.
"Yeah, dami ko kasing binisitang patients sa wards nila. Guess what?" Pabiting sagot ko sa kaniya.
"What?" Mabilid naman niyang sagot sa akin.
"Andito daw yung notorious killer slush Psychopathic criminal" sabi ko sa kaniya at si Eva naman ay umupo sa harap ng mesa ko.
"Omg! I didn't know that. Safe naman siguto tayo?" Sagot at paninigurado na tanong niya sa akin.
"Oo naman. Atsaka, bantay sarado ng militar itong establishment. I couldn't imagine na may makakatakas pa dito." Sagot ko naman kay Eva na may kasiguraduhan.
Sikreto lamang ang establishment na ito dahil nandito nga yung mga most wanted na criminal. Hindi rin ito basta-basta pwedeng tawagin na mental hospital dahil madalas, mas masahol pa sa may sayad sa isip ang mga kriminal dito.
Balita ko nga, yung iba hindi na kayang gamutin ng mental hospital kaya dito dinadala. Lalo na yung may malalang kaso tulad nalang ng rape,murder at homicide. Napailing nalang ako.
"Bakit ko ba kasi ito pinasok. Dapat siguro nag office girl nalang ako." Sabi ko kay Eva.
"Ano kaba, okay naman ha? And you know malaki ang bigayan dito. Wag kana mastress mahal mo naman ang profession mo." Sabi naman niya sa akin.
Tama si Eva. Buong buhay ko gusto ko tumulong sa may mga mental illnesses. Kaso, nakitaan ako ng potential sa dati kong pinapasukan na mental hospital at dinala ako dito.
"Yeah right." Sabi ko na may halong duda na sa boses ko. Di ko na kasi sure kung nag-eenjoy pa ba ako.
"Maiba ako, musta kayo ni John? Seems like di kayo madalas nakakapag-date gaya noon." Biglang pag-iiba ng topic ni Eva sa usapan at lalo naman ako na stress na bagong topic.
"Ganun parin. Eva, what do you think? May babae kaya siya?" Tanong ko sa aking kaibigan.
Halos di na kasi kami nagkikita ni John. Isa siyang accountant at galing sa mayamang pamilya. 3 years ko na siyang boyfriend. Kaso ngayon, nagiging cold ang relationship namin.
"About that? Hindi ko rin kasi sure Linds. Pero hayaan mo na iyon sayang ang ganda mo sa kaniya." Sabi niya habang nakangiti at hinahawak nito ang aking kamay na nasa mesa.
Napailing ako at ngumiti. Magaling talaga mambola itong si Eva. Kaya madami itong nabibiktimang mga lalaki dahil sa angkin nitong karisma.
"Kaya ikaw, magtino ka. Baka karmahin ka. You should settle down a guy na mahal mo. Hindi yung laro lang." Payo ko sa kaniya. Talagang play girl itong si Eva eh. Naturingang psychologist. Naku!
YOU ARE READING
My Love Is A Psychopath
General FictionLINDSEY COOPER is a psychologist from a high-tech facility that runs by the government. It is built for most wanted criminals who committed ruthless crimes such as murder,rape, and others but were diagnosed with mental illnesses. One of them is MARK...