Prologue

19 3 0
                                    

Kaya ko ba to? Huminga ako nang malalim bago tuluyang humakbang. Kinakabahan ako dahil bagong environment na naman ang nakikita ko,palagi nalang ganito dahil hindi na talaga magawang magkasundo nang mga Parents ko na divorce na. Napakahirap na maging parte nang isang broken family pakiramdam ko nasa akin ang lahat nang attention nang mga tao kahit ang totoo ay unang beses ko sa lugar na ito.

Bagong lugar,bagong papasukan na University, bagong mga kaklase,bagong mundo. Napabuntung-hininga ako dahil nagsisimula na akong atakihin nang Anxiety ko at ano mang oras ay baka magsimula ang Panic Attack ko,anong gagawin ko? Mag-isa lang ako,wala si Mommy,wala akong kasama. Nagsimulang umikot ang paningin ko,unti-unti ding bumibilis ang pintig nang puso ko,ganun din ang paghinga ko. Namumuo din ang mga pawis sa mukha ko. Anong gagawin ko?

Sinubukan kong humakbang paatras pero hindi kaya nang mga binti ko ang gumalaw,pakiramdam ko naninigas na rin ako at sobrang nanlalamig. Sa sobrang takot ay naibagsak ko ang mga hawak kong libro,ganun din ang bag ko. Nagsimula na din akong pagtinginan nang mga tao at ibang mga estudyante at malamang iniisip nila na freak ako o kaya naman ay baliw.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa panginginig,nauubusan na rin ako nang hangin. Konting-konti nalang ay babagsak na ako sa kinatatayuan ko dahil nawawalan na ako nang balanse,pero hindi nangyari yun dahil may malakas na mga bisig ang maingat na sumalo sa napipintong pagbagsak ko. Napapikit nalang ako sa takot at tahimik na tinawag ko sa isip ko ang Mommy ko.

"Hey,are you okay?" Biglang tanong nang tinig mula sa likuran ko. "Nanlalamig ka,okay ka lang ba ha?"

Ni hindi ko magawang magsalita para makasagot dahil naninigas din ang panga ko sa kaba.

"Naku." Natatarantang muling nagsalita ang boses nang lalaki na may hawak parin sa akin. "Tutulungan kita." Isa-isa nyang dinampot ang mga gamit ko at maingat nya akong binuhat palapit sa isang bench sa di kalayuan. Ramdam ko parin ang panginginig nang mga kalamnan ko. "May epilepsy ka ba,Miss?" Tanong nito matapos akong maiayos sa upuan. Ipinatong din nya sa tabi ko ang mga gamit ko.

Nakayuko parin ako kaya hindi ko pa nakikita ang mukha nya,pero nagawa ko nang umiling bilang sagot. Ilang sandali pa ay nakakaya ko nang kalmahin ang sarili ko. Sandali nalang at muli na sigurong aayos ang pakiramdam ko,mabuti nalang at may tumulong sa akin.

"Inom ka muna?" Masayang sabi nito sa akin sabay abot nang binuksang mineral water bottle sa akin na kinuha nya sa backpack na suot nya. Nanatili lang akong nakatitig sa kamay nya. "Drink this,makakatulong ito sa pagkalma mo,Miss."

Mula sa kamay nya ay umangat ang tingin ko sa mukha nya. Napaka-amo nang hitsura nya.Sobrang kinis din nang pisngi nya na mamulamula,may dimples din ang mga ito sa magkabilang bahagi. Kulay brown naman ang mga mata nya na sobrang linaw na parang kumikinang na diamond kapag natatamaan nang sikat nang araw. Kakulay nang malambot nyang buhok at kilay na akala mo sadyang dinrawing. Napakatangos din nang ilong nya na napakaliit. Todo ngiti pa sya,siguro sadya lang syang masayahin.

"Please,Miss?" Sabay offer ulit nang tubig.

"S-salamat." Kinuha ko ito at marahang ininom,halos matapon ito dahil sa panginginig nang kamay ko kaya nabasa ako.

"Let me help you." Muli itong dumukot sa bulsa nang suot na Pantalon. "May I?" Hingi nya nang permit bago ako marahang punasan sa kamay at braso.

"Thank you." Nahihiyang nagyuko ako nang ulo. "Lalabhan ko nalang ang panyo mo."

"No need,you can keep it." Muli itong ngumiti. "Okay ka na ba,Miss? Mukhang malakas yung panic attack mo,buti nakita kita."

"Oo,thank you ulit." Ngumiti na din ako. "Pasensya na sa abala."

"Wala yun,gusto mo dalhin kita sa Clinic? Para makasiguro tayo na okay ka na?" Offer nya.

"N-naku wag na. Okay na ako,salamat nalang. Isa pa baka mahuli na ako sa klase ko. First day ko pa naman." Nahihiyang paliwanag ko.

"Bago ka lang dito?" Amaze na tanong nya,tumango naman ako. "Kung ganon,welcome sa University. I'm Maui. And im your Senior." Inilahad nya ang kamay sa harap ko. "Don't worry mabait naman ako,pwede mo akong pagkatiwalaan." Biro nya nang hindi ko ito pinansin.

"Sorry,I'm Perrie Edwards. Sophomore." Kinamayan ko sya. "Salamat sa tulong."

"Don't mention it. Just please remember to breathe ha?" Muli syang ngumiti. "We can be friends if you like. Pero mauuna na muna ako sayo ha? Male-late na kasi ako sa klase. Mag-iingat ka nalang palagi."

Tumango ako,tumayo na rin sya at kumaway sa akin bago tumakbo palayo papunta sa klase nya. Naiwan sa kamay ko ang panyo nya na ilang sandali ko pang pinagmasdan.

"Thank You Guardian Angel." Nakangiting bulong ko sa sarili ko.

QueenDiane

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl You Think I AmWhere stories live. Discover now