The Seeker.

0 1 0
                                    

Chapter 1

"So I'll be the seeker."

Tinignan ko silang lahat at ngumiti.

Patuloy pa din ang malakas na pag bagsak ng ulan sa labas habang may kasamang pag pag kulog at pag kidlat, Ano ba? May bagyo ba?

"Anong number ang nabunot mo?" Jane asked.

" Secret basta mataas." sabi ko nalang.

"So let's start the game? para matapos din tayo agad." Heshy said.

"Hindi lang laro natin ang matatapos." pabulong kong sabi.

"May sinasabi ka Quinn?" tanong ni Joy.

Nagtataka namang tumingin saakin si Hershy, Ana at Jane, Nag kibit balikat lamang ako at ngumisi.

"Wala, tara game na."

"Talikod ka don sa may pader." Jane said.

Agad naman akong pumunta at tumalikod.

"Now sing tagu-taguan maliwanag ang buwan but change the maliwanag ang buwan to malakas ang ulan gets?"
Jane said. Napakunot ang noo ko, ang dami namang kaartehan.

Hershy, Ana and Joy look at me habang nag pipigil ng tawa. Inirapan ko lang sila at tinignan si Jane.

"Fine! Fine! so childish!" I said.

"Sige na ha mag tatago na kami." Jane said.

Tumalikod na ako at nag simulang kumanta.

"Tagu-taguan malakas ang ulan, wala sa likod wala sa harap. Pag bilang ko ng ten naka tago na kayo." I sang loudly, Loud enough for them to hear.

"One"

"Two"

"Three"

"Four"

"Five"

"Six"

"Seven"

"Eight"

"Nine"

Before I said the last number suddenly the lights went off, perfect timing it will make the game more exciting and intense. I smirked.

"Ten"

"Hide girls,Hide! because I'm going to get you."

"Nine"

"Nampucha naman nag brown out pa." bulong ko, mahirap ng maging maingay baka malaman pa ni Quinn kung saan ako nag tatago edi huli agad ako.

"Ten."

Tangina tapos na siyang mag bilang!

Dali dali kong binuksan ang cupboard sa ilalim ng lababo at pumasok doon.

Nagpasalamat ako at maliit lang ang aking katawan kaya nag kasya ako dito sa cupboard nila Joy. Malaki din naman kasi ito kaya kumasya talaga ako.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong ala sais na ng gabi ngunit patuloy padin ang pagbagsak ng malakas na ulan.

Nakarinig ako ng yabag, tiyak kong ang yabag na ito ay papunta dito sa kusina.

Agad kong pinatay ang cellphone ko para hindi ako makita, wala kasing ilaw kaya pag may nakita kang umilaw ay makikita agad at matutukoy kung saan ako nag tatago.

"Hmm hmmm alam kong nandito ka lumabas kana." Sabi ni Quinn.

Pinigilan kong matawa.

Gago ba si Quinn? siya lang yung kilala kong ganyan.

Sumilip ako sa butas na maliit dito sa cupboard nila Joy.

Naaninag ko si Quinn na may hawak na cellphone na naka on ang flashlight at tali.

Tali? Anong gagawin niya sa tali?

Baka namamalikmata lamang ako kasi madilim.

Unti unting lumakad si Quinn papalapit sa pwesto ko, agad akong kinabahan.

Bakit siya may dalang tali?

Tahimik ko lamang sinisilip ang mga galaw niya ng bigla siya lumakad papunta sa dulong cabinet.

Narinig kong binuksan niya ito.

"Hmm saan ka kaya nag tatago?" tanong ni Quinn.

"Dito kaya?"

Narinig kong binuksan niya pa ang isang cabinet na sa tabi ko mismo.

Bawat segundo palakas ng palakas ang pintig ng puso ko. Mahuhuli niya ba ako?
magagamit ko na ba yung magic word?

"Hmm eh dito kaya?"

Nakita ko siya sa tapat ng cabinet na pinag tataguan ko.

Kinakabahan ako.

Hihilain niya na sana yung bukasan ng aparador ng may biglang ...

May biglang kumalabog.




LumosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon