Behind The Curtains.

0 1 0
                                    

Chapter 2

Hihilain niya na sana yung bukasan ng aparador ng may biglang ...

May biglang kumalabog.

Unti-unting binitawan ni Quinn ang hawakan ng aparador at nakita ko itong nag tungo sa pinanggagalingan ng tunog.

Nakahinga ako ng maluwag.

Unti unti kong binuksan ang pintuan ng cupboard para makalabas sinilip ko muna  kung may tao pa bago ako tuluyang lumabas sa pinag tataguan ko.

"Huli ka."

Bumilis ang tibok ng puso ko at unti-unting lumingon.

Saktong pag lingon ko ay kumidlat kaya nasilip ko ang kanyang itsura.

Hindi ito si Quinn.

Unti-unting gumapang ang takot saaking sistema. Ganon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ko ang hawak hawak niya.

May hawak siyang kutsilyo at pinapaikot niya ito sa kamay niya habang may nag lalarong ngisi sa kanyang labi.

Sa paraan ng kanyang pag titig at sa bagay na hawak niya ay para akong papanawan ng ulirat sa takot.

"Katapusan mo na." nakakakilabot niyang bulong.

Ito na, sinasabi ko na nga ba, Babalikan niya kami, iisa isahin niya kami.

"Nothing can save you now."
ani niya ng may ngisi sa labi at nanlilisik na mga mata.

Nanatili akong tahimik at tila parang natulos sa kinakakatayuan.

Hindi ako makagalaw, nanatili lamang akong nakatingin sakanya habang halata ang takot saaking mga mata.

Dahan dahan siyang lumapit saakin, palaki ng palaki ang kanyang nakakakilabot na ngisi na para bang nasisiyahan siya sa nangyayari.

"Good bye, Ana."

"Saan kaya nag tatago ang mga yon? Ang hirap naman nilang hanapin. Hays bat ba kasi ako pa ang naging seeker?" bulong ko habang hinahanap ko kung saan nag tatago ang mga kupal.

Habang busy akong nag-iisip kung saan ba sila nag tatago ay nakaaninag ako ng mahinang ilaw sa kusina.

Hmm bingo.

Sa Living room nila Joy ay may nakaharang na pader na siyang nag hihiwalay sa kusina slash dining room nila ngunit sa kinakatuyan ko ay masisilip mo kung may tao ba doon pero dahil nga madilim hindi ko makita ngunit dahil nga madalim maaninag mo kahit konting ilaw na mag mumula doon.

Ihahakbang ko na sana ang aking paa ng biglang kumidlat at may nakita akong anino sa may bintana nila Joy.

Huh? sino yon?

Lalapitan ko na sana ito ng may nakita akong tali.

Tali? San galing to?

Nag kibit balikat nalamang ako at hinayaan na ang taong nakita sa may bintana. Kinilabutan ako at natakot konti pero mas nanaig padin ang kagustuhan na matapos ang laro kaya nipulot ko ang tali at nag tungo na sa kusina.

Ang dilim punyemas, Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa at yeah hindi lowbat ini on ko yung flash light nito at sinumulan ng hanapin kung sino man ang nag tatago dito.

"Hmm hmmm alam kong nandito ka lumabas kana." sabi ko. Natawa nalang ako ng ma realize ko yung sinabi ko.

Anong kaabnormalan yon Quinn?

Tinutok ko yung flashlight ng cellphone ko sa mga cupboard sa ibaba hmm. Imposibleng si Hershey ang mag tatago dito sobrang laking bulas non.

Napangisi ako. Saaming mag babarkada iisa lang ang tiyak ko na Mag kakasya diyan.

Si Ana.

Lumapit ako sa mga cupboard dito at binuksan ang isa. Wala siya dito.

"Hmm saan ka kaya nag tatago?"

"Dito kaya?" binuksan ko yung cupboard at wala din siya.

Napangisi ako, dito siya nag tatago sa pangatlo.

Akmang bubuksan ko na sana ang pangtatlo at panghuling cupboard ng may biglang kumalabog.

Tumayo ako at pinuntahan ang pinangagalingan ng tunog.

Ano naman kaya yon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LumosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon