ika-dalwampu't tatlong kabanata

142 8 0
                                    

Find your self

--------------

Sya nga ba si Yuan o namamalikmata lang ako?

--------------

Wendyl's PoV

Eight o'clock na pero hindi pa rin ako lumalabas sa lugar na pinagtataguan ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang makita si Ro ngayong naalala ko na ang tunay na mukha ni Rosalia. Ang babaeng kaytagal kong tinakasan, inayawan at kinatakutan.

Ang sakit na nagawa ko syang mahalin. Kung hindi lang..... tsk kung hindi ko lang nakita ang nunal sa batok nya hindi sana ako nagkakaganito. Kung kelan alam ko ng mahal ko pala sya talaga. Kung kailan ko nakuha muli ang ala-ala ko noong bata pa ako saka ko pa nalamang sya ang babaeng kinatatakutan ko.

"Darn."

Emotero na kung emotoro, mayabang na kung mayabang pero hindi ako tanga para hayaan pang makontrol nya ako. Tama na ang sakit na palaging gumagambala sa akin tuwing gagabi o ang torture kapag nakakakita ako ng barko. Hindi ko pa gustong mamatay kaya bakit ang hirap at sa akin pa napunta ang ganitong pangyayari?

"Tol, tara na." Hinikit na ako ni Al pero hindi ko pa rin magawang tumayo.

Hindi ko alam kung paano nya ako nahanap pero dahil sya ay isa ring boss isang mafia boss at panglima sa pamilya ng Veco, hindi madaling takasan ang mga mata nya. Hindi ko naman gustong pagtaguan ang sarili kong besplen pero ang hirap lang ng ganito, na sya na ulit ang totoong Aldrin at buo na ulit ang Wendyl na ito.

Hindi na namin matataksan ang nakatakda lalo pa't malapit lang sya. Kahit na ano pang mangyari ang laban ay laban kahit na may pusong attach kailangan naming lumaban. Para sa buong pamilya. Hindi na kami pumapatay dahil ayaw ni Uno pero kung iisiping mabuti kahit si Dos ay nagagawang pumatay pero hindi sya kinukwestyon ni Uno.

"Boss, ayoko ng mabuhay." Walang ginawa si Al. Hindi siguro sya sanay na ganito ako kalungkot at katanga para hayaang matakot ako ng mga lumang ala-ala.

"Anong gusto mong gawin ko? Ang patayin kita? Huwag kang tanga! nagdesisyon ka noon na dumito tayo pinilit mo ang alter ko na pinabayaan ko na lang naman kaya anong karapatan mong ipagawa sa akin ang bagay na hindi ko gagawin kahit na magkaroon pa ng laban sa pagitan ng dalawang lahi." Tama sya. Dahil ngayong naaalala na namin ang lahat, babalik kami sa square one.

Ang makipaglaban ako sa mga Atentar at sya sa mga Cañezares.

"Pero kung makakalaban kita mas gugustuhin ko pa ang mamatay. Kung mabubuhay pa ako, at nalaman ng lahat na ikaw ang boss ko lalakas ang loob ng mga kalahi mo para patayin kami kaya mas mabuti pang mamatay ako kaysa ganito." Paliwanag ko sa kanya pero wala syang sinabi sinuntok na lang nya ako sa mukha.

"TANGA KA! KUNG PINATAY KITA NOON PA TINGIN MO KAKAYANIN NG KONSENSYA KO? TINGIN MO HINDI MAGAGALIT ANG MGA KALAHI MO SA AMIN?!! PABAYAAN MO NA LANG SILA AT IWAN NA NATIN ANG NAKARAAN!" agad nya akong hinikit at niyakap. "Kapatid na kita. Ikaw ang bestfriend ko at buhay natin ito kaya sana tama na. Masyado na tayong madrama." Natawa ako doon at tumayo na nga ako at naglakad papunta sa field kung saan magsisimula ang contest ngayong umaga.

"Mga kababayan, heto na po ang lahat ng representative ng mga school. Apat bawat school at ang bawat isa sa kanila ay may Year level na pinapahalagahan kaya naman ang 40 katao na ito ay pipili ng isa sa kanilang paaralan para maging sampu na lamang at sila ang gagawa ng pinaka parusa."

Pumili na nag lahat ng school at noong ang mga higher year na ng school namin ang tinatanong lahat silang tatlo ay ako ang itinuro. Kitang-kita ang galit nila dahil hindi sila ang nakakuha ng price para sa cruise ship.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon