Sabi sa kanya,
"There's a rainbow always after the rain..."Lage mo syang aasahan na sana ay masilayan
Paglipas ng bagyo, liwanag nya ang sa iyo ay tatanglaw
Magbibigay pag-asa sa puso mong nalulumbay
Nang minsang pumatak ang luha ng kalangitan.Mga kulay na taglay nya hatid sa puso mo ay ligaya
Daig mo pa ang isang paslit, Kung makatitig parang nuon mo lang sya nakita
Pinapangarap mo pang wag sanang mawala
Manatili nang nakaguhit, mistulang ngumingiti ang langit.Ngunit hindi lahat ng nais ay pwedeng makamit
Sadyang may mga bagay na sa buhay ay ipinagkakait
Hindi maaaring magtagal ang kahit ano sa daigdig
Lahat nagpapaalam, umaalis, lumilisan.Tulad ng bahagharing madalang sumilay
Puso mo ay napagod ding maghintay
Hindi ka na natutuwa kapag bumubuhos ang ulan
Ayaw mo ng isipin ang paglabas ng pitong kulay....
Sa buhay, hindi laging masaya. Hindi lageng may bahaghari. Madalas, lageng umiiyak ang langit.
...
Hindi man araw-araw ang pagsilay ng bahaghari sa ating mga buhay, wag tayong mawawalan ng pag-asa. Maniwala tayo sa ating mga kakayahan. Magtiwala Tayo sa nag-iisang Maykapal. 🙏🙏🙏-nej03-