10th

17 1 0
                                    

Chapter 10: I like you

Pagkarating namin sa loob ng Grand Auditorium ay marami na ang tao. Medyo nahirapan pa nga kami makapasok dahil nag-uunahan sa magagandang pwesto.

"President! Dito kana, pinagreserve kita ng upuan." sabi ng kung sino. Nang tingnan ko kung kanino nanggagaling ang boses ay hindi ito pamilyar sa akin.

Lumapit kami sa banda niya. Nasa pinakaunahan ito.

Pagkalapit namin ay nagsalita ulit siya.

"Huh? Hindi si Ms. Delanxi ang kasama mo?"

"She's busy. Anyways, thanks for reserving these seats." president said with a straight face.

Ngumiti lang ang kausap niya at nagpaalam na. Naupo na kami sa upuan. Mabuti nalang at ngayon palang mag-uumpisa ang play.

"Once upon a time, in a faraway land called the Neverland, there lived a beautiful princess imprisoned inside her own palace by her wicked stepmother who looked after her ever since her father died many years ago."

The narrator started introducing the play. Nang sumulyap ako kay president ay may hawak itong cellphone at mukhang kinukuhanan ng video ang palabas.

"Para saan yan?" I curiously asked him.

The SSC president, filming a video of a play just doesn't make any sense. Mukhang alam niya nanaman ang daloy ng kwento dahil malamang ay nabasa niya na ang script nito nung aprubahan niya.

His busy eyes glanced at me for a second then went back on the screen of his phone.

"Someone's looking forward on watching this but wasn't able to do so."

Tumango ako. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya kaya ipinagsawalang-bahala ko nalang ito at ipinagpatuloy nalang ang panonood.

Naroon na sa part na tinakasan ni snow white yung hunter at napunta sa palasyo ng seven princes. Dahil nga nakakulong siya sa palasyo ay ignorante siya pagdating sa ilang bagay, lalong-lalo na pagdating sa pag-ibig. Hindi niya alam na nagkakagusto na pala sa kanya yung pitong prinsipe.

Tapos dumating na yung time na nagsabi na yung mga prinsipe na gusto nila siyang ligawan, hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya maintindihan kung bakit gusto siya ng mga itong ligawan.

Pero masaya siya, lalo na nang magtugtugan silang lahat at hinarana siya buong gabi. Kinabukasan ay kinakailangan ng pitong prinsipe na umalis saglit para libutin ang buong nasasakupan nila dahil sa kautusan ng hari, kasabay noon ay ang pagdating ng wicked stepmother na nakaanyong matanda na nalaman na pala kung nasaan siya. Inalok siya nito ng mansanas na may lason na buong puso niyang tinanggap.

"My gosh naiistress ako!" nababanas na saad ko habang pinapanood silang umarte.

Kaganda-ganda, ang laking uto-uto naman!

"Shh." pagpapatahimik sa akin ni president na seryosong-seryoso sa pagv-video. Buti hindi siya nangangalay.

Namatay ang wicked stepmother dahil sa pitong prinsipe pero kahit namatay na yung naglason ay hindi parin nagigising si snow white katulad ng original na kwento.

Nagdaos ng seremonya, nakaburol na siya ngayon. Umiiyak ang lahat at malungkot dahil sa pangyayari. Nakapalibot ang pitong prinsipe sa kabaong niya na nakabukas.

Nagulat ang lahat, pati ako nang biglang lumapit yung hari, ang ama ng pitong prinsipe kay snow white.

Omg..don't tell me..

Hinalikan niya! Hinalikan niya si snow white! Nagwala ang crowd. Nobody expected this! Akala ko isa sa pitong prinsipe na nagpakilig sa kanya ang prince charming niya. Y-yun pala..what the hell!?

My Seven PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon