Monica's POV
Its been 1week since that incident happen . Hindi na kami nagpapasinan o kibuan man lang ni Ericka . Kitang kita ko din na kahit papano ay may taong andyan sa kanya . Si Ice . Ang taong nagmamahal sa kanya ng patago . Hindi man mapansin ni Ericka ngunit hindi kailan man nagkakamali ang obserbasyon ko sa isang tao .
Alam kong may lihim siyang pagtingin sa kaibigan ko pero bulag ang puso't isipan ni Ericka sa paksang ito . Tila wala siyang balak pakinggan . Bulag siya sa katotohanan at poot ng nakaraan . Isang bangungot na nais niyang takasan ngunit hindi niya magawa.
Naglalakad ako ng makita ko si Matt habang nakatulala na nakatayo sa tapat ng pintuan ng cafeteria . Agad ko siyang tinapik mula sa likod pero pawang wala siya sa kanyang sarili . Matiim siyang nakatingin sa malayo habang bakas sa mukha nito ang sakit at pighati .
Sinundan ko ang pinatutunguhan ng kanyang tingin at ang saya kong nararamdaman ng makita ko siya ay napalitan ng pagkadismaya .
Nakatingin siya sa kinauupuan ni Ericka na kasama ni Ice . Ang posisyon nila ang nakakuha ng atensyon ng lahat ng estudyanteng kumakain dito .
Kitang kita mula sa kinatatayuan namin ni Matt ang ginagawa ni Ice . Nakabaluktot ang katawan nito upang pantayan si Ericka na nakaupo habang sa kaliwang kamay nito ay may puting bimpo na ipinapahid ni Ice sa gilid ng labi ni Ericka . Habang si Ericka naman ay matamang nakatingin kay Ice .Ang mga ngiti nilang dalawa ang alam kong nagbibigay sakit kay Matt.
Agad akong napabalik sa aking sarili ng makaramdam ako ng mga kamay na bumalot sa aking pulsuhan . Napalingon ako sa aking liluran at napagtantong si Matt iyon .
Ikinagulat ko ang mga luhang dire diretsong tumutulo sa kanyang mga mata na mababakasan man ng lungkot ay makikita pa rin ang mga ngiti nito sa labi .
"Monica,handa na ako . Handa na akong ikwento ang lahat . Samahan mo muna akong lumayo sa lugar na to . Gusto kong pumunta sa isang lugar na kahit papano ay makakalimutan ko siya . Si Ericka . Ang babaeng minsan ay naging buhay ko"
Nagsimula nang maglakad si Matt matapos niyang ilitanya sa harap ko ang mga katagang iyon .
Ramdam ko na pawang may matutulis na bagay ang tumusok sa dibdib at nagpasikip sa nararamdaan ko . Tila hindi ko kinakaya na sa mismong bibig ni Matt nangagaling iyon .
Agad kaming nakarating at sumakay ng kotse ni Matt . Ako na ang nagpumilit na magmaneho dahil alam kong sa sitwasyon niya ay hindi niya kakayanin ang bagay na ito. Ayaw ko na may mawala sakin . Ayaw ko na dahil sa isang bagay na hinayaan ko ay may mawawala na naman sakin .
Nakarating kami sa isang mataas na bulubundukin kung saan makikita ang siyudad ng Wattpad, Ang lugar na tinitirhan ng mga kilalang tao. Kitang kita ang mga bahay nila Sic Santos. Alesana Marie at Denny na pawang bihasa sa pagsusulat at paglilimbag ng libro at marami pang iba . Palubog na rin ang araw at nagsisimula nang magsi-ilawan ang mga ilaw sa ibat ibang establisyemento na lalong nagpaganda sa tanawin .
Naputol ang muli kong pagkamangha sa lugar na iyon ng magsalita si Matt .
"I did it on a purpose,I didnt mean everything and I regret what I did." Rinig kong litanya niya . Hindi man ako humarap ay ramdam ko ang lungkot at pighati sa bawat letrang binibitawan ni Matt .
"I just want her to be safe . All my life, I sacrificed everything. Things that I know where she will be safe even though I know that I hurt her so much . "
Dagdag niya pa .
Yumuko ako at iniiabot ang mga kamay niyang nakayukom at hinawakan ito . Ramdam ko ang pagkabigla niya kaya naman ay humarap ako sa kanya at nagsalita .
BINABASA MO ANG
There's no turning back (Editing)
Teen FictionThis is the art of sacrificing things for someone you protect to . Do you think They should continue this story or They should walk in their separate ways ? Judging without Knowing is the biggest mistake we will make . Find your answers in There'...