Ika-dalawampu't apat na kabanata

160 8 3
                                    

------------

      Tama lang na magmahal pero ang katarantaduhang ito ay hindi ko mapapayagan. Naiintindihan mo ba? Mas mabuti pang tigilan mo na ang paghahangad na kumawala dahil alam nating dalawa na ako ang masusunod hanggang sa kamatayan mo.

-----------

Wendyl's PoV

Ilang linggo rin ang nakalipas at maraming school papers na pinagawa sa amin. Natapos na din ng matiwasay at medyo masaya ang cruise sa barko. Laking pasasalamat ko na lang at hindi na ako natakot pang sumakay muli sa barko pero buong cruise si Al ang kasama ko. Hindi ko man lang nadala sa staircase si Ro para kausapin. Siguro dahil takot pa rin ako na makita sya lalo pat may trauma ako sa mga barko dahil sa nangyari noong mga bata pa kami ni Ro. Naintindihan naman ako ni Ro sa ganoong pangyayari at labis ko iyong ipinagpapasalamat.

Nandito kaming buong klase sa field, nakaupo sa damuhan at tinatanaw lang ang maliwanag na kalangitan. Nagtuturo ang aming teacher tungkol sa kalikasan. Isa ito sa mga subject ng academy na talagang kinagigiliwan naming lahat. Sobrang payapa at ang tanging quiz at mismong exam namin ay ang pagpapahayag ng saloobin sa pamamagitan ng mga bagay o pangyayari na nakikita namin ng sandaling iyon.

Nakakatuwang isipin sa nakalipas. lalo na noong sabihin ni Al ang tungkol sa pagkakadapa nya sa sahig. Simula second floor ng bahay nila una mukha na naalala daw niya noong may nakita syang babaeng nadapa. Hahaha.. baliw lang talaga.

Natapos ang session na iyon at lahat kami ay naisipan pang magstay sa damuhan. Gusto ko pang mahiga katabi si Ro pero pinatawag ako ng directress.

"Tol ano nanaman bang ginawa mo?" bulong ni Al pero nagkibit-balikat na lang ako at pumunta sa office ng aking mahal na pinsan.

Noong makarating na ako sa loob ng office hindi ko nakita si Pinsan sa halip ay ang nagiisang taong ninais kong hindi makaalam ng ginagawa ko.

"Masaya ka ba sa pagpapanggap mo bata ka?" Tinitigan nya ako syempre hindi ako nagpatalo, tinitigan ko rin ang kanyang mga mata na pareho ng sa akin.

"Wala ka namang pakialam sa akin kaya bakit ka umaasta ngayong nag-aalala ka."

Siya ang aking ama. Isang amang minsan ko na lang nakikita dahil sa trabahong pang mafia at pagpalano na puksain ang pamilya ni Al.

"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan! Ama mo pa rin akong tarantado ka!" agad akong nakatikim ng sapak mula sa kanya pero alam kong hindi ito papasa dahil makapal na ang mukha sa mga laban na napagdaanan ko.

"At huwag ka ring umasang hahangaan pa kita tulad ng dati tanda!" sinapak ko rin sya at sa lakas ng suntok ko tumilapon sya sa pader. "Hindi na ako ang batang kayan-kayanan mo noon tanda! Kahit na sina ate hindi ako kayang saktan ikaw pa kaya?! Hindi ko hahayaang dalahin mo nanaman ako sa kadiliman!" sigaw ko sa kanya pero pinunasan lang nya ang pisngi nya gamit ang panyo at pinunasan ang dumudugong pisngi. Kamukha ko sya at kahit na matanda na sya mukha pa rin syang twenty magkaiba lang kami ng taas dahil mas mataas sya sa akin.

"Hahahaha.. Mas malakas ka na nga Wendyl. Pero alam mo ang mga mangyayari sa mga bagay na pinapahalagahan mo kapag pinagpatuloy mo ito." Matigas ang mga salitang binitawan nya. Tinatakot nya ako. Bina-blackmail tulad ng dati pero hindi ko na sya hahayaang saktan pa ang mga taong importante sa kanila at sa akin.

"Mahal ko si Ro kahit na sinaktan nya ako kaya kahti ano pang gawin mo hindi sya mamatay at hindi rin ako mamamatay ng hindi sya kasama. Mahal ko sya higit pa sa pagmamahal mo sa aking ina." Natigilan sya doon. Noong umpisa pa man, minahal nya na ang aking ina. Hindi nya alam na iyon ang naging kahinaan nya ang mahalin ang babaeng kahit kailan ay hindi maiibalik ang pagmamahal sa kanya.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon