Chapter 24

81 28 0
                                    

Peace

"Babalik ako, nay. Matulog ka ng maaga, may susi po ako." he said seriously.

Nanatili ako sa likod habang nakayuko. They talked about things first before nanay Babs let us go. Nagpaalam ang mga kaibigan ko sa kanila 'tsaka kami tumulak paalis.

"Addy," si Marielle. She pointed out something using her lips. Sinundan ko ang tingin nya at gulat akong napabaling doon.

Ashley was standing in front of a house. Siguro'y bahay nila. Napangiwi ako nang makitang deretso itong nakatingin sa lalaking nasa unahan ko. She look so desperate while looking at Shan. Tila inaantay na lumingon si Shan sa kanya.

Bumaling ako kay Marielle at nakita kong nagbabangayan nanaman sila ni Exces kaya nanahimik na ako. Faye gave me a glare too, pagkatapos ay binigyan ng tingin si Ashley 'tsaka ngumiwi sa akin.

Napanguso ako at mas lalong binilisan ang paglalakad. Nang tuluyan ko nang masabayan si Shan ay humawak ako sa braso nya. I looked at Ashley then I saw how she rolled her eyes. Nawala ang lahat ng pag asa sa mata na nakita ko kanina.

"Si A-Ashley oh.." I whispered. Iyong kaming dalawa lang ni Shan ang makakarinig.

Yumuko sya sa akin 'tsaka nya sinundan ng tingin ang tinuro ko kanina. Hindi ko na tinignan ang babaeng tinitignan nya. I looked at him instead and waited for his reaction.

I saw him nodded at her but he remained serious. Hanggang makasakay tuloy ng sasakyan ay busangot ang mukha ko.

Gusto kong makisali sa pinag uusapan nila kuya Rodel, Marielle, at Faye pero masyadong sira ang mood ko para gawin 'yon. Ang mga tawa nila ang bumubuhay sa sasakyan sabayan pa ng kwento ng kanya kanyang boyfriend.

Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko pero nakapikit na ang mga mata nya. Hindi pa nga sya nakakapagpaliwanag sa isa pero napakarami nanamang namumuong kabaliwan sa isip ko.

"Kanina p-pa ba kayo nagkita?" I asked before I could stop myself.

Nakita kong bumukas ang mata nya at agad iyong dumiretso sa akin.

"Who?" he asked seriously. Ang pag bigat sa dibdib ko ay lalong lumalala.

"Kaya kaba nauna saming pumunta kila nanay k-kasi andoon si Ash?" hindi kona makilala ang sariling boses.

Shit. Jealousy makes me so evil. Ayoko ng ganito pero masyado akong pinapahirapan ng dibdib kong walang kasing bigat kung hindi ako magtatanong ngayon.

He chuckled then he bow down. He sniffed my hair so I closed my eyes as I let him do that.

"Inayos ko lang yung kama nila Shen. Gusto daw nila ng double deck.." he said simply. Ang mga braso ay pumupulupot na sa akin kaya bigla ay gusto ko nalang magpayakap sa kanya.

"Eh si Ashley?" tanong ko, hindi makuntento.

"What about her?"

"Nagkita na ba kayo?" I looked up at him. Nakita ko syang ngumisi 'tsaka sya umiling.

Wala akong nagawa kung hindi tumahimik nalang. Habang nasa sasakyan ay wala akong ginawa kung hindi paglaruan ang mga ugat nya sa kamay.

Nang makarating sa bahay ay agad nagpaalam ang mga kaibigan kong pupunta na sa kani-kanilang kwarto. Shan sat at one of our couch pagkatapos ay kumuha sya ng libro tungkol sa architecture at binasa 'yon. Naiilang akong pinagmasdan sya dahil hindi ko alam kung papapasukin ko na ba sya sa kwarto o maliligo muna ako.

"Uh, I'll just take a bath," mahinang tugon ko.

Tumingin sya sa akin 'tsaka tumango. Humakbang nako pero hinila ako ng mga mata ko para tignan sya uli.

Conscience Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon