Chapter 1: Antique Shop

84 2 0
                                    

XAVIER POV

“Buti maaga tayo pinauwi, tara gala muna tayo!” aya ko saking mga kaibigan

“Sige, may nakita akong antique shop dun sa kanto.. mukhang maraming mabibili dun.” sagot ni Bea

“Naku mauna na ako, may inutos kasi si Nanay.” sagot naman ni Kelly

“Ahhh ako rin e!” nagmamadaling sabi ni Bryan

“Hay, minsan na nga lang ako mag-aya..” bawi ko sa kanila sabay lakad paalis.

Agad namang sumunod si Bea sa direksyon ko.

“Oh bakit nagtatampo ka agad?” nakangiting tanong ni Bea

“Walang tao sa bahay..” matipid kong sagot

BEA POV

“Ahhh.. hayaan mo na yung dalawa, siguradong magdadate lang yun.

Tara lilibre kita ng lunch, basta pumunta muna tayo dun sa shop na

kinukwento ko.” madali kong binago ang usapan, alam ko kasing lalo

lang malulungkot si Xavier kapag inusisa ko pa.

Well, matagal na kaming magkakaibigan… simula Elementary ay

magkakaklase na kaming apat.

Kaya kilalang kilala na namin ang isa’t-isa.

“Oh ayun yung shop! Dali pumasok na tayo!” masaya kong sabi

“Sarado pa ata..” sagot nya

“Bukas na yan, tignan mo may tindera na sa loob oh.. Tara na..” sabi ko

sa kanya

XAVIER POV

Nakakatuwa talaga itong si Bea, yung ibang babae gustong-gusto

magshopping ng damit at sapatos sa mall. Tapos ang kaibigan kong ito,

walang ginawa kundi tumambay sa mga antique, bookstores at gift shop.

Hahaha parang bata talaga, sobrang saya niya kapag nakakapunta siya

sa mga shop na iyon… Hindi ko naman makita kung ano ang nakakaaliw

sa mga lugar gaya nun.

“May napili ka na ba?” tanong ko kay Bea

“Sandali lang… Humanap ka na rin dyan.. Baka may magustuhan ka.” sagot niya sakin

Tumingin ako sa paligid. Ang daming kagamitan; pangsala, kusina, kwarto at iba pa.

“Ano namang bibilhin ko?” tanong ko saking sarili

“Ano ba ang matagal mo nang ninanais? Iho.” sabay lapit ng tindera sa akin

“Ahh.. wala ho iyon, hindi naman po iyon nabibili” nakangiting sagot ko

“Sige sabihin mo, baka makatulong ako.” Malumanay niyang sagot

Pen of HeartSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon