Rica's POV
Hi guys!! ako nga pala si Rica Santos, 16 years old, 3rd year high school na ko sa Santos University na pagmamay-ari ng Tito ko na Daddy ng pinsan kong si JM.
Kung tatanungin niyo kung nagbabayad pa ba ako ng tuition? For your information hindi na kasi libre na ko dito. Pero pag may ginawa akong hindi maganda may parusa pa din ako kasi sabi samin ng Tito ko walang special treatment na mangyayari kaya parang ordinary student pa rin ako.
Meron din company ang magulang ko na ang pangalan ay Santos Company. Sila yung kilalang company na kilala sa clothing apparel.
Oo nga pala nandito pala ako sa university ngayon naghihintay sa mga kabarkada ko pero habang naghihintay ako may narinig ako
"Rica" may tumatawag sakin sino kaya yun ang lalakas naman ng mga boses kaya hinanap ko kong sino yung mga yun. At nang nahanap ko kung sino.
Ang mga kabarkada ko lang pala na sila Lilydell, Allysa at ang isa ko pang pinsan na si Mariane akala ko pa naman kung sino sila lang pala. Kumaway na ko sa kanila para alam nila na nakita ko na sila.
"Rica" tawag nila ulit sakin habang sila ay papalapit sa akin.
"Rica nandyan na yung crush mo kasama niya si JM" hinihingal na sabi ni Lilydell sakin.
"Eh ano ang gusto niyo gawin ko" mahiyang sabi ko sa kanila. Totoo naman kasi nahihiya na ako pagdating na sa crush ko. Kasi naman kasama namin si Allysa which is kapatid niya yung crush ko kaya nahihiya ako.
"Edi magpaganda kana dali" kilig na sabi ni Mariane sakin.
"Oo nga Rica magpaganda kana kay Kuya dali boto ako sayo para sa kanya pati bagay kaya kayo" excited na pagkasabi ni Allysa sakin.
Sa totoo lang kaya kami naging magkakabarkada kasi ang mga magulang namin ay magkakabarkada din simula nung bata pa sila parang kami din ganun. Kaya kilala na namin ang isa't isa.
Bilang nagingay ang mga babae dito sa University dahil nandtio na sila.
"Hoy nandyan na si John Lloyd" kilig na sabi ng Ibang student dito sa university
Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa inyo na heartthrob kasi si John Lloyd dito sa university. O ayan na kilala niyo na kung sino ang crush ko pero nakakainis ang daming kong kaagaw pero okay lang balang araw magiging asawa ko siya at magkakaroon kami ng masayang pamilya. Feelingera lang ang peg nang ate niyo
Hindi lang naman siya ang sikat dito kasi lahat kaming magkakabarkada ang sikat dito sa university.
"Oh my gosh!!! Malapit na siya dito" sabi ko sa aking isipan
John Lloyd's POV
Hi guys! May sasabihin pala ako sa inyo ako nga pala si John Lloyd de los Reyes. 16 years old. 3rd year high school sa Santos University. Isa ako sa mga sikat dito sa university.
Meron akong gustong babae isa siyang sikat dito sa university pati kabarkada namin siya. Sa totoo lang nagkagusto ako sa kanya simula pa nung 11 years old palang kami
"Hey Bro, punta ka sa party mamaya ah nandoon lahat ng barkada" nakangiting sabi ni JM
"Ibig sabihin ba nun kasama siya mamaya" sabi ko sa aking isipan.
"Oo naman Bro pupunta ako" nakangiting sabi ko sa kanya.
Naglalakad na kami papunta sa hall way ng university pero biglang tumigil si JM
"Bro bakit ka tumigil?" pagtataka kong tanong sa kanya.
"Oo nga pala bro hindi ko pa nasasabi sa kabarkada natin na may party mamaya, pwede mo ba ko samahan baka kasi makalimutan ko mamaya eh" napakamot sa ulo nasabi ni JM
BINABASA MO ANG
My first crush is my future husband
RomanceDalawang taong may gusto sa isa't isa subalit hindi nila alam na sila ay pinagkasundo na ng kanilang mga magulang sa Arranged Marriage.