PROLOGUE

5.4K 91 11
                                    

"Ladies and gentlemen, we have just landed at Philippine International Airport, AirAsia Airlines welcomes you to Manila."

It's been six years.

Anim na taon na simula nang lisanin ko ang bansa na aking kinalak'han. Madami na rin ang nangyari at nagbago. May mga taong nawala at dumating. Ngunit isang bagay lang ang hindi nagbago at nawala, 'yun ay ang pagmamahal ko sa aking asawa. Ang lalaking minahal ako ng higit pa sa kung ano'ng materyal na bagay at kayamanan ang meron siya. Ang lalaking ipinaglaban ako sa lahat pero nagawa ko paring talikuran.

Ipinilig ko ang aking ulo. Heto na naman, nakakaramdam na naman ako ng sakit. Time heals all wounds sabi nila. Pero kailan kaya 'yung time na 'yun? Kapag ubos na ako? Kasi kahit lumipas na ang maraming taon, paulit-ulit parin akong sinasampal ng katotohanan sa katangahang ginawa ko noon. Bakit ako biglang sumuko? Bakit hinayaan kong manaig ang galit sa puso ko? Bakit ko siya idinamay sa kasalanan ng iba na hindi rin naman niya ginusto?

Hindi naman ako dapat nagrereklamo kasi ako naman ang may kasalanan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Ako ang lumayo at hindi lumaban. Pinanatili ko ang saradong isipan at hindi nakinig sa mga paliwanag niya. Ako ang nagtulak sa kanya para layuan ako. Dapat maging masaya na lang ako para sa kanya dahil sa wakas, masaya na siya at nakabangon na mula sa sakit na idinulot ko. Kaya anong karapatan ko na magreklamo sa sakit na nararamdaman ko ngayon? Mahal ko pa rin siya pero huli na para ipaglaban pa ang nararamdaman ko. He's in a better arms now. He's with the girl that can give the love that he deserves.

Three months ago nang ma-cover sa isang magazine sina Magnus at Hillary. They both look good together and very happy. And last week, I received an email from his lawyer about the annulment papers. Gusto na niyang tuldukan ang lahat. Napagod na rin siya sa kahahabol at kahihintay sa akin. I blinked back the tears and took a deep breath. Pa-simple kong tinapik-tapik ang aking dibdib na nagsisimula na naman makaramdam ng sakit.

Okay lang. .okay lang. . Magiging okay din ako.

Mapait akong ngumiti at humugot ng marahas na hininga. Tumunog ang cellphone na nasa loob ng aking bag kaya na-divert ang atensyon ko rito.
Napangiti ako nang makita ang caller ID kaya agad kong pinindot ang answer button.

"Hello? Oh, nasaan ka na? Akala ko ikaw ang susundo sa 'kin? Dadating ka pa ba o hindi na?" May bahid tampong tanong ko.

"I'm sorry love, I can't make it, katatapos lang ng hearing ng kaso na hawak ko. Maghihintay ka pa ng matagal diyan kung ako ang susundo sa'yo. Pero don't worry, pinasundo na kita kay manong Rico."

"Okay, sige na nga. Basta 'yung adobo at laing ha? Naku, kakagatin kita kapag wala, makita mo," biro ko. Narinig ko ang tawa nito mula sa kabilang linya.

"Nakahanda na ang pa-fiesta sa'yo mahal na diyosa. Ikaw nalang ang hinihintay. Magsawa ka sa adobo. Adobong baboy, adobong sitaw, adobong atay, adobong talong, adobong manok at lahat ng klase ng adobo na pinaluto ni---"

"Ang o.a ng puro adobo. Pinaluto nino?" Kunot-noo ko na tanong. Saglit siyang natigilan.

"Hmmm.. Pinaluto ni lola Tasya. Alam mo naman 'yun, mis na mis ka na."

Napangiti ako sa narinig. Kahit kailan talaga si lola. Napatingin ako sa gawi ng mga taong naghihintay, mga sundo ng mga balikbayan na katulad ko. Nakita ko ang karatulang may pangalan ko na nakataas na hawak ng isang lalaking may katandaan na. Siguro siya 'yung sinasabi niyang manong Rico.

"Howard, love, narito na 'yung pinadala mong driver. Kita nalang tayo pag-uwi ko, huh?"

Hindi ko na siya hinintay sumagot at agad pinatay ang cellphone ko bago ibinalik sa bag. Kumaway ako sa matanda na agad naman akong nakita. Mabilis akong lumapit sa kanya at kinuha nito ang maleta na hila-hila ko.

"Ma'am, kanina pa po kayo hinihintay ni sir," nakangiti nitong wika. Napangiwi lang ako dahil sa bigote niyang umaabot na sa labi niya. Feeling niya yata siya si Mr. Swabe o kaya si Don Romantico.

Pero nangunot bigla ang noo ko.

Hinihintay? Eh, katatapos lang namin mag-usap ni Howard, ah? Ipinag kibit- balikat ko nalang at nagsimula na kaming maglakad papunta sa sasakyan. Pinagbuksan agad ako ng pinto ng matanda pero natigilan ako nang makita kung sino ang nasa loob. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang sandaling magtama ang aming mga mata. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko.

His blue eyes. . .

"Magnus?"

"Welcome home, baby."

♡♡♡♡♡♡

______________________________________

Author's Note:

This is a work of fiction. Names, character, places, business and events were only a product of the writer's playful imagination.

Any resemblance to actual living person, and events are purely coincidental.

This story involves themes not suitable for young readers. Some parts contains sensitive topics so read at your own risk.

Date published: October 26, 2020

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Dangerous Deal (Published Under FandL Media Hub) 🎉
The Dangerous Deal (Published Under FandL Media Hub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon