"Mickalla naman, please. Ikaw nalang ang mag-emcee sa wedding reception ng kasal ko."
Panay pa rin ang pangungulit ni Kuya sa akin. Halos ilang buwan niya na rin akong kinukulit na maging Emcee sa kasal niya. Nakakarindi dahil paulit-ulit siya sa pamimilit at paulit-ulit lang din naman ako sa pag-tangi.
"Ayaw ko nga, Kuya!" inis na sabi ko saka kinuha ang susi ng sasakyan ko. Akmang lalabas na sana ako sa bahay nang hawakan ni Kuya ang braso ko para pigilan ako.
"Please? Ayun ang gusto ni Kate. My fiancé wants you to be her maid of honor but you rejected her."
Kinokonsensya niya ako!!
"Pero 'wag naman sanang pati 'to ay i-reject mo? Wag mo naman na kaming tanggihan. Kahit emcee nalang sa reception, Micka. For your handsome Kuya, Please?"
Yeah, right. Ate Kate and Kuya Mikael are getting married. Ang daming nangyari sa loob ng limang taon. Akalain mong sila talaga ang nagka-tuluyan hanggang sa dulo. Ikakasal na sila a month from now.
And I already graduated in College at kasalukuyan akong nagta-trabaho bilang isang Head writer sa isang kilalang Kumpanya.
"Sige na, Mickalla. Hindi ka aalis dito sa bahay hanggat 'di ka pumapayag." pananakot niya.
Napairap nalang ako sa sinabi niya saka tumakbo palabas ng bahay. Hinabol pa ako ni Kuya pero nakapasok na ako sa loob ng sasakyan ko. Akmang magmamaneho na ako paalis pero humarang siya sa harapan ko dahilan para hindi ako makaabante.
"Shit naman, oh!" bulong ko sa sarili.
Pilit na pinakalma ko ang sarili ko saka binuksan ang bintana para makausap ang kapatid ko, "Kuya naman. Umalis ka diyan! May kailangan pa akong puntahan. Male-late na ako!" inis na sigaw ko pero nginisian niya lang ako.
Ayaw ko lang talaga mag-emcee dahil hindi ko gustong magsalita sa harap ng mga kaibigan at kakilala nila Kuya at Ate Kate. Kaya nga mas pinili kong magtrabaho sa likod ng Camera dahil ayaw ko ng atensyon.
Nanatili si Kuya sa harapan ng sasakyan ko at mukhang wala talagang balak na paalisin ako. I had no choice.
"Okay fine!" I hissed.
Bakas sa mukha ni Kuya ang tuwa dahil sa sinabi ko.
"Kahit sa Honeymoon niyo ay sasama ako. So please, umalis ka na diyan dahil male-late na ako sa meeting ko!"
He smirked, "You can come with us for our honeymoon. Para naman may idea ka kung anong gina-"
Ampucha.
"Kuya! Get out of my way please. Male-late na ako!" asik ko sa kaniya dahilan para mas matawa siya.
He really loves to annoy me!
Napakakulit naman kasi nitong kapatid kong 'to. Talaga bang ikakasal na 'to in months from now? Sasabihan ko nga si Ate Kate at baka sakaling magbago pa ang isip niya. Aba! Walang Divorce sa Pilipinas! Mahihirapan siyang makipag-hiwalay sa kapatid ko kung sakali.
Joke. I know how much they love each other. I saw it. I am a witnessed for their love. And I'm happy for them.
"Pumayag na nga ako, diba? So Umalis ka na diyan please dahil male-late na talaga ako."
Narinig ko pa ang malakas na pagtawa niya bago umalis sa harap ng sasakyan ko kaya naman nagmaneho na ako paalis nang hindi nagpaalam sa kaniya.
"Good Afternoon po. Sorry I'm late." bati ko sa lahat ng taong naabutan ko sa loob ng Conference room.
I'm 7 minutes late!!!
Binati naman nila ako pabalik kaya naman tumuloy na ako sa pwesto ko. Napatingin ako sa bakanteng upuan at napairap nalang sa hangin.
BINABASA MO ANG
The President's Tint (UNEDITED)
Teen FictionMickalla Perez, the Student President in their Class. He is Daniel Gilles, their fresh graduate; class adviser who's always asking what shade of tint she's wearing everytime he sees her. He's so weird, is he gay? (Former title: Miss President, I l...