Para syang anghel na galing langit
Sa itsura nya,di mo sya malalait
Sa gwapo nya at sobrang bait
Hindi mo sya makikita na nagagalit
Ginawa ko ito para iyong mabasa
At hindi para ipuri ka't mamangha.
Isang ngiti lang ng mahal ko,
Kikiligin na lahat pati ako.
Bakit ba akoy nabihag mo?
Ang puso koy ngayo'y nalilito
Minsan naman ay pansinin mo
Ang babaeng patay na patay sayo
Alam kong korni ang gawa kong 'to
Pero alam kong di mo din mababasa ito,
Pero ako'y nahulog na nga sayo,
Magmula ng makita kang maglaro
Alam kong di ako ang gusto mo,
Pero sana naman ako'y pakinggan mo,
Wala pang isang minuto ang sasabihin sayo,
Mahal kita at yun ay di magbabago.
A/N: Alam ko pong korni, pero wala lang po kasi akong magawa. :D Kaya ginawan ko nalang ng tula si Crush. Vote po! Salamat!
P.S. Pa-vote naman po ako ng "Crush Kong Manhid!" Salamat po! Godbless!
-Camille
BINABASA MO ANG
Short Poems
PoetryTry ko lang pong gumawa ng Tula. Haha. Sana po magustuhan nyo guys! And pa-vote naman po! P.S. Palike din po ng "Crush Kong Manhid!" On-Going palang po. :) Salamat! :)