Sumpa ng Ulikba

224 3 0
                                    


Lava's POV

Iaabot ko na sana ang tinapay at softdrinks na inorder ni Iñigo,isa sa mga batang madalas na bumibili sa panaderya ko, nang makita ko ang isang pamilyar na muka mula sa aking pagkabata.

Sa tingin ko ay matagal ko nang di nakikita ang mukang iyon.

May mabibilog na mga mata, matangos na ilong, manipis at mapupulang labi at itim na itim, mahaba at alon along buhok.

*Flashback*

(10 years ago)

Saktong uwian na.

Dumeretso agad ako sa panaderya ni Aling Pasing. Sa Pan De Corner. Malapit lang yun sa mababang paaralan na pinapasukan ko kaya madalas din akong dumaan dun tuwing uwian para bumili ng cheese bread at mountain dew.

Humihingal pa ko nang nakarating ako kila Aling Pasing.

Ilang cheese bread ba Lava?

Alam agad nya ang bibilhin ko

Obvious naman siguro na suki ako dito?

Di lang dahil masarap ang tinapay dito kundi ang bait pa ni Aling Pasing, minsan ay sinosobrahan nya pa ng bilang ang binibili ko sa kanya.

Apat lang po atsaka mountain dew.

O sige. Onse lahat, Lava.
Sandali lang at tatapusin ko lang tong mga binabalot ko. Ang dami kaseng inorder nung intsik

Binayaran ko naman agad ang inorder ko at matyagang naghintay sa harap ng panaderya.

Habang naghihintay ako ,may naramdaman akong humihila hila sa palda ko. Napatingin ako sa kanya. Isang ulikba. May maiitim na mata, kulot na buhok, sarat na ilong at sira sira at maduming damit.

Nakalahad ang palad nya sa kin. Tila sinasabi nya sa akin na Pahingi ako ng palimos.

Nakaramdam ako ng simpatya sa ulikba kaya't sinipat ko muna ang wallet ko para macheck kung may sobra pa akong pera ngunit apat na piso na lamang ang natira sa akin. Sakto pambayad ko sa traysikel.

Marahan akong umiling

Sorry po. Wala na akong extra money eh.

Akala ko naman ay aalis na sya nung sinabi ko yun pero patuloy pa din sya sa paghaltak ng palda ko.

Ano ba? Wala nga diba? Mahuhubaran pa ko sa ginagawa mo eh. Isa pa, marumi yang kamay mo. Magagalit ang nanay ko pag nakita nyang marumi na naman ang uniform ko

Di na ko nakatiis. Nawalan na ko ng pasensya.

Nagulat ako nang tapunan nya ko ng nakakalusaw na tingin.

Para bang may hinahatak sya sa kaloob looban ko sa sobrang lalim ng tingin nya sa aking mga mata.

Tumindig ang balahibo ko sa inasal nya at sinubukang dedmahin ang nakakikilabot nyang titig

Ngunit mukang walang ipekto ito sa kanya.

Nakuha nya muli ang atensyon ko at saka sya nagsambit ng pitong salitang hindi ko pa naririnig sa tanang buhay ko.

Sa bawat salitang sinasambit nya ay parang kinukuha nya ang kaluluwa ko mula sa akin.

Lalo akong kinilabutan nang matapos syang magsalita.

Tinapunan nya ako ng isang nakakikilabot na ngisi at saka tumakbo palayo.

Tiningnan ko sya habang patuloy na tumatakbo.

Sumpa ng UlikbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon