Gaano ba kahirap mag stay sa isang relasyon? Bakit may mga taong napaka dali nilang iwan ang mahal nila? Bakit kailangan magtagpo pa ang dalawang tao kung sa bandang huli masasaktan lang sila? Bakit kailangan pang mag hold on kung alam naman nilang wala ng babalik pa?
Iba rin talaga nagagawa ng pagmamahal di ba? Kahit sobra ng nasasaktan, nagagawa pa din hindi mag let go. Kahit na hindi sila ang para sa isa't isa, nagawa pa rin nilang piliin at makasama yung taong hindi pala nakatadhana. Well, ano nga bang alam natin? Hindi naman natin agad malalaman kung yung taong mamahalin natin ay ang taong makakasama natin habang buhay. Pero, magkaga'nun pa man, dapat lang natin ienjoy yung mga panahon na kasama at nararamdaman natin yung pagmamahal nila. Para masabi natin sa sarili natin na ibinigay natin lahat para sa kanila. Minahal natin sila ng buo kahit na hindi iyon naging sapat para sa kanila.
Sa totoo lang, hindi naman masakit ang mag mahal e. Sadyang, nag mahal lang tayo sa di tamang panahon at pagkakataon.
"Huwag mo kong iwan. Rain."
Parang sirang plaka ang boses ni Sir Daniel na paulit ulit na bumabalik sa isip ko habang sinasambit niya ang huling mga salita. Ang kinaiinisan ko pa tuloy, bakit niya kapangalan yung paborito kong panahon? Rain pa talaga yung name niya?!
Aish! Ano naman sakin yun? Ano bang paki'elam ko kung Rain ang pangalan nung girlfriend niya? Iniwan naman siya. But im not sure kung iniwan talaga siya ha? Feeling ko lang yun. Binase ko lang sa kung paano sabihin ni Sir Daniel yung 'huwag mo kong iwan Rain'.
Agad akong tumabi sa gilid dahil sa kotseng paparating. Bahagya pa akong nasilaw dahil sa ilaw nito. Pagkalampas ng sasakyan ay muli akong nag patuloy sa paglalakad.
Malamig na hangin ang ngayo'y sumasalubong sa akin. Iilang mga tao na lang din ang nakikita ko sa labas. Ang iba sa kanila ay mga kabataang nagkakasiyahan kasama ang mga barkada. Hindi naman masyadong maliwanag ang mga ilaw sa bawat poste kung kaya may konting dilim pa rin sa kalye dahilan para makaramdam ako ng pangamba dahil mag isa lang ako naglalakad dito sa loob ng subdivision.
Ano ba kasing pumasok sa kokote ko at naglakad ako? May tricycle naman sa kanto. Bakit kasi napili ko pang mag emote ngayon? Jusmiyo! Ilang bahay pa ang kailangan kong lampasan bago makarating sa boarding house. Pero sana talaga, hindi uso adik dito.
Mayamaya pa, bigla na lamang ako nagulat ng mag ring ang phone ko na nasa kaliwang kamay ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa kabang naramdaman ko.
"Bwiset naman oh!" Usal ko sabay tingin sa phone at sinagot ito.
"Mhim." Ani ko.
"Asan ka na?! Bakit di ka pumunta?!" Pasigaw na tanong niya. Dinig na dinig ko ang nakaka engganyong tugtugan ngayon sa Bar.
"Sorry. May tinulungan kasi ako." Sagot ko.
"Ano?!" Sigaw niya muli. Tumigil ako sa paglalakad para maayos ko siyang makausap.
"Sabi ko, may tinulungan lang ako!" Bahagyang tumaas ang boses ko dahilan para marinig na ni Mhim ang sinabi ko.
"Aahh!! Sana nag text ka! Oh hayaan mo na, next time na lang." Ani Mhim. Narinig ko pa ang sigawan ng mga taong nasa loob din ng Bar.
"Sorry."
"Okay lang! Sige na! Mag iingat ka diyan!" Muli niyang wika at di rin nag tagal ay naputol na din ang linya ng tawag. Gustong gusto ko pa naman mag inom kanina para makalimot sa nangyari tapos sumingit naman si Sir Daniel. Okay na rin siguro yun, at least walang hangover bukas.
Muli akong nag patuloy sa paglalakad. Tatlong bahay na lang ang kailangan lampasan bago makarating sa boarding house. Subalit agad din ako napahinto sa paglalakad ng may namataan akong tatlong lalaking nag iinom ngayon sa tapat ng bahay. Halos pareho silang lango na sa alak base na rin sa kung paano sila makipag usap at gumalaw.
BINABASA MO ANG
ULAN
Romance"Gusto mo bang maranasan sumaya sa ulan? Handa ka bang makasama ako sa ulan?" Simula: Agosto 27, 2020