The Truth (Kenneth's POV)

0 0 0
                                    

Kenneth Jimenez, that's my name. Never pa akong nagseryoso sa isang babae. Yes, nanliligaw ako pero that's for fun.

"Whooo go Kenneth my loves!"
"Go Kenneth!!"

Yan ang karaniwang sinisigaw ng mga schoolmates ko pag nagba-basketball kami. Napatingin ako sa gawing kaliwa at nakita si Emily. Isa sya sa mga spice girls dito sa school and that's what I like, yung maganda.

"Hi Emily" kinindatan ko pa sya ngunit ngumisi lang ito gamit ang sobrang pula nyang mga labi.

"Bro, kailan mo planong ligawan yang si Emily" bulong ng kasama ko. I didn't answer instead, lumingon ako kay Emily at nginitian ito.

"Emily.. Can you be my girlfriend?" Nagulat ako nang bigla itong sarkastikong tumawa, sya lang ang nakakagawa sakin nun.

"Anong akala mo sakin?" She crossed her arms at ipinwesto ito sa harap ng dibdib nya. "You can only have me if.. "

"If what?"

"If you will court that girl" inginuso pa nya kung sino ang gusto kong ligawan. Lumingon ako doon at nakita ang tatlong babae na may nililingon sa school.

"Who among those girls?" Tatlo kasi sila, hindi ko mawari kung sino ang tinutukoy ni Emily.

"That one in the middle" napangisi na lang ako dahil sa sinabi nya.

"I know I can make you mine. Ang simple lang ng pinapagawa mo oh" inirapan nya ako at lumingon dun sa babae.

"Dapat mapasagot mo sya at maging kayo ng dalawang bwan. Sa second monthsary nyo, doon kita sasagutin"

"Tss sobrang simple talaga, sige deal"

"Well.. Good luck. Nakasalalay sa kanya ang lahat" Naglakad na ito papalayo at iniwan ako dito.

Simula noong araw na yun ay naglikom na ako ng informations about sa kanya. Nalaman kong pinsan nya pala si Elmer na kaibigan ko kaya marami na akong nalalaman kay Camille.

Kinabukasan, nang lumabas na kami sa school, agad ko nang ginawa ang unang hakbang. Sinadya ko talagang dumaan sa gawi nila kahit hindi doon ang usually kong dinadaanan. Ang gusto ko lang nun ay magpapansin sa kanya para makuha ang atensyon nya pero nagulat ako nang banggitin nya ang pangalan ko.

Ang pangalawang pagtatgpo namin ay noong pumunta ako sa bahay ni Elmer. Lahat nang yun ay planado para mas maging malapit kami. Ang cute pa nga ng reaction nya nang lumapit ako sa mukha nya.

At ayun, naging successful ako. Naging malapit kami at naging girlfriend ko din sya. Sa loob ng isang bwan nakilala ko pa sya ng tuluyan. She's... Different from others at nakokonsensya tuloy ako sa ginagawa ko.

"Love sino yung kasama mo kanina?" Nag-pout ako pero hindi yun plastik na pout. I mean, totoong nagseselos ako kahit na hindi ko naman talaga dapat maramdaman to.

"Love kaibigan ko lang yun" Sagot nya. Ewan ko pero gusto ko syang yakapin, kaya ginawa ko. Niyakap ko sya ng mahigpit habang sinasabi ang mga katagang

"I love you"

Siguro sasabihin ng ibang gago ako, pa-fall masyado. Oo, misyon kong maging kami ng dalawang bwan but I think I like her. Totoo na tong nararamdaman ko.

"I love you too"

Ayokong mawala sya sakin, iniisip ko sya palagi sa gabi. Gusto ko syang yakapin araw-araw. Ang kinakatakutan ko ay baka malaman nyang niligawan ko lang sya dahil sa 'deal', yun ang ayaw kong mangyari kahit kailan.

Dumating ang araw na pinag-usapan namin ni Emily. Ayoko syang makita dahil ayokong masira ang araw namin ni Camille pero laking gulat ko nang makita sya doon sa park.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

"I'm here.. To have you?" Magsasalita pa sana ako nang biglang sumulpot si Camille. Dumoble pa ang gulat ko nang may nakita akong mga lalaki na nagtatago sa likod, mukhang alam ko na ang mngyayari.

Sinabi ko ang totoo kay Camille dahil alam kong pag hindi ako umamin ay madadamay sya sa pananakit ng mga lalaking yun. Nasaktan ako dahil nakikita kong nasasaktan ang babaeng mahal ko pero wala akong magagawa, ayoko syang mapahamak.

Nagkasagutan pa sila ni Emily saka umalis sya, gusto ko syang sundan pero kailangan ko ding harapin ang gulong pinasok ko.

"So.. Kenneth you can have me now. I'm yours already"

"Emily, sorry pero.. Si Camille na ang mahal ko"

"Great! Natutunan mo din ang magseryoso" She smiled and claped her hands as if she win a game.

"A-Anong ibig mong sabihin Emily?"

"Kenneth.. I want you to learn. I heard na hindi ka nagseseryoso sa mga babae kaya I tried my best para ma grant ang wish ng ate mo"

"What do you mean? Teka! Naguguluhan na ako"

"Your sister told me to test you. So pinagawa yun sayo para ma test if paglalruan mo lang sya. And finally, natuto ka na rin" ang saya nyang tignan, parang wala lang sa kanya yung sampal ni Camille kanina.

"Huh! So what are the purpose of this men?" Sabay turo ko sa mga lalaking nakahawak ng kahoy at puros nakitim. Lumabas sila sa pinagtataguan at kinuha ang nga nakatakip sa mukha nila.

"Bro sorry.. Kailangan ka naming takutin, request ng ate mo"

"Sorry talaga bro"

"Mga gago kayo, nasaktan ang girlfriend ko dahil pinilit nyo akong paaminin"

"Kasalanan ba namin yan kung playboy ka? Malay ba naming mahal mo na pala sya"

"Hoy Ken!" Gulat kaming napatingin lahat kay Emily nang sumigaw ito. "Hindi mo ba pupuntahan ang girlfriend mo?" Tumaas pa ang kilay nya at parang sene-sermonan ako.

Iniwan ko na sila at hinanap si Camille kailangang magka-ayos kami ngayon. Nakita ko sya sa daan kasama ang dalawa nyang barkada. Nakita nila ako,  galit na galit na si Zaymie at Elly.

"Hoy! Bakit sinaktan mo tong kaibigan namin ha!?" Nanggagalaiti si Zaymie na humarap sa akin. "Kapal mong paglaruan sya, walang hiya ka!"

"I'll explain everything but pleasee pwede ko bang kausapin muna si Camille?"

"What for? Para masaktan na naman sya?" Si Elly nman ang humarap sa akin ngayon.

"Please. Maiintindihan nyo lahat pag bibinigyan nyo ako ng time na makausap sya"

"Hindi kami ang magde-desisyon. Tanungin mo si Camille kung gusto ka ba nyang kausapin" Mahinahon na si Zaymie ngayon ngunit nandon pa din ang galit sa mga mata nya.

"Camille? Please.." Tumango lang ito at hinayaan akong alalayan sya. Hinawakan ko ang mukha nya at pinahiran ang luhang kumakawala sa mga pisngi nya.
"Camille sorry. Oo, totoong may deal kami pero Camille.. Maniwala ka man o hindi, minahal kita. Noong nakita at naramdaman ko kung pano ka mag-mahal, yun ang nagpa-bago sakin Camille"

"P-paano ako maniniwala sa mga kasinungalingan mo ha? Anong alam ko kung nagpapanggap ka na naman?"

"Camille maniwala ka sa akin. Lahat ng mga sinabi ko, lahat ng pagseselos ko, lahat lahat, totoo yun"

Idinikit ko ang noo ko sa noo nya at hinila ko sya papalapit sa akin. Masakit makitang umiiyak sya kaya babawi ako, mamahalin ko pa sya ng todo.

"I love you" bulong ko. "And that's the truth"

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon