Chapter 5

26 8 0
                                    

"Hindi na daw tuloy 'yung pageant."

I don't know how to feel nung marinig ko sa adviser namin 'yung salitang 'yon. Nangibabaw 'yung kasiyahan ko dahil mababawasan 'yung pagod na mararamdaman ko next week. I think February is a hell month, dahil ang dami naming kailangan gawin. Entrepreneurship Week and Dance Fest 'yung magaganap ngayong buwan.

"Class, go to your groupmates now. Mag meeting kayo about sa Entrep and sa gagawin niyong survey forms." Pumunta agad ako kay Ally nang marinig ko ang teacher namin. We're divided into three groups. Si Ally ang ka-grupo ko sa mga barkada ko. Si Selene naman kasama niya si Ynna. While Martha, si Jane ang kasama niya.

"Shit, Elle! Makikita mo 'yung nang ghost sayo. Hahaha!" Inasar ako ni Ally nang marinig niya 'yung mga schools na pupuntahan namin. Ang ingay niya kahit naririnig siya ng iba naming ka-grupo! "Hoy, Ally! Ikaw din naman may naka-chat ka do'n, ah! Pareho lang tayong makakakita ng multo sa school na 'yon!" Sinamaan ako ng tingin at tumahimik nang gumanti ako sa kanya. Galing din ng kaibigan kong 'to e, 'no? Kapag siya na 'yung inasar, pikon kaagad.

Pagkatapos naming mag asaran, nag-focus na kami sa pinag-uusapan namin. Nag finalize na kami ng mga products na ititinda namin sa Entrep Week. Survey forms na lang ang kailangan naming iprint.

Pagkatapos non, ready na kami pumunta sa mga ibang schools para magsurvey. Sampu kami sa isang grupo pero apat lang daw ang pwedeng magsurvey. Nag desisyon si Ally na kaming dalawa ang magse-survey at dalawang lalake ang isasama namin.

Bawat araw na lumilipas, pinag hahanda lang kami para sa survey namin sa mga ibang schools. Natapos na kaming mag survey sa mismong school namin. "Okay next do'n kayo sa public school." We prepared a lot of survey papers because for sure there are many students in that school. "10 students lang ang bigyan niyo ng mga papel bawat grupo. Grade 9 - 12 students ang bigyan ninyo, okay class?" After mag explain ni Sir, lumabas na kami ng school para pumunta sa public school. Invited 'yung mga schools na malapit sa school namin kaya nagse-survey kami do'n.

"Goodmorning! Ahm.. Magse-survey lang kami para sa paparating na Entrep Week namin. Piliin niyo 'yung gusto niyong food dyan and encircle niyo na lang." Halatang kinakabahan si Ally sa boses niya. Nakaka kaba naman talaga dahil hindi naman kami sanay sa public speaking.

"Magbibigay kami ng mga survey papers for those selected students. Fill up-an niyo na lang. Thank you!" Pinamigay na ng mga ka-grupo namin 'yung mga survey papers sa sampung estudyante matapos kong sabihin 'yon sa buong klase. Ilang rooms na ang napuntahan namin kaya napagod na si Ally. "Ang gulo nila! Hindi naman pinapakinggan 'yung mga sinasabi ko." She pouted. Halatang stressed na. Ako rin naman, pero mas gusto ko 'to kaysa magdiscuss 'yung mga teachers sa amin. At least wala ako sa school namin and feel ko nakaka gala ako!

"Hoy, isa pa lang 'yung napupuntahan natin na school. May dalawa pa, baka makalimutan mo." I reminded her. Actually, limang schools talaga dapat pero 'yung dalawang schools, 'yung ibang ka-grupo na lang namin ang pupunta doon.

"Bili muna tayo ng miryenda, Elle bago bumalik sa school. My treat!" Agad akong sumang-ayon sa pag-aya niya sa dahil gutom na rin ako. Bumili lang kami ng egg sandwich at softdrinks. Bawal akong uminom ng soda pero sabi nga nila 'masarap ang bawal.' Bumalik na kami kaagad sa classroom nang maubos namin 'yung kinakain namin.

Nakita ako ni Martha na naunang natapos sa amin kaya dinatnan na namin siya sa room. "Hoy, Elle! Sinong nag sabing uminom ka ng softdrinks? Susumbong talaga kita kay Tita!" Si Martha palagi ang nag babawal sa akin sa pag inom ng softdrinks, pero wala na siyang nagagawa dahil 'pag nakikita niya ako madalas paubos na 'yung iniinom ko. Inayos ko 'yung survey papers na na-fill up-an ng mga students sa public school.

Maybe in a Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon