Nakita at Minahal

10 0 0
                                    

Pauwi ako galing eskwelahan at naglalakad na sa kanto ng street namin nang mahagip ng mata ko si Maya.

"Pauwi ka na?" bati niya sakin na may ngiti pa sa labi.

Tinanggal ko ang earphones ko, "Ah oo hehe ikaw?"

"May bibilhin lang. Sige, ingat ka!" sabi niya at umalis na.

Sinuot ko ulit ang earphones ko at pinakiramdaman ang puso ko. Ayos, kalmado na. Bumalik na ako sa paglalakad pauwi.

Ah, si Maya kasi crush na crush ko simula pagka bata. Hindi na nawala eh, akala ko puppy love lang pero dala dala ko pa rin hanggang ngayong 19 years old na ako. Aba syempre hindi niya alam, napanghihinaan kasi ako ng loob sa tuwing makikita ko siya.

Nakakasagot lang ako ng normal dahil nakasanayan ko pero ang bilis ng takbo ng puso ko at sumisigaw ang utak ko para umamin na sa kanya.

Napasimangot ako habang naglalakad, hays. Wala eh tiklop ako kay Maya.

Nakauwi na ko sa amin, nakakain na at nakapag bihis na rin. Nagmumuni muni lang sa labas ng bahay at nagpapalipas oras. Sumagi ulit sa isip ko si Maya.

Napakabait ni Maya, pare. Bonus pa yung kagandahan niya. Talented din siya pero mahiyain, nagsasayaw kasi yun nung mga bata pa kami. Nahinto lang nung nag highschool, nahiya raw kasi siya.

"Wow, layo ng lipad natin dyan ah." nagulat ako ng konti sa kumalabit sa akin.

"Baka ikaw paliparin ko." banat ko naman sa kanya.

"Tol nga pala, nakita ko si Maya kanina ah? Umalis may kasamang lalaki." sinamaan ko siya ng tingin pero pabiro lang.

"Mag tigil ka nga Ric, nakasalubong ko siya kanina no." sabi ko naman.

"Ay pota malamang tinayuan ka nanaman ano?? Umamin ka!" tatawa tawa niyang sabi. Siraulo. Binatukan ko nga, pero di naman sobrang lakas. Slight lang hehe.

"Sira, alam mo namang hindi ako ganun." seryosong sabi ko. Ayoko kasi ng bastos mag isip at mag salita.

"Biro lang tols, sorry kung na-offend ka. Alam ko naman matino intensyon mo kaso tols panahon na para aminin mo nararamdaman mo kay Maya. Baka umaaligid aligid lang yung aagaw sa kanya, ikaw rin!"

"Daan muna sila saken bago sila mag tangka! Soon tol aamin na talaga ako. Hirap kasi humanap ng tyempo." pag amin ko sabay sad face, para cute.

"Basic lang yan pre!! Parang nung inaya mo lang siya dati sa JS prom diba? Hahahahaha!"

"Doon mo ikukumpara eh tignan mo nga natatawa ka pa." sabay suntok ko sa kanya ng pabiro.

"Kaya mo yan tol, ilang taon mo na tinatago yan. Ilabas mo na malay mo ikaw na lang hinihintay niya!"

"Hays sana nga kaso papano kung hindi? Sakit agad iniisip ko pa lang preee!" napapikit pa ako para kunyari masakit talaga sabay hawak pa sa puso ko. Tinawanan naman niya ako.

"Walang mawawala kung susubukan mo, at least you tried man. Kesa naman hanggang tanong ka lang sa sarili mo pero walang sagot. Mahal mo siya eh, dapat tanggapin mo lang kung ano magiging sagot niya."

"Oo tol tama ka, atsaka ang gusto ko talaga gawin eh pasayahin siya. Goods na goods na ako makita lang siyang masaya. Salamat sa encouragement pare, aamin na ako bukas."

"Yown! Walang ano man tol, basta dito lang ako sa likod mo lagi." nag apiran kami at pumasok na sa loob bahay.

Kinabukasan, ang ganda ng bungad ng umaga ko. Maaliwalas sa labas at maganda ang panahon. Sakto sabado, walang pasok!! Mukhang sinasang-ayunan ako ng panahon ah? Siguro ito na nga talaga ang tamang oras para umamin ako sa kanya hehe.

MayaWhere stories live. Discover now