Diary ng Maton

87 5 0
                                    

Lagi nalang akong napapa away! Inggit lang ba talaga sila dahil gwapo ako? Dahil malaki ang katawan ko? Pag nasa school ako laging may tatawag sakin tapos mag yayaya ng suntukan. Ako naman tong si "Sanay" sa mga basag ulo, papayag din. Sige Diary May teacher na kami. Makikinig muna ako sa lessons niya.. Pogi kasi ako e. Matso pa.

~Dale pogi ♥

Hindi naman masamang magkaroon ng Diary Hindi ba? Porket ba pogi e bawal nang mag sulat sa diary? E sa diary ko nanga Lang nailalabas lahat ng saya at sama ng loob ko e..  At itong diary na ito ang dahilan para masabi ko ang tunay na nararamdaman ko sa babaeng gusto ko. Alam kong curious ka sa kwento ng buhay ko.. Kaya ito na. Ikukwento kona

I'm Dale Magtanggol and this is my story.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

January 10 20**

Naka away kona naman yung Mark na yon. Pang limang beses na niya akong niyaya na makipag suntukan sakanya pero ni isa doon e Hindi namlang siya nanalo sakin.. Bida-Bida kasi. -_- Dahil sakanya lagi akong na GuGuidance.. Lagi tuloy napapatawag sila mama at papa. At ngayon? Papatigilin n ako ng parents ko sa pagaaral. Bwiset na Mark yan.. Masyado kasing paepal. Buti nalang talaga Matso ako. Pogi pa. ♥

~Dale pogi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Maaga akong nagising.. Nag mamadali akong kumilos kasi akala ko late na ako... Pero pag baba ko ng hagdan kanina saka kolang naalala na HINDI NA PALA AKO PAPASOK SA SCHOOL DAHIL SA WALANGHIYANG MARK NA YON! Nako nakakapang init talaga ng ulo..

Nilaan ko nalang ang oras ko sa pag bubuhat ng barbels and dumbbells. Hindi pa ako kuntento sa laki ng katawan ko e.

Sa Garahe ako nag exercise kaya naman halos lahat ng babaeng dumadaan ay napapatingin saakin.. Ang Matso ko kasi e.. Pogi pa. ♥

Mapa babae at Binabae ay napapatingin sakin.. Ang Matso ko kasi e. Pero.. May isang babae na nakaagaw ng atensyon ko kaya naman agad akong lumabas ng bahay.. Kailangan kong malaman ang pangalan niya..

"Excuse me."

Napatingin Lang sakin yung babae.. Ang ganda niya talaga. ♥

"Bago kalang dito?"

"Ah oo.. Kakalipat lang namin dito e." Sabi niya sabay ngiti. Punyeta NGUMITI SIYAAA!!

"Ah ganon ba? Anong pangalan mo?" Medyo nahihiyang sabi ko. TEKA? Bakit ba ako nahihiya?Matso kaya ako.. Pogi pa.

"Arillana Montes" Sabi niya sabay extend ng kamay niya..

"Dale Magtanggol" Sabi ko sabay abot ng kamay niya..

PUTSPANG MAY GLUE WITH CUCUMBER, HONEY, LOVE, AND CARE!! NAHAWAKAN KO YUNG KAMAY NIYAAAAA! KINIKILIG AKO. :">

"Nice to meet you Dale" Arillana.

"Nice to meet you too Arillana."

"Yana nalang. Masyadong mahaba yung Arillana e." Sabi niya ng nakangiti. HEAVEN

"OK. Nice to meet you Yana."

"Ah sige Dale mauuna na ako ah? Baka kasi hanapin na ako ni Mama e." Sabi niya sabay talikod saakin..

Aalis na siya agad? Ang bilis naman.. Hindi ko panga nakukuha yung Number niya e. :(

Tumakbo ako papunta ng kwarto ko.. Kailangan ko itong maisulat sa Diary ko.. Shet kinikilig ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Kinabukasan.)

Maaga ulit akong nagising.. Inaabangan ko si Yana sa Tidahan nila Aling Margaret. Ang tagal niya..

Diary ng MATON (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon